Chapter 27

458 22 0
                                    

-27-

Keith Point of View:

"Ayoko na! Hindi talaga ako matututo nito!"

Sabay tumba ko sa bike at napaupo ako sa damuhan habang ang pawis ko ay tagaktak na. Tinanggal ko ang sunglass ko at napabuga nang hangin.

"Nababalanse mo na, kaya malapit ka nang matuto."

Umupo pa ito sa tabi ko. Kaya ayoko talaga nang mga bike at motor eh. Natatakot kasi akong ma semplang. Hindi katulad nang kotse, diretso lang ang takbo at wala kang iniisip na dapat mong ibalanse.

"Ayoko na talaga! Suko na ako."

Sabi ko sa kanya. At nahiga na talaga ako nang tuluyan sa damuhan. Kanina pa niya kasi ako tinuturuan. Magaling naman siya magturo eh. Pero kasi, ako lang talaga ang may problema.

"Hindi pa nga tayo nag uumpisa, sumusuko ka na."

Napatingin ako rito nang sabihin niya iyon. Double meaning ba yun? Oh ako lang talaga ang nagbibigay nang meaning? Hayss.

"Natatakot ka-si ako.."

Napakunot noo naman ito.

"Saan?"

"Na ma semplang, mahulog.. Mga ganun."

Pag amin ko rito. Hinawakan nito ang kamay ko na ikinalaki nang mata ko.

"Hindi naman kita hahayaang mahulog. Dahil kung mahuhulog ka man, handa akong saluhin ka nang walang pag aalinlangan. Kaya wag ka nang matakot, dahil nandito ako para mawala yang pangangamba mo. Magtiwala ka lang sakin, hinding hindi kita papabayaan."

Marahan nitong pinisil ang kamay ko para mapaiwas ako nang tingin sa kanya.

Kanina kasi ay napatitig ako sa kanya nang sinasabi niya iyon. Ewan ko, pero nang sabihin niya ang mga salitang iyon ay napanatag ang loob ko na hindi niya talaga ako papabayaan.

"Tara na nga. Para pagkatapos nito ay karera na tayo."

Tumayo na ako pero siya nakaupo parin at nakatingala lang sakin.

"Tayo na.."

Sabi ko rito at hinihila ko na ito patayo. Natatawa naman itong nagpahila sakin. Nang makatayo na ito ay pinagpagan nito ang pwet-an niya.

Nang tignan ako nito ay ngumiti lang ako sa kanya. At bumitaw na ako sa kanya para itayo yung bike at sumakay na roon. Nang lingunin ko ito ay nakatunganga pa siya roon.

"Tuturuan mo ba ako o hindi?"

Sigaw ko rito. Bigla naman itong napatingin sakin at napakamot sa batok niya. Lumapit na ito sakin at hinawakan na ang likuran nang bike at ang kaliwang manibela. Kaya nakapatong ang kamay nito sa kamay ko.

"Natatandaan mo pa naman diba ang tinuro ko sayo kanina diba?"

Tumango ako at pwinesto na ang kanang paa ko sa pedal. Samantalang ang isa ko namang paa ay nasa sahig para sa balanse.

Andami pa nitong tinuro at sinabi sakin. Habang ako ay nakikinig sa kanya. Pinapasok ko talaga sa utak ko lahat nang sinabi niya.

"Try mo.."

"Eh?"

"Aalalayan kita. Kaya sige na.."

Nakangiti nitong sabi. Napanguso nalang ako sa kanya at muling isinampa ang isa konh paa sa pedal. Napahinga muna ako nang malalim nang dahan dahan ko nang iniikot iyon dahilan para umandar na ito. Nang isampa ko na ang isang paa ko ay muntik na akong mawala sa balanse.

"Wooah"

Anas ko nang agad ko iyon mai-balanse hanggang sa mapagpatuloy ko na ang pagtatakbo nito. Kaya napangiti ako nang malaki. Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo.

"Waaaah! Marunong na ako!"

Parang bata na sigaw ko. May mga napapatingin sakin. Pero hindi ko nalang ito napapansin, dahil natutuwa talaga ako na marunong na akong mag bike! At yung takot ko kanina, nawala nalang nang basta! I don't know why!

Nang makalapit ako kay Gerald. Agad akong bumaba sa bike at tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap ito nang mahigpit.

"Marunong na ako, Love! Thank you!"

Tumatalon talon pa ako habang yakap yakap siya. Humiwalay ako rito at tinignan ito sa mukha. Napakunot ang noo ko nang makitang namumula ito.

"May sakit ka ba? Bakit ang pula mo?"

Hinawakan ko ang leeg nito. Nagulat pa ito nang gawin ko iyon. At mas lalo pa siyang namula. Hala!

"Hindi ka naman mainit. Pero bakit ganyan namumula ka nang ganyan?"

Napatingala ako sa langit. Pero hindi naman gaanong mainit sa pwesto namin, malilim pa nga eh. Kaya nakakapagtaka lang kung bakit namumula ang mukha nito. Lalo na yung pisngi niya!

"W-ala lang yan. Uhmm, tara!"

Sabay hila nito sakin.

"Saan?"

"Karera tayo."

Nakangiti nitong sabi. I smiled back.

"Sige! Pero dapat may dare, para exciting!"

"Ang tapang ah. Porket natuto lang."

Natatawa nitong sabi sakin. Pumeywang ako rito at taas noong tinignan ito.

"Syempre! Natuto ako dahil magaling ang mentor ko. Diba?"

Sabay siko ko pa rito nang mahina sa tagiliran. Napailing nalang ito at ginulo ang buhok ko.

"Tara na nga.."

Tumango ako rito at kinuha na ang bike ko. Pumunta ulit kami sa rentahan nang bike at nag renta siya nang para sa kanya. Kulay red ang pinili nito. Samantalang ang akin ay black.

Sumakay na ito sa bike niya at nilingon ako.

"Dapat maikot ang buong park at dito mismo ang finish line."

Sabi nito sakin. Napaikot ang tingin ko sa buong park. Malawak ito pero kaya ko naman. I guess.

"Ano naman ang dare?"

"Mamaya na natin yan pag usapan. Mag focus ka muna sa----- hey!"

Sigaw nito sakin. Kasi habang dumadada ito ay agad ko nang pinaandar ang bike palayo sakanya. Pagtingin ko sa likod ay humahabol na ito sakin. At konti nalang ay maabutan niya na ako! Ang bilis niya!

Kaya mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo ko para hindi niya ako maabutan!

"Hindi mo ako matatalo!!"

Sigaw ko rito at lumiko na. Pagtingin ko sa gilid ay paliko narin ito. Kaya mas lalo akong nagpanic. Takte! Ayokong i-dare niya ako! Gusto ko ako ang mag d-dare dahil may naisip na ako! At naiisip ko palang na gagawin niya iyon ay natatawa na ako.

"Bilisan mo naman, Love. Naabutan na kita oh?"

Nakangisi nitong sabi sakin. Kaya napahinto ako. Sa tuwing tinatawag niya akong 'Love' hindi ko mawari kung bakit bumibilis ang tibok nang puso ko.

Malala na ba talaga ang sakit ko?

"Love! Panalo na akooo!"

Napatingin ako sa finish line namin at nandoon siya kumakaway sakin. Habang ang laki nang ngiti nito.

Napahawak ako sa kaliwang dibdib ko at pinakiramdaman ang tibok nito. Mas bumilis pa ito..

Napatingin ulit ako kay Gerald na masayang kumakaway sakin. Hindi ko mapigilang mapangiti sa kanya pabalik.

Naramdaman ko na rin ito kay Lance. Yung kakaibang saya kapag kasama siya.

Pero ibig sabihin ba nito...

Gusto ko na siya? Gusto ko na ba talaga si Gerald?

*---------------

Vote and Comment Guys!

Even if I die, It's You (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα