Chapter 23

453 14 1
                                    

-23-

Keith Point of View:

Hindi ko alam kung bakit. Pero ito nanaman ang puso ko na mabilis ang pagtibok dahil sa salitang binitawan nito.

"Oo, concern ako! May angal?"

Ang lakas nang dating nun sakin. Parang ang laki nang epekto sakin? At nakaramdam ako nang tuwa nang sabihin niyang concern siya sakin.

Ibig sabihin ba niya dun.... May gusto na siya sakin?

"Damn it!"

Napasabunot ako sa sarili nang maisip iyon! Imposibleng magkagusto siya sakin! Dahil yun ang sabi niya. Na hinding hindi ito papatol sa mas lalaki pang kumilos sa kanya.

Eh kung magpaka babae na talaga ako?

"Hey.. Are you okay, baby?"

Nang may kumalabit sakin ay napatingin ako sa gilid ko. Shit! Nakalimutan ko nga pala na kasama ko si Rence ngayon.

Bwisit kasi si Gerald eh! Lagi nalang sumasagi sa isip ko!

"Hmm. Im fine. Teka? Bakit ka nga pala nandito?"

Nilagok muna nito ang alak na nasa baso nito at tumingin sakin.

"I want to hear your voice. Actually, this is my first time to watched a band. And it was a great experience that i had."

Nakangiti nitong sabi sakin. I smiled awkwardly.

So, sa lahat nang banda na meron sa mundong ito... Sa amin palang ang napapanood niya? Wow!

"T-hank you.. hehehe"

Bigla tuloy akong nahiya! Aish!

"Where's my brother?"

Tanong nito. Nagkibit balikat lang ako sa kanya at sabay lagok nang beer sa harap ko. Napangiwi ako nang maramdaman ang pagguhit nito sa aking lalamunan. Ang pait!

"Dumaan lang daw sila dito para makita at mapanood ako. Kaya yun, mga nagsialisan na."

"Hindi ka niya susunduin?"

"Ewan. At hayaan mo na, malaki na rin naman ako. Hindi ko na kailangan nang sundo. Kaya ko ang sarili ko."

Inubos ko na ang natitirang kalahati sa bote. Wooh! Masasanay karin, Keith.

"Hayss.. tatawagan ko nga----"

"Wag! Wag mo akong ipapasundo. Please?"

Pinagdikit ko pa ang aking palad parang nagdadasal sa kanya. Natawa ito at binalik niya na ulit ang cellphone niya sa bulsa.

"Ang cute mo talaga, baby.."

Pinisil pa nito ang ilong ko. Agad ko iyong hinampas.

"Masakit!"

Ayoko pa namang pinanggigilan ang mukha ko!

"Hahaha okay.."

Sumenyas pa ito na isa pa sa bartender. Tinanguan ito at nagsimula nang maghalo nang alak para sa order ni Rence.

"Ah, Rence! Naalala ko nga pala, nagkakausap na pala kayo ni Gerald?"

Uminom muna ito bago magsalita.

"Yeah.. but we can talked if someone is involve."

Seryoso nitong sabi. Hindi ko maiwasang mapakunot noo.

"Someone? Sino yun?"

Ginulo lang nito ang buhok ko.

"Kapag sinagot pa kita nang sinagot. Mas madadagdagan lang ang tanong mo, baby."

Even if I die, It's You (COMPLETED)Where stories live. Discover now