Ang Algera ay isang legendary continent na nabuo pagkatapos maghiwahiwalay ang Pangaea, ang super-continent bunga ng mga volcanic eruptions at iba pa. Ito ang kontinente kung saan ipinaloob ni Tagalikha, ang pinakamataas na bathala ng sandaigdigan, ang lahat ng kahiwagaan sa mundo. Ang kontinente ay nababalot ng maraming kahiwagaan at magagandang bagay. Higit sa lahat ay ang isang dosenang agimat na siyang nagbibigay ng balanse sa buong mundo. At dahil sa matinding kapangyarihan na maidudulot nito ay dito na nagsimula na ang mga nilalang ay magkairingan. Hanggang sa lumabas isa-isa ang mga agimat sa kontinente na siyang hindi dapat mangyayari. Ang kwentong ito ay tungkol sa isang binatang nakatadhanang magbabalik ng mga agimat sa Algera- si Luna Santisteban. Siya ang napili ni Hannah Lyn, isang diwatang -gabay o Fullfiller, dahil umilaw ang mga agimat nito nang mahawakan ng binata. Ipinagkalooban ang mga fullfiller ng kapangyarihang makapag-teleport ngunit depende sa kanilang lakas kung gaano kalayo ang pwede nilang mailipatan. Dahil dito kinumbinse at ginabayan na ni Hannah si Luna para matuklasan kung paano magamit ang mga agimat para labanan ang kasamaan. Ngunit hindi madali ang lahat dahil ang mga Rectus, ang mga gahamang nilalang ng Algera, ay naghahanap din sa mga agimat. Hinahabol din ng mga ito si Hannah dahil sa mga agimat na hawak nito. Magtatagumpay kaya sina Luna at Hannah sa misyong maibalik sa Algera ang mga ito? O tuluyang makalabas ang mga mababangis na nilalang ng Algera at maghasik ng lagim sa mundo?