Chapter 03

579 18 3
                                    

-03-

Gerald Point of View:

"Ano ba kasing ginagawa niyan dito, Manager?!"

Inis na singhal nito kay Mhae. Nakaturo pa ang hintuturo niya sakin. Samantalang ako nakatingin lang sa kanya at may mapang asar na ngiti na mas lalong nagpapadagdag ng inis niya.

Mainis ka lang, tibo... natutuwa ako sayo kapag naasar ka eh.

"He's visiting you."

Kinikilig na sabi ni Mhae Jacobe, cousin of Mikael Jacobe. Siya ang may ari nang bar na ito. At dahil sa close kami ay mabilis niyang binigay ang favor ko. Matagal tagal ko nang alam na kumakanta sila rito sa bar ni Mhae. At hindi ko naman ikakaila na kilala talaga sila bilang Aesthetic Angels. Anghel na anghel ang pangalan pero hindi naman bagay sa tibong yun. Kailan pa nagkaroon nang angel na nagmumura nang malutong pa sa chicharon? Tsk.

Maganda lang siya at sexy yun lang yun! Tapos! Pero kung titignan mo ang kabanda nito ay mga magaganda rin at may ibubuga talaga. Pwede na silang mag modelo sa iba't ibang magazine kung ganyang itsura at dating ang meron sila. Pero wag lang talaga nilang isasama si tibo, baka wala nang bumili nang magazine kapag nakita ang pagmumukha niya.

*Poink*

"Aray! Bakit ka ba nambabatok?!"

Napakasadista talaga nang tibong ito! Sarap niyang ibitin patiwarik!

"Kanina pa kita tinatanong, kung bakit mo naisipang bisitahin ako? May sakit ba ako? Para bisitahin mo?"

Maangas na tanong nito at nakataas pa ang kilay niya.

"Bakit? Kapag may sakit lang ba ang pwedeng bisitahin?"

Pambabara ko sa kanya at saka ngumisi. Napakuyom naman ito sa inis. Akala niya, HA! Don't me, Tibo... Iba to!

"Oo nga naman, Keith----"

"Shut up, Alcera!"

Baling nito sa chinitang babae na nakasandal sa pinto. Sinamaan ito nang tingin ni tibo, kaya napanguso ito. Yan ang cute! Tsk. Tsk. Tsk.

"Ahmm.. manager, kailangan na po talaga naming mag perform dahil pag tumungtong na nang 11pm ay next band na. At kanila Laurence na iyon.."

Paliwanag nang nakapink na blazer. Sa astahan niya ay halatang isip bata.

"Uhmm.. Gerald?"

"What?"

"Tutugtog kasi sila-----"

"It's okay. I want to watch them."

Ngumiti pa ako kay Mhae kaya bahagya pa itong napatawa. Nilingon ko si tibo, nakikipag usap ito sa isa pang ka banda niya.  Pinagmasdan ko lang ang mukha niya habang nakatagilid siya sakin...

Maganda nga, tibo naman.. Wala din! Tsk. Pero kahit mag astang babae pa siya, mas maganda parin ang crush kong si Yurika! Hehehe

Keith Point of View:

"Nakatitig sayo si pogi ah? Sino ba yan? Ha?"

May mapang asar pang tanong ni Janine sakin. Kanina ko pa yan pansin ang titig niyan sakin pero hindi ko pinapansin, dahil badtrip ako sa kanya! Ang yabang kasi!

"Wala! Tara na nga! Nang makauwi na tayo."

At una na akong lumabas na walang lingon lingon kanila Manager at sa pesteng bakla na yun!

"Hey, Keith!"

Tawag sakin ni Manager kaya napahinto ako at napalingon sa kanya.

"What?"

Even if I die, It's You (COMPLETED)Where stories live. Discover now