Chapter 26

450 17 0
                                    

-26-

Keith Point of View:

"Good morning ninong."

Sabay na sabi namin ni Gerald. Napatingin ako sa gilid at nakita ko yung anak nang kapitbahay namin.

Siya siguro yung nagreklamo..

Nang magtama ang tingin namin ay tinarayan ako nito. At nag de kwatro. Wow ha?!

"Maupo kayo."

Tinuro pa nito ang isang upuan. Hindi agad ako naupo roon. Dahil ang unfair kung ako nakaupo diba?

"Upo kana.."

Sabi ni Gerald sakin. Nilingon ko ito.

"Paano ka?"

"Sa likod mo nalang ako. Kaya upo na.."

"Sure ka?"

Paninigurado ko pa. Natawa nalang ito at dahan dahan na nito akong inupo. Baliw talaga.

"Matagal nang may nagreklamo sa inyo. Pero ngayon, meron nanaman."

"Ano po bang ginawa namin?"

Takang tanong ko. Naramdaman ko naman ang pagpulupot nang kamay ni Gerald sa leeg ko. Yung nakakawit lang? Ganun!

"As usual. Nagbabasag at maingay."

Inis na sabi ni ninong. Bigla kong naalala yung mga narinig kong mga nababasag sa baba. Pagtingala ko, nakatingin lang si Gerald sa gilid.

Siya nga siguro yun. Pero bakit?

"Siya pala yung nagrereklamo."

Turo ni ninong sa babaeng umirap sakin. Akala mo maganda, tsk!

Napatayo ito at sinenyasan na aalis siya. Tumango lang si ninong. Kaya lumabas na ito.

Sana wag na siyang bumalik!

"Natatandaan niyo pa ba ang sinabi ko sa inyo?"

"Ang alin po?"

Taka kong tanong. May sinabi ba siya samin?

"Ang sabi ko na kapag may nagreklamo pa sa inyo ay bibigyan ko kayong dalawa nang punishment. At ngayong araw ko ibibigay ang punishment niyo."

Seryoso nitong sabi.

"Maglilinis po kami nang kalsada?"

Tanong ni Gerald.

"Magro ronda po ba kami tuwing gabi?"

Tanong ko rin kay ninong.

"It is not what you think. At hindi ko yan ipapagawa sa inyo. So, madalas kayong mag away mag asawa. Kaya ang punishment niyo ay patunayan niyo sakin na mahal na mahal niyo ang isa't isa. Kailangan makita ko ang sweetness niyong dalawa."

"What?!"

Sabay naming singhal sa kanya.

Sa dinami daming punishment, yun pa talaga ang naisip niya?! Buhay nga naman oh!

"Wag nang umangal. At kasalanan niyo rin naman eh. Simula ngayon, may magmamasid na sa mga kilos niyo para tignan kung sweet ba kayo sa isa't isa o hindi."

"Ninong naman, wala na bang ibang----"

Naputol ang pagmamaktol ko nang tumayo si ninong.

"Wala na. Kaya makakaalis na kayo. At paalala ko lang ngayon niyo ipapakita ang pagiging sweetness niyo sa isa't isa. Hindi puro lagi away. Tsk. Pwede na kayong lumabas."

Even if I die, It's You (COMPLETED)Where stories live. Discover now