Kabanata 24

24 3 0
                                    

Luna's POV

Isa...dalawa...tatlo... hanggang anim na punyal ang pinakawalan ni Rey sa ere. Bumagsak ang anim na mga Rectus na nagbabantay sa mausoleum habang ang apat pa ay naglambitin sa puno gamit ng kapangyarihan ni Hannah.

"Sisirain ko ang gate, Water dragon!"

Malaya na naming naipasok ang himlayan pagkatapos maglaho ang mga halimaw at mga Rectus na bantay nito. Ngunit napatira ako kaagad nang muling nagsilabasan ang mga halimaw sa magkabilang himlayan.

"Mukhang nagsasayang lang tayo ng lakas dito," si Rey. Agad niya nitong ipinabagsak ang dalawa pang mga zombies.

"Hindi maaari, pinupunterya na tayo ng mga halimaw. Hayan o, pabalik na sila dito."

Natatanaw ko nga ang papalapit na kumpol ng mga zombies. Habang patuloy ko namang pinipigilan ang pagsilabasan ng mga halimaw sa kanilang mga lungga.

"Water blasts!"

Ngunit tila isang sirang-plaka lamang ang nangyayari sa amin. Hindi namin maubos-ubos ang mga paparating at paglalabasan ng mga halimaw. Paano kaya naming magagapi ang mga ito?

"Mukhang kailangan muna nating umatras," naghihingal na sambit ni Hannah.

"At halatang wala tayong nababawas sa kanila," dugtong ni Rey.

"Water canon!" Asinta ko sa paparating na mga zombies.

Tinahak namin ang direksyon kung saan ako umasinta. Mahirap isipin na umaatras na kami. Ngunit kamatayan lamang ang kahahantungan namin kapag magpapatuloy kami sa paglaban ng walang kaalam-alam. Isang pagpapakamatay na walang silbi. Pagpapakamatay na walang patutunguhan.

Napahinto kami sa pagtakas nang may namuong dalawang portal sa aming patutunguhan. Nagsilabasan ang mga Rectus at tahasang sinugod kami.

"Gravitea vinea!"

Umasinta din si Rey para mabawasan ang mga Rectus.

"Water balls! Water pours!"

Bumagsak ang dalawa pang papalapit na Rectus at ang kumpol ng mga zombies.

"Hannah, ngayon na..."

Lumingon sa akin si Hannah at nahulaan niya ang ibig kong mangyari. Agad kaming pumasok sa portal at lumabas sa itaas ng mga puno. Bumagsak kami at nagsikapit sa mga sanga. Nang makasampa na kami ng maayos, ay sabay kaming napahinga ng malalim.

"Muntik na tayo doon ah?" si Rey na pawisan na ang mukha.

"Ano na ngayon ang gagawin natin?" tanong ko kay Hannah.

"Hindi ko pa rin alam. Hindi pangkaraniwan ang kapangyarihang ito. Masyadong malakas na tila nagmumula din sa isa pang agimat."

Napatingin na lamang ako sa malayo.

"Paano ko makukumbinse ang iba pang mga agimat?" matigas kong tanong kay Hannah.

"Sa paraan din kung paano mo nakumbinse si Leo," tanging sagot nito.

Paano ko nga ba nakumbinse si Leo?

"Handa ka na bang maniwala sa milagro Luna?" iyan ang mga unang kataga na ibinulong sa akin ni Leo. Sinabi niya rin na siya raw ang sandata laban sa kasamaan. Siya ay isang alipin ko na handing dumamay sa akin. At iyon nga ang nangyari. Naniwala ako sa lakas niya at nagawa naming mag-isa.

"Nakita ni Leo ang malasakit ko sa iba kung kaya't hinayaan niya akong gamitin siya sa pakikipaglaban. Ngayon, hindi ko alam kung paano ko kukumbinsihen ang iba pang mga agimat para mas lalo pa akong lumakas."

Umakbay sa akin si Rey at idinantay ang kanyang ulo sa ulo ko.

"Huwag kang mawalan ng pag-asa, kaibigan. Sa ating tatlo ni Ram, ikaw ang pinakamatalino at ang pinakamatapang. Ngayon ka pa kaya mawawalan ng pag-asa na mas nakakaangat ka na sa amin dahil sa mga agimat na iyan? Malaki ang tiwala ko sa iyo. Kaya nga sumama ako sa iyo dito, kasi mas panatag ako pag kasama kita."

"Naduduwag ka kasi, kung kaya't sumama ka rito," si Hannah na nagpeace sign agad sa kasamahan namin.

"Maswerte ka maganda ka, kung hindi magagalit talaga ako sa iyo," sagot nito.

"O bakit ano ang gagawin mo kapag nagalit ka? Aasintahin mo ako ng mga punyal mo?"

Napangiti si Rey. "Hahaha napakasimpleng bagay lang iyon, higit pa riyan ang gagawin ko. Dahil gagawin ko ang lahat para mahulog ka? Mahulog ka sa puso ko," at nakuha pa nitong dumiskarte.

"Ah baka gusto mo nang lumambitin?" pagbabanta ni Hannah.

"Hindi ka naman mabiro?" agarang sagot nito. "O di kaya ayaw mo lang marinig ang mga sinabi ko kasi ibang tao ang sinisigaw ng puso mo?"

Umismid ito. "Kung wala kang magandang sasabihin mabuti ilambitin muna kita."

Sa bilis ni Hannah ay hindi na nito namalayan na pumulupot ang baging sa kanang paa nito habang ang isa pang baging ay itinali ang mga kamay nito. Inihagis siya pababa at nakalambitin ng patiwarik.

"Aaah..." sigawan ni Rey. "Madali din namang sabihin na gusto mong solohin muna si Luna eh, " dugtong pa nito.

Napatawa na lang ako sa inasta nito. Hay, ganito n aka kaseryoso ang pinagdadaanan namin nagawa pa nilang maglaro. Pero kung totoo nga na may gusto si Hannah sa akin, bakit naman ako? Dahil ba na mas makapangyarihan na ako sa kanya? Sana hindi naman sa ganun.

"Ano ang iniisip mo? Masyado kang titig na titig sa akin ah?" pukaw ni Hannah.

"Ah pasensya, may iniisip lang kasi ako."

"Napapaisip ka sa mga sinabi ni Rey anu? Iyan kasi naniwala ka naman agad," seryoso nitong sambit.

Ano ang ibig niyang sabihin? Na walang katotohanan sa mga pahayag ng kaibigan ko? Hay, baka umaasa nga ako sa wala. Hep hep, umaasa? May gusto rin ba ako sa kanya?

"Ano na ang plano?" muling tanong nito sa akin.

"Hindi ko pa alam. Pinag-iisipan ko pa kasi kung paano ko makumbinse ang iba pang mga agimat."

Tumalikod si Hannah at ipinako ang paningin sa kalayuan.

"Nang ipinagkaloob sa aking ama ang agimat ng tubig, marami din siyang pinagdaanan para makumbinse si Leo. At dumating din sa punto na kailangan niyang pumili sa pagitan ng agimat at kaligtasan ng kanyang pamilya. Dahil doon nakita ko kung paano mag-isip ang aking ama. Hindi niya inasa lahat sa agimat. Kundi naging katuwang niya lamang ito," pahayag nito.

May himig ng lungkot sa kanyang pagsasalaysay. Nakokonsensya tuloy ako pagkat hindi ko mapanindigan ang aking kapalaran. Hindi pala sapat na makukumbinse ko ang mga agimat. Kailangan na maging malakas din ako. Maging malakas na pinuno ng mga ito.

"Sa ngayon, bumalik muna tayo sa mga kasamahan natin. Mas mainam na siguraduhin muna natin ang kaligtasan nila."

Tumango lamang si Hannah at agad na tumalon. Sumunod din ako sa kanya. Bumuo siya ng portal sa lupa.

"Babalik na ba tayo doon?" sigaw ni Rey nang Makita ang pagtalon naming.

"Sumagot nam---"

Hindi niya na naituloy ang sasabihin nang pinutol ko ang baging na naglalambitin sa kanya at sabay kaming tatlo na pumasok sa portal. Sana malalagpasan namin ang pagsubok na ito...

(Ipagpapatuloy...)


Algera Unang Aklat : Hangin at TubigWhere stories live. Discover now