Chapter 45

437 16 1
                                    

-45-

Gerald Point of View:

Pagkarating namin sa lungga nila Van ay nagsibabaan na kami sa kanya kanyang kotse namin at lumapit roon sa tinutuluyan nito.

Mula rito sa gate nila ay kita ko pang nagkakasiyahan sila sa loob.

"Alam niyo na kung saan ang pwesto niyo."

Sabi ni Xyron samin. Napatango kaming lahat at kanya kanyang nagsilabasan nang baril at nagsipuntahan sa pwesto namin.

Ako ang nakapag trace kung saan ang lungga nito. At si Xyron naman ang nag assign samin kung saan kami pu-pwesto. Lahat ito planado na. Kaya siguradong wala silang kawala. Lalo na yung negrong iyon.

Tumalon ako sa bakod nito. At nang makarating ako sa pintuan nito ay sumenyas si Xyron sa gilid. Kanya kanyang tanguan kami. Binuksan ko na ang pinto na nagpatigil sa ginagawa nila.

"Good evening. Pwede ba kaming makisalo diyan sa kasiyahan niyo?"

Nakangisi kong tanong sa kanila. Napatayo si Van at akmang may kukunin ito sa bulsa niya nang...

"Wag ka nang kumuha nang baril. Mamatay ka kaagad niyan eh.."

Nakatutok ang baril ni Jaycee sa tagiliran niya. Hindi naman makagalaw si Van.

"Anong kailangan niyo?"

Ramdam ko ang takot sa bawat pagbitaw nang salita nito. Kahit hindi niya talaga masyadong pinapahalata....

"Kailangan? May kailangan ba tayo sa kanya?"

Maang maangan pang tanong ni Harold samin. Na ikinangisi nang lahat.

"As far as i remember, meron..."

Pinukpok nito ang baril sa batok nang isa sa kasamahan ni Van. Kaya yun, tumba. Humakbang ito papalapit sakin at tinignan si Van. Ulo hanggang talampakan.

"Kung bubugbugin niyo ako. Gawin niyo na------ *bang* Puta!"

Natawa kami nang sumigaw ito nang pagkalakas lakas nang paputukan ito sa talampakan ni Dwayne.

"Makasigaw parang bakla, tsk."

Sabi pa nito na hindi matanggal ang ngisi sa labi nito.

"Ano ba talagang pakay niyo sakin!"

"Wag kang maihi. Chill lang dapat.".

Natatawang sabi ni Jaycee sa kanya. Kaya halos lahat ay natawa sa sinabi nito. Napatingin ako sa pants nito at basa nga iyon.

Tangina. Naihi nga talaga siya. Lupet!

"Wag na kaya nating pahirapan pa siya? Baka kasi sa susunod matae na yan."

Sabi ko. Mas naging maingay ang buong bahay dahil sa tawa nila. Si Xyron naman ay mahinang natatawa sa tabi ko.

"Tumigil na kayo!"

Sigaw nito pero hindi parin humuhupa ang tawanan.

*bang* *bang*

"Masyado na tayong nag aaksaya nang oras eh."

Pinapaikot pa ni Xyron ang baril sa kamay nito. Dalawa na ang nakahandusay sa sahig.

"Tapusin niyo na yan."

Utos ni Xyron samin. At lumabas na nang bahay na ito. Napaka bossy niya talaga...

"Sige na. Tapusin na natin ito."

Kanya kanya na naming pinagbabaril ang mga tao na nandito maliban lang kay Van na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha sa sobrang takot. Tsk.

"Basic!"
"Sisiw!"
"Ang dali naman!"

Even if I die, It's You (COMPLETED)Where stories live. Discover now