Chapter 47

461 16 2
                                    

-47-

Keith Point of View:

"Mauna kana. May dadaanan pa ako."

Tumango nalang ako.

"Sige, bye."

Hindi na ako nito pinansin at naglakad na sa kabilang side. Samantalang ako papunta na sa locker para kuhain ang chocolate ko.

Pagkabukas ko nang locker ko ay bumungad sakin ang isang box. Inilabas ko iyon at tinignan ang bawat gilid nito. Kulay itim ito at hindi ko pa binubuksan pero nangangamoy na. Ang baho...

Binuksan ko iyon.

"Oh shit!"

Agad kong sinara iyon nang makita ang laman nun. Puro patay na daga at mga lamang loob. May bulate at uod pa na kasama. At mas dumoble pa ang baho nang buksan ko ito. Damn it!

Patakbo akong pumunta sa trash can na malapit lang dito at ibinato iyon.

Binalikan ko ang locker ko at tinignan kung may sulat bang iniwan ito. At hindi nga ako nagkamali may papel roon na itim at naka rolyo pa ito. Kinuha ko iyon at binuksan iyon.

Nagustuhan mo ba ang regalo ko? Sorry kung yan lang. Yung sa hayop lang? Don't worry, sa susunod naman ay yung lamang loob MO naman. So, ready?

-M

Sino ba yang M na yan?! Lagi nalang siya nagbibigay nang threat sakin.

"Ano pang ginagawa mo diyan? Magsisimula na ang klase."

Napatingin ako sa harap nang marinig ang boses ni Gerald. Tumango nalang ako at nilagpasan ito.

Hanggang kailan ba ako makakatanggap nang ganung threat? Nung una, hindi ako natatakot sa mga threat na binigay niya. Akala ko kasi hindi iyon seryoso. Pero habang tumatagal nakakaramdam na ako nang takot. Hindi na kasi biro ang binibigay na threat na ito.

Baka dumating pa ang araw na may madamay pa....

Ayoko nang ganun. Ayoko.

"Saan ka pupunta? Dito tayo."

"Ha?"

Nilingon ko ito at ang layo nang agwat namin. Mga apat na metro ang layo.

"Dito tayo sabi."

Tinuro pa nito ang hagdan na pinagsasandalan niya. Napatango nalang ako at naglakad narin papalapit sa hagdan na iyon. Nauna na akong umakyat. Nasa likuran ko lang ito.

Malaki ba ang atraso ko sa nagbibigay nitong threat? Bakit ganun nalang siya manakot?

Pagdating namin sa room ay wala pa anf prof namin. Pagkaupo ko ay um-ob muna ako.

Hindi ko na alam ang gagawin ko... Naguguluhan at natatakot na ako sa susunod na mangyayari....



Gerald Point of View:

Kanina pa ako napapatingin kay Keith na nakatingin sa harap, pero halata namang wala siya sa sarili. Parang nasa iba naman ang isip niya.

"Ms. Co? Please answer this."

Sabi nang prof. Pero hindi man lang ito tumayo para pumunta sa harap para sagutin iyon. Nanatili lang itong nakatingin sa harap.

"Ms. Co!"

Sigaw na nang prof. Pero wala paring response si Keith. Kaya kinalabit ko ito.

"Hoy. Tawag ka ng prof. Keith."

Napapitlag pa ito nang itulak ko nang bahagya ang noo nito.

"Bakit?"

Taka pa nitong tanong. Sabi na nga ba eh, wala talaga siya sarili.

Even if I die, It's You (COMPLETED)Where stories live. Discover now