Chapter 35

434 16 0
                                    

-35-

Keith Point of View:

"Love!"

Nang makalapit ako sa kanya ay kinandong ko ito sakin at marahang tinatapik ang pisngi nito.

"Hey gising..."

Kung hindi siguro ito umalis sa hospital kanina, hindi mangyayari ito.

"Mam.. Kailangan na po natin siyang dalhin sa hospital."

Wala sa sariling napatango ako sa dalawang pulis na tumulong sakin. Binuhat nila nito sa mobile nila.

.
.
.
.
.

Nakatayo lang ako sa labas nang room nito. Hinihintay kong matapos ang ginagawa nang doctor kay Gerald.

Nang makaalabas na yung doctor ay agad akong lumapit rito.

"Okay lang po ba siya, Doc? Maayos po ba ang paghinga niya? Malala-----"

"Calm down, Mrs. Perez. He's okay now. But he needs to get some rest."

Nakahinga ako nang maluwag nang sabihin iyon ni Doc.

"S-alamat po.."

Sabi ko. Nakangiting tumango ito at umalis na. Bumuntong hininga muna ako bago pumasok sa room nito.

Pagkalapit ko sa kanya ay may mga cuts ito sa mukha. At sa kaliwang braso pa niya ay namumula.

Hinila ko ang upuan at inilapit iyon sa gilid nang kama niya. Naupo ako roon at hinawakan ang kamay niya.

"Sorry, kung nangyari yan sayo. I-m sorry.. Kung mas ginalit kita.. Sorry.."

Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay nito. Nagu-guilty ako kapag nakikita siyang ganito. Lalo na't ako pa ang may kasalanan.

Kung hindi niya nakita ang posisyon namin ni Lance kanina, hindi naman siya mag wa-walk out eh.

Kaya ako ang may kasalanan.. Ako...

"Ilang beses mo na akong nailigtas. Pero ako, ni isa... W-ala. Ako pa ang nagdala sayo sa kapahamakan mo. Im sorry. Im sorry."

Pinunasan ko ang luha ko nang tumulo iyon. Masakit para sa akin na makita siya sa ganitong kalagayan.

At natural lang naman iyon dahil alam ko nang gusto ko siya. No--- scratch that! I love him..

Nalaman ko lang ang tunay na nararamdaman ko tungo sa kanya nang daanan ko muna saglit yung Doctor.

Akala ko nung una, may sakit na ako sa puso. Dahil sa sobrang pagbilis nang tibok nito. But im wrong.

"When did you feel that unusual heartbeat?"

Yan ang tanong sakin nang Doctor. Kaya sinabi ko sa kanya kung kailan nangyayari iyon. At nangyayari naman talaga iyon kapag may nagagawa si Gerald na ka sweet/an sakin, sa simpleng pagngiti... Or anything.

Napangiti pa nga yung doctor nang sabihin ko iyon eh. And i didn't expect his feedback to me.

"You don't have any illness, Ms. Keith. You are just inlove in that guy. And it's normal to our heart to beat when you saw or touch him. And i know that guy will be lucky to have you."

Kaya paglabas ko sa office niya ay tulala ako at hindi makapaniwala sa nalaman ko.

Kusa lang talagang na a-abnormal ang katawan ko kapag malapit siya sakin. And like that Doctor said, it's normal.

Pero ang panget lang kasi... AKO lang ang may special feelings sa aming dalawa.

Because i know, he doesn't like me back. Dahil lalaking lalaki ako sa paningin niya.

Even if I die, It's You (COMPLETED)Where stories live. Discover now