Kabanata 14

62 4 0
                                    

Greenus' POV

Mabilis naming itinahak ang daan patungo sa kweba ng Lupercal. Mataas na ang sikat ng araw noon kaya't maaaninag mo ang ganda ng paligid ng Lupercal. Ang mga punong naroroon ay tila mga kalahi ko sa tibay at ganda ng pagkatayo. Ngunit tahimik ang kweba nang madatnan namin ito. 

"Wala siya rito," mahinahong sambit ni Lei.

Pareho nga ang nararamdaman namin. Bilib naman ako sa bulag na ito at ang talas ng pakikiramdam nito sa paligid. Kanina pa nga akong manghang-mangha sa kanya pagkat masasabayan niya ang bilis ng aking pagtakbo kahit bulag ito.

"May nakikita akong sunog na damuhan sa dakong roon," sabi ko sa kanya at kahit mukhang awkward ay itinuro ko pa rin ito. Ngunit natunton niya ang itinuturo ko kaya't mas lalo pa akong napamangha dito.

"Sundan natin iyan," tanging tugon nito.

Akma siyang tatakbo nang pinigilan ko at hinawakan siya sa kanang braso.

"Bakit?" gulat na tanong nito.

"Gusto ko lang ipaliwanag sa iyo na hindi basta-basta ang hayop na iyon kaya't gusto kong siguraduhin kung handa mo ngang ibuwis ang buhay mo sakaling makasagupa muli natin ang hayop na iyon."

Hindi siya natinag at sa halip ay itinaas ang kanyang kanang kamay senyales para bitawan ko ang kanyang kamay.

"Tinulungan mo ako mula sa hayop na iyon kaya't bilang ganti ay tutulungan din kita kahit man lang sa pagsugpo ng halimaw na iyon. Kung pagbubuwis ng buhay ang itinatanong mo ay matagal ko na iyang ginagawa para sa kalikasan kaya't hindi mo na dapat itinatanong iyan. Karangalan kong mamatay maipaglaban lamang ang mga nilalang na walang kalaban-laban."

Pagkatapos kong marinig ang mga iyon ay parang gusto ko na siyang bigyan ng korona sa sobrang tapang para sa kalikasan.

"Kung ganoon hindi na natin patatagalin ito at kailangan na nating hanapin ang halimaw na iyon."

Muli kaming kumaripas sa pagtakbo. Kahit hindi namin napag-usapan kung papaano namin papatayin ang halimaw na iyon ay sapat na ang determinasyon namin para magapi iyon. Hindi ko rin maiiwasang mapangiti dahil ngayon ko lang napansin ang kagandahan ng dilag na ito. Kagandahan hindi lang sa panlabas na anyo kundi pati na rin sa kalooban.

Nadatnan namin ang isang baryong nalulutong na sa sunog na dulot ng shewolf. Halos natutupok na ang karamihan sa mga bahay na naroroon. Nangingitim na rin ang daan dahil sa mga nagbabagsakang abo.

"Narinig mo ba iyon?" tanong ni Lei.

"Ang alin?"

"Hiyaw ng hayop sa bandang roon," sabi nito sabay turo ng direksyon.

Agad kaming tumungo sa bandang iyon at bumungad sa amin ang nagagalit na shewolf. Bigla siya bumuga ng bolang apoy na inasinta sa isang lalaking naroroon. Nakatalon ang lalaki at napadapa sa pagbagsak nito. Kumaripas ulit ang hayop sa direksyon ng lalaki at tumalon. Habang sa ere pa lamang ay muli siyang umasinta. Nakita ko na lamang na may isa pang bolang tubig na lumabas ngunit hindi natamaan ang bolang apoy ng hayop. Kaya't kumaripas ako sa lalaki na nakadapa para tulungan ito.

"Sand shield!"

Sumabog ang bolang apoy at nawala ang aking sand shield. Pagkabagsak ng hayop ay agad itong kumaripas patungo sa direksyon namin. 

"Tumayo ka na at magtago," utos ko sa lalaki.

Agad naman itong tumalima at hinarap ko ang hayop na iyon. Muli akong humanda para asintahin ang nagagalit na shewolf.

"Land mines!"

Napahinto ang hayop at umiwas sa aking pagtira sa kanya. Ngunit nabigla ito nang matamaan siya ng bolang tubig na nanggagaling sa isa pang lalaki sa di-kalayuan. Napahiyaw ang hayop at napadapa.

Algera Unang Aklat : Hangin at TubigWhere stories live. Discover now