Chapter 41

429 17 0
                                    

-41-

Gerald Point of View:

Akala ko, kaibigan niya MISMO ang tinutukoy niya. Like Mikaela... Pero mali pala ako. Dahil ang EX boyFRIEND niya pala ang sasamahan niya.

Nang makitang magkayakap sila ay parang may kumirot sa puso ko at parang ayaw pa mag sink in sa uta k ko na magkayakap talaga sila nang ex niya. Damn it!

"Gerald!"

Kanina pa niya ako hinahabol pero hindi ako nag aatubiling huminto at linginon ito. Nang makarating ako sa kwarto ko ay napatabi ako sa mga kaibigan ko na nagk- kwentuhan.

Nakakainis ka, Keith! Nakakainis ka!

"Gerald!"

Rinig kong sigaw nito. Mas sumiksik pa ako sa tabi ni Kenneth at hindi ito pinansin.

"Gerald! Please let me explain..."

Hindi ako nag angat nang tingin kahit na nasa harapan ko na siya. Ramdam ko naman ang tinginan nang mga kaibigan ko sakin. But i don't care. Wala ako sa mood para pansinin pa iyon.

"Love... Mali ang iniisip mo."

Tumayo ako at nilagpasan ito. Naupo ako sa kama at kinuha ang cellphone ko.

"Love, please.. Pansinin mo naman ako, oh? Gusto kong mag explