Kabanata 7

87 5 0
                                    

Luna's POV

Madilim sa loob ng portal pero kaya ko pa ring maaninag ang mga naroroon. Unang pagkakataon ito na hindi ako kaagad nakalabas sa portal. Hinagilap ko si Hannah at nakita ko siyang nakadapa sa hindi kalayuan sa akin.

"Hannah, ayos ka lang ba?" agad ko siyang pinatayo. Hinimas niya ang ulo nito bago nagsalita.

"Nasaan siya?" 

"Sino?" agaran kong sagot.

"Nakapasok ang Rectus na iyon. Nasundan niya tayo. Kung nandito pa tayo sa portal, ibig sabihin nun ay pinigilan niya tayong makalabas. Isa rin siyang fulfiller," pagpapaliwanag nito.

Ngayon naintindihan ko na kung bakit andito pa kami sa loob ng portal. Hindi nagtagal ay naramdaman ko na lamang na may sumipa sa aking tagiliran at napasubsob ako sa sahig. Napahiyaw ako sa sakit kaya't tumayo agad si Hannah para harangan ang Rectus na lumapit sa akin. Nakita kong kinuha niya ang kanyang gintong sinturon na sa isang iglap lang ay naging espada na ito. Nandilat ako sa aking nakita at pilit na tumayo.

"Ngayon, wala na kayong kawala. At ang portal na ito ang magsisilbing libingan niyo," sabi ng Rectus na agad na sumugod sa amin. 

Tumakbo si Hannah patungo sa kanya at nagsimula silang mag-espadahan. Halos magkasinggaling sila mula pa kanina ngunit mukhang mahina na si Hannah pagkatapos masugatan sa braso. May tama naman ang Rectus pero parang balewala lang ito sa kanya. Halatang sanay sa labanan ang mga ito.

Hindi ko na matiis ang kalagayan ni Hannah. Hindi magtatagal ay mukhang bibigay na ito. Nakakabakla sa pakiramdam na babae pa mismo ang tumatanggol sa akin. 

"Aaaahhh..." hiyaw ni Hannah matapos matilapon. Natilapon niya rin ang espada nito.

Patungo ang Rectus sa kanya kaya't agad kong kinuha ang panang nakasukbit sa aking likuran. Natatakot ako kanina na baka mali ang aking matamaan kaya't minadali ko itong inihanda.

"Ito na ang katapusan mo," sabi nito kay Hannah.

Kahit nanginginig ay agad kong itinira sa kanya ang palaso.  Mabuti at tumama ito sa kanyang kamay at nabitawan niya ang kanyang espada. 

"Hangal ka," lumingon ito sa akin at sinugod ako. Muli ko siyang pinana ngunit mabilis siya at nasalo nito ang palaso. Galit naman nitong sinira at nagpatuloy sa pagtakbo patungo sa akin. Ilang beses ko siyang pinana ngunit nailagan niya ang mga ito. Hanggang sa nasapo ko na lamang ang suntok nito sa aking tiyan.

"Heto pa ang para sa iyo..."

Ilang sipa pa ang natamo ko. "Isa kang hangal para kalabanin ang isang Rectus. Isa ka lang alipin sa aking paningin," ang pangungutya nito habang patuloy ang pagsipa at pagsuntok sa akin.

Uminit ang tenga ko sa aking mga narinig kaya't agad akong bumangon at sinubukang iwasan ang bawat suntok na kanyang itinatapon sa akin. Mukhang nakalimutan ko na magaling ako sa martial arts. Mabuti at ginising ako ng pangungutya niya.

Hanggang sa nasalo ko ang isa niyang kamao. Natigilan siya at humandang isuntok ang isa pa. Nasalo ko rin ito.

"Kailanman hindi ko pinayagang may mang-aapi sa aking pagkatao. Hindi porke't ganito lang kami ay basta-basta mo lang kaming pagsabihan ng masasama. Kaya't ipapatikim ko sa iyo ang bangis ng isang alipin," at nagsimula na naman kaming mag-away.

Habang tumatagal ay lalo akong gumagaling. Pero masyadong bihasa na ang isang ito kaya't mahihirapan talaga ako sa pagtumba dito. Hanggang sa nasipa ko siya at naitapon sa di kalayuan.

