Chapter 49

521 16 0
                                    

-49-

Keith Point of View:

Pagkagising ko, wala na si Gerald. Napaupo ako sa kama at napakusot sa mata.

Time check: 8:43am

Ang aga aga naman gumising nun.

"Goodnight, Love..."

Napahawak ako sa pisngi nang maalala ang napakalambing nitong boses. At ang mga braso niya na nakapalibot sa bewang ko. Shit! Kinikilig ako.

"Good morning, Love. Breakfast na."

May dala dala pa itong tray. Napatingin ako sa suot nito. Napaka hot niya lang sa sando at sa boxer niya. Super hot..

"Nagluto ka?"

Sa pagkakaalam ko wala siyang alam sa pagluluto. At takot rin siya sa mantika. Dahil nga hinahabol daw siya diba? Kaya nakakapagtaka lang.

"Hindi ah. Alam mo namang wala akong talent sa ganyan. Bumili lang ako doon sa kanto."

Hinila nito ang mini table at inilagay sa harap ko. Nilapag niya roon ang mami na binili niya lang pala.

Naupo kami pareho sa sahig.

"Anong oras ka nagising?"

Tanong ko. Tinikman ko ang mami na binili niya. Ang sarap.

"Mga 7am ata."

Ang aga niya talaga nagising.

"Oo nga pala, anong kakantahin natin mamaya?"

"May naisip na ako. At mukhang bagay ang kantang yun sa atin."

Nakangiti pa ito. Napatango nalang ako.

"Ano bang kanta?"

"Mamaya mo narin malalaman. Kasi magpa-practice tayo pagkatapos nito."

"Siguraduhin mong maganda yan, ah?"

"Oo naman. Baka nga kapag nalaman mo kung ano iyon ay baka maisip mo ang pagsasama natin."

Pagsasama natin. Pagsasama natin.

Shocks! (>O<)

.
.
.
.
.
.
.
.

"Galingan natin mamaya ah?"

Uminom ako nang tubig at tumango sa kanya. Nandito na kami sa school at naghahanda na dahil pagkatapos nang battle of the band ay yung mga nakapasok na sa audition ang sunod. Which is couple singers. Like us.

Couple kami! Couple. Yayks!

"Yeah. Kaya natin to!"

Ngumiti lang ito at umakbay sakin. Sa isang room ay kailangan may tatlong couple na nasa loob. Kaya anim kaming contestants na nandito. Hindi pa kabilang ang mga nag aayos samin. Pero hindi naman siya mainit. Kasi full aircon ito. Dama mo parin ang lamig. Kaya hindi ka agad mapapawisan.

"Alam mo Love, ang ganda mo."

Bulong nito sa tenga ko. Na nagpaigtad sakin. Nakakakiliti talaga!

"Mas maganda pa sa KC mo?"

Bigla naman itong napatawa. Na nagpakunot sa noo ko.

"Oo. Mas maganda ka pa."

Hinalikan nito ang ulo ko na nagpangiti sakin nang todo. Shemay! Mas maganda daw ako sa nagugustuhan niya? Damn it! Kinikilig nanaman ako.

"Weh? Talaga?"

"Oo nga. Mas maganda ka pa talaga."

"Crush mo na ako niyan? Hehehe joke lang!"

Even if I die, It's You (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant