Chapter 09

497 22 2
                                    

-09-

Keith Point of View:

Simula ng magpaalam ito sakin na aalis siya ay hindi na talaga ako nakatulog ng payapa. Kaya tangina! Bangag na bangag ako ngayon, walang tulog eh.

And then, hindi pa siya umuwi. Siguro nga ay may girlfriend na ito at doon natulog. Siguro, ito na rin ang oras ko para makahanap na rin ng boyfriend. Para magawa ko rin ang ginagawa niya.

"Aray! Ano ba?!"

Sinamaan ko nang tingin si Mikaela nang batukan ako nito. Nasa canteen kami ngayon dahil inaya ko silang samahan ako na kumain. Dahil hindi na ako nakaluto nang pang umagahan ko, inatake na naman kasi ako ng sakit ko eh.

Katamaran syndrome.

"Yan! Bumalik na ang kaluluwa niya! Nasigaw na eh."

Sabi ni Janine sakin habang iniinom ang gatas niya. Napairap ako sa kanya.

"Praise the lord!"

"Halleluya!!"

Sabi nila Mary love at Mikaela. At umakto pa ang mga ito na parang sumasamba at nakataas pa ang kamay nila at nakatutok pa sa ulo ko.

"Mga gago! Tsk."

Tinarayan ko lang ang mga ito at kumain nalang. Chocolate cake at cappucinno lang ang inorder ko. Ewan ko ba, kahit na favorite ko ang chocolate cake ay hindi ko ito makain. Wala eh, wala talaga akong gana.

"Si Gerald?"

Pagkatanong ni Crizza ay natahimik rin silang tatlo at sabay sabay na tinignan ako.

"What?"

Yung mga tinginan kasi nila, parang-----AISH! Ang hirap ipaliwanag, lalo na't wala ka sa sarili mo. Kainis naman kasi eh!

"Oo nga no? Kamusta na si Gerald?"

Kinikilig pa na tanong ni Mikaela. Kahit kailan talaga, maharot siya. Wala nang magbabago roon.

"Alam niya na ba na lumipat ka nang school?"

Tanong rin ni Janine sakin. Actually, nagpalipat kasi ako nang school dahil may gusto akong iwasan sa school ko. Ayaw ko na siyang makita, baka makapatay lang ako. At makulong nang maaga.

Ayokong manyari iyon, kaya napagdesisyunan kong lumipat na hindi lingid sa isipan nila mommy at daddy lalo na kay Gerald. Na alam ko namang wala rin siyang pake kahit sabihin ko pa.

"Hey!"

Pumitik pa sa harapan ko si Crizza. Kaya napakurap ako nang dalawang beses at napatingin sa kanya nang nakakunot ang noo.

"What?"

"You are spacing out, tsk."

Sabay ub-ob nito sa mesa.

"Wow! Five words!"

Bulalas ni Mary Love. Kahit ako nabigla dahil madalang na madalang lang kung magsalita siya nang lagpas sa three words. Kaya nakakagulat para samin iyon.

"Excellent! Dapat pala usapan natin lagi si Gerald para nakakapagsalita siya nang higit pa sa inaasahan natin."

Nakangiti pa na sabi ni Mikaela.

"Tss."

Rinig kong bulong ni Crizza. Kaya natawa nalang ako.

"Hey! Wag niyo nang pag tripan si Crizza. Back to the topic na tayo, so.. Keith, alam na ba ni Gerald na nag aaral ka rito?"

Even if I die, It's You (COMPLETED)Where stories live. Discover now