Bumagsak siya malapit sa kanyang espada. Agad niya iyong kinuha at humanda sa pagsugod sa akin. Humanda na lamang ako sa paglapit niya. Tumalon siya at sa pagbagsak niya tiyak kamatayan ko na kapag hindi ko ito maiwasan. Hinihintay ko ang pagbagsak niya hanggang sa humarang na lamang si Hannah sa akin at isinaksak ang Rectus gamit ng kanyang espada. Natamaan din si Hannah sa tagiliran habang ang Rectus ay nasapol nito sa tilaukan. Bumagsak silang dalawa sa akin. Syempre ang bigat nila ngunit guminhawa ang pakiramdam ko nang biglang naging abo ang Rectus at unti-unting naglaho.

Inalalayan ko agad si Hannah. Binunot niya ang nakasaksak na espada at agad na tumayo. 

"Ang sugat mo?" 

"Ok lang ako,  ang mahalaga ay makalabas na tayo sa portal na ito," sabi nito.

Isang madilim na tunnel ang nilabasan namin. Maraming daga ang nagsitakbuhan nang lumabas kami. Umuugong din ang papaalis na tren. Tiningnan ko agad ang sugat ni Hannah.

"Kailangan nating maipagamot iyan."

"Hindi na kailangan. Bendahe lang ang katapat nito at kailangan ko rin ng bagong maisusuot," mahina nitong sabi.

"Sige, hahanapan kita sa labas. Hintayin mo lang ako dito."

"Huwag, baka may mga nakasunod pa at mahuli ka nila?"

Hinaplos ko ang ulo niya, "Kaya ko ang sarili ko."

Hindi na siya kumibo kaya't umalis ako kaagad para makuhaan ko siya ng gamot para sa sugat nito at damit na maisusuot nito.

Mga 20 metro lang naman ang layo ng kinaroroonan ni Hannah sa babaan ng tren kaya't mabilis akong nakalabas sa tunnel at nakahanap ng mapagbibilhan ng damit at ng gamot. Bumalik ako kaagad sa kinaroroonan nito at ginamot ko siya. Gumaan ang pakiramdam nito nang makainom siya ng tubig na dala ko. Agad din siyang naghubad para mapalitan ang duguang pantaas nito. Hindi siya nahihiya na humubad kahit naroon ako sa harapan niya.

"O ba't titig na titig ka sa akin? Ngayon ka lang ba nakakita ng nakahubong babae?" may galit sa tono nito kahit medyo nakangiti ang labi niya.

"Ah..ah patawad hindi ko sinasadya," sagot ko at agad na tumalikod.

Pagkalipas ng ilang oras ay niyaya niya akong umalis na.

"Kailangan nating humanap ng lugar kung saan natin pagpaplanuhan ang ating paghihiganti lalo na't nabatid nating hindi basta-bastang terorista ang babanggain natin kundi mga Rectus ang mga ito," pahayag ni Hannah.

Tama siya. Hindi basta-bastang paghihigante ang gagawin namin. Kailangan namin ng kakaibang armas at mga kasamahan na handang magbuwis ng buhay para sa bagay na ito. 

"Kailangan natin ng mga kasamahan at mga armas para talunin sila," tugon ko sa kanya.

"Kailangan natin nga pero mas kailangan na matutunan mo kung paano gisingin ang mga agimat na ito. Kailangang matutunan mo kung paano mo gamitin ang mga ito. Ang mga agimat lamang ang matibay nating armas para matalo sila, at nang mapaghigante mo ang iyong kapatid."

Kahit hindi ako naniniwala sa kayang gawin ng mga agimat na iyon ay sumang-ayon na lamang ako kay Hannah. Ang mahalaga ay may kakampi ako sa labang ito. Kalaban ako ng awtoridad kaya't hindi maaaring huminge ako ng tulong sa kanila. Kung tulong ang pinag-uusapan, alam ko na kung sino ang hihingan ko. Ang kambal. Kamusta na kaya sila? Pagkatapos ng nangyari sa palazzo ay hindi na kami nagkita.

"Kailangan nating puntahan ang mga kaibigan ko. Sigurado akong tutulungan nila ako nun."

"Kung ganoon tayo na," tumayo ito at lumakad.

Binalingan ko siya at sinundan. "Hindi mo ba gagamitin ang iyong portal?"

Tumigil siya, "Tinatamad ka bang lumakad?" seryosong tanong nito sa akin.

"Hindi naman," agarang sagot ko.

"Magtetren lang tayo. Kapag may mga Rectus sa paligid ay madali tayong matuntun kapag gumamit ako ng portal."

Napakamot ako sa ulo. Sige na lang siya na ang masusunod. Sana naroroon lang sa kweba ang kambal nang sa ganoon mapadali ang pagbuo ng plano para makapaghigante. Sana nga...

(Ipagpapatuloy...)




Algera Unang Aklat : Hangin at TubigWhere stories live. Discover now