Chapter 01

981 35 2
                                    

-01-

Gerald POV:

"Ilang beses ba kayong ipapatawag dito sa station namin para lang mapatino kayo? Ha?"

Napayuko nalang kaming dalawa ni Keith. Pagkagising namin kasi may nag doorbell samin, kaya ako na ang nagbukas dahil alam kong wala namang balak yung tibo na yun! Tsk. Tapos yun, nakita ko nalang ang dalawang pulis na inaaya NANAMAN kaming dalawa na pumunta sa station nila dahil may NAGREKLAMO NANAMAN! Kainis!

"Hindi porket ninong niyo ako ay magiging tambay na kayo dito?! Ilang ulit ko nang sinasabi sa inyo na magtino kayo! Dahil hindi na kayo bata! Dalaga't binata na kayo! And worst, MAG ASAWA kayo!"

"*Ack*"
"Pwee"

Nandidiri naming inarte ng marinig ang 'MAG ASAWA' king ina naman! Eh may mag asawa ba namang parehas lalaki kung umasta?! Hinulma lang yata siyang babae pero lalaki talaga siyang tunay! Badtrip!

"Bakit ba kayo biglang nabulunan nang marinig niyo ang 'ASAWA', eh bakit?! Hindi ba totoo?! Ha?!"

Sigaw nito samin at may paghampas pa sa desk niya kaya napatalon kami sa gulat. Napalunok pa ako ng tatlong beses. Sheyt! Hot seat nanaman kami!

"Sumagot kayo!"

Singhal nanaman nito. Kaya nagkatinginan kami ni tibo. At parehas lang na masama ang tingin namin sa isa't isa. Tss

"H-indi po..."

Sabay naming sabi at sabay na napaiwas ng tingin. Ang panget ng mata niya! Kasing panget ng ugali niya! Buset!

"Eh bakit nagkakaganyan kayo?! Tsk. Sa susunod ULIT na may pumunta dito para magreklamo dahil sa ingay niyo? Tsk. Pababayaan ko na kayo! Dahil hindi lahat ng oras ay nandito ako para pagkasunduan LAGI kung ano ang dapat gawin niyo. Kaya sa susunod na may magreklamo ay may punishment na kayo pareho na hindi niyo talaga magugustuhan! Okay, leave!"

"S-ige po, alis na kami.."

"B-ye po."

Nag gesture lang ito na pinapaalis kami at hinilot ang sintido nito. Paglabas namin sa station ay agad akong binatukan ni tomboy, kaya inis ko itong tinignan.

"Bakit ka ba nambabatok?!"

"Kung nagluto ka kasi, edi sana hindi na tayo pumunta pa ULIT dito! Ang aga aga station agad ni ninong ang pupumtahan natin! Badtrip!"

Inis na kinamot pa nito ang ulo niya. Kaya inis ko itong tinignan at piningot ang tenga niya.

"A-rray!"

"Ilang beses ko ba kasing sasabihin sayo na hindi ako marunong magluto, kaya nga ikaw ang pinagluluto ko diba?! Kaya wag mo akong sisihin na ako ang may kasalanan nito! Dahil umpisa palang, ikaw yun at hindi ako! Tsk."

At binitawan ko na ang tenga niya na namumula ngayon. Tsk. Kulang pa nga yan sa mga pagbatok niya sakin. Masyado yung malakas para maalog ang utak ko! Napakasadista lang!

"Anong-----"

"Nag aaway ba nanaman kayo?!"

Bigla ko namang niyakap si tomboy at ngumiti kay ninong.. Ramdam ko naman ang pagkurot nito sa tagiliran ko kaya ginulo ko ang buhok nito pero may gigil.

"H-indi po.. naglalambingan lang kami. Diba loves?"

Sabay ngiti ko kay tomboy. Napairap muna ito at pilit na ngumiti kay ninong bago sumagot..

"T-otoo po yun.."

At niyakap niya rin ako. Tsansing, amputa! Sabi na nga ba at may gusto rin sakin ito, nagkukunwari lang. Hayss, tomboy nga naman..

Even if I die, It's You (COMPLETED)Where stories live. Discover now