Kabanata 20

44 2 0
                                    


Lei's POV

"Mukhang hindi magtatagal ay mapapasok na tayo ng mga zombies at iisa-isahing kakainin ang mga utak natin," pahayag ko habang naglalakad ng pabilog. Ilang beses ko ng tinahak ang kaparehong laki ng bilog na napapansin naman ni Greenus ngunit walang kaemo-emosyong pinapanood ako.

"Mukhang ganoon nga ang mangyayari kung maggaganyan ka lang," sa wakas tumugon din ito. Ilang minuto na kaya akong nagsasalita na parang baliw dito. Bakit pa kasi nagpaiwan ako dito?

Ilang malalakas na yabag mula sa itaas ang kumuha ng aming atensyon.

"Parami ng parami na ang mga zombies na umaakyat sa bubong. Kapag nagpatuloy ito ay bibigay ito at mapapasok nila tayo,"sambit ng matandang lalaking humihingal na lumapit sa amin.

"Hindi ito maganda," tugon ko sa kanya.

Kumaripas ako sa itaas at nadatnan ko ang mga taong bumabantay roon na nanginginig sa takot.

"Mukhang ito na ang libingan natin," sambit ng isa.

"Huwag nga kayong matakot. Bagkos tatagan ninyo ang inyong sarili. Paparating na ang tulong kaya't maghanda at magpakatatag na lamang hanggang sa mailigtas tayo dito."

Nagsidatingan sina Ram at Mona sa aking likuran.

"Kung sakaling matatagalan sina Luna, kailangan nating mag-isip ng ibang paraan, Lei," si Mona.

"Wala na tayong magagawa kundi antayin na lamang sina Luna. Pwera na lamang kapag handa kayong lumabas at lumayo sa lugar na ito."

Lumapit sa akin si Ram, "Ano kaya ang kasiguraduhan natin na matatakasan natin ang mga halimaw na iyan?"

"Pwera na lamang kung lalayo tayo dito na hindi nila napapansin?" dugtong naman ni Mona.

Muli akong nagpalakad-lakad ng pabilog at malalim na nag-iisip ng paraan. Sana naman gumana ang isip ko ngayon. Andaming beses ko ng natakasan ang ganitong sitwasyon kaya't dapat hindi ako mawalan ng pag-asa.

"Tunnel?"biglang sambit ko.

"Tama, may tunnel ba na malapit dito?"

"Meron, ngunit kailangan nating lumabas para makababa roon," sagot ni Mona.

Napaisip na naman ako. Kung sakaling lalabas kami para makapunta sa tunnel, malaki ang posibilidad na maubos muna kami bago marating ang tunnel na iyon. Paano kaya kami makarating sa tunnel na hindi napapansin ng mga halimaw sa labas?

"Gagawa ako ng butas papunta sa lagusan ng tunnel," biglang sambit ni Greenus. Nagulat kami sa naging presensya niya.

"Mukhang papatayain mo kami sa gulat ah," tugon ko sa kanya at napaismid.

"Antagal mo kasing mag-isip." Uminit tuloy ang pisnge ko sa sagot nito.

"Eh di ikaw na ang mabilis mag-isip," pagdadambong ko sa kanya.

Hindi na siya kumibo sa halip ay naglakad na pababa. Sumunod ako sa kanya kasama sina Mona at Ram. Dinala kami nina Mona sa kusina at doon na nagsimulang nagpasabog si Greenus para makabuo ng butas patungo sa lagusan ng tunnel. Ilang beses siyang nagpasabog bago bumalik sa aming kinaroroonan.

"Natuntun ko na ang tunnel. Pwede na pumasok dito ang mga tao."

"Meron akong naisip. Bago niyan ay gumawa ka kaya ng butas na pababa nang sa ganun kung sakaling matuntun ng mga halimaw ang butas na nabuo natin dito at magtangkang sundan tayo ay mahuhulog sila sa butas. Di ba't magandang ideya iyon?" sambit ko sabay taas ng kilay sa kanya.

"Hindi naman masama ang naisip mo, sige masusunod."

Muling bumalik sa baba si Greenus at iyon nga ang ginawa niya. Habang sina Mona at Ram ay tinipon ang mga tao doon at humanda sa pagtakas.

"Kailangan na nating bilisan, Masyadong mabigat na sila sa bubong at hindi magtatagal ay masisira na ito," pahayag ni Ram. Nababalot ang mukha nito ng pawis dulot ng kaba at hindi mapagtantong sitwasyon namin.

"Ihanda ang mga lamparang gagamitin at iilang pagkain at tubig. Magdala na rin ng mga armas ang bawat isa baka sakaling makasagupa natin ang mga halimaw sa ilalim," utos naman ni Mona.

Nginitian ko ang dalawa dahil masarap silang tingnan na tila mga magulang ng mga taong nandito. Inaakay nila ang mga tao, inaalagaan at sinisigurong makatakas sa malagim na kapalarang ito. Magiging ganito rin kami ni Luna balang araw. Napangiti tuloy ako sa aking naisip.

"Kailangan natin ng hagdan na magdugtong sa atin sa butas sa gilid at ng hindi mahulog sa butas na para sa mga halimaw," si Greenus.

"Nahanda na namin ang lubid para riyan, kaibigan," si Ram.

Nagsimula ng bumaba ang mga tao. Nagsimula sa mga bata at mga matatanda.

Nakakalahati na kami sa bilang nang biglang umalingawngaw ang pagbagsak ng bubong sa itaas.

"Hindi maaari, nakapasok na sila," may pangambang pahayag ni Mona.

"Bilisan niyo, hayan na ang mga halimaw," sigaw ng isang lalaki.

"Ihanda ninyo ang inyong mga armas," utos ko sa mga lalaking naroroon.

"Lei, itakas niyo na sila, habang inililigaw ko ang mga halimaw na ito," si Greenus.

Lumabas nga ito at isinara ang pintuan ng kusinang kinaroroonan namin.

"Masyado silang marami," sambit ng isa.

Lumapit ako sa pintuan at bahagyang binuksan para Makita ang nangyayari sa labas. Biglang tumira ng land mines si Greenus kaya't nabalot ng usok ang paligid sa labas. Wala akong makikita. Maririnig na lang namin ang mga yabag ng mga halimaw na tila palabas ang direksyon ng mga ito.

"Tatlong tao na lang Lei, kamusta na diyan?" mahinang tawag sa akin ni Ram.

"Nagtakbuhan palabas ang mga zombies. Sana hindi mapahamak si Greenus."

"Tayo na lang, halika na," muling tawag sa akin ni Ram.

"Mauna ka na, susunod ako," mahinang tugon ko.

Tumalima si Ram. Mawawalang saysay ang patibong na naisip ko kaya't dapat matawag ko ang atensyon ng ilang zombies. Kinuha ko ang isang kaserola at bahagyang binuksan ang pintuan ng kusina. Hinampas ko ito sa sahig at bumuo ng ingay. Narinig ko na lamang ang mga yabag ng mga zombies na patungo sa kusina. Isa-isa na nga silang nagsipasukan doon at pinunterya ako. Agad akong lumundag sa butas at nakakapit sa tali. Muli akong lumundag sa butas kung saan naghihintay si Ram sa akin.

Agad niyang hinablot ang lubid at nalaglag ito sabay ng pagkalaglag ng ilang zombies sa aming patibong. Hanggang sa dumami ang mga nahuhulog roon sa butas.

"Ligats na tayo sa ngayon," si Ram.

"Totoo, sana ganoon din sila."

"Lalo na si Luna, di ba?' tukso nito sa akin.

"Oo naman."

"Halatang may tama ka na sa kaibigan namin, Lei."

Kinabig niya ako sa balikat at tumalikod para magsimulang tumakbo.

Sana nasa maayos kayong kalagayan, Luna. Sana...

Sumunod na rin ako sa kay Ram dala ang pag-asa at dasal para sa aming mga kasama.

(Ipagpapatuloy...)

Algera Unang Aklat : Hangin at TubigWhere stories live. Discover now