Chapter 28

455 20 0
                                    

-28-

Keith Point of View:

"Bibili muna ako nang makakain natin."

Paalam ko rito. Nakangiti naman itong tumango sakin. Kaya naglakad na ako para makahanap nang makakain namin.

"Palimos naman iha.. Pambili lang nang pagkain."

Napahinto ako nang may humihila sa damit ko. Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko ang madungis na matanda. At may belo rin itong suot. Nakakaawa naman siya.

"Wait lang po.."

Kinuha ko na ang wallet ko at kumuha ako nang one hundred at binigay iyon kay lola.

"Nako, iha. Maraming salamat."

"Wala pong anuman. Aalis na po ako.."

"Sandali iha!"

Nakahawak pa ito sa kamay ko para pigilan ako. Kaya paglingon ko rito ay ibinaba niya ang kanyang belo at diretsong tinignan ako sa mata.

"Bakit po?"

"Naguguluhan ka sa nararamdaman mo tungo sa lalaking iyon? Tama ba ako?"

Itinuro nito si Gerald na may kausap sa phone. Pagtingin ko ulit kay lola ay nakangiti na ito sakin.

"Paano------"

"Nakikita ko sa iyong mata. Kanina nang tignan mo ito ay tila kumikislap ang iyong mata."

"Po?"

Kumikislap ang aking mata? Naguguluhan kong tanong sa aking sarili.

"Basta tandaan mo, iha.. Ang tadhana ang magdadala sayo patungo sa lalaking magpapaligaya at magmamahal sayo nang totoo. At iwasan mong itanggi ang iyong tunay na nararamdaman dahil baka sa huli ay masaktan ka lamang.."

Binitawan na nito ang kamay ko habang ako ay nakatingin parin doon. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni lola sakin. Nung una, nahulaan niya na naguguluhan talaga ako. Pero paano?! Paano niya nahulaan?!

At ang huling sinabi niya sakin. Na kapag itinanggi ko ang tunay kong nararamdaman ay masasaktan ako. Sa paanong paraan naman ako masasaktan?!

Nag angat ako nang tingin at agad kong nasilayan ang magagandang ngiti nito habang nakatingala ito sa langit.

Ikaw ba ang tinutukoy ni Lola, Gerald?

Yurika Point of View:

"Kamusta na kaya si Keith?"

Biglang tanong ni Paul. Agad naman itong tinignan ni Harold.

"Sumbong kita kay Leigh ah! Ibang babae ang iniisip mo."

Agad naman na hinagisan ni Paul nang unan si Harold. Pero masyadong mabilis kumilos ito kaya nailagan niya. Lagi nalang silang nag aaway. Tsk.

"May asawa na si Keith! At kaibigan pa natin yun. Kaya tumahimik ka diyan, gluta!"

"Anong gluta ka diyan!"

"Ang puti mo kaya! Umamin ka nga, kumakain ka ba nang gluta?"

It's true. Napakaputi nga ni Harold. Pero hindi naman siya yung tipo na may sakit sa dugo dahil maputla. Siya kasi, natural. Kaya maiingit ka nalang sa kutis porselana nito.

Maging ako naiingit eh! (-3-)

"Wala akong ginagamit. Natural skin to. Kaya tigialan mo ako laki balikat!"

"Anong laki balikat ka diyan!"

Napakain nalang ako nang orange habang nanonood nang away nila.

Even if I die, It's You (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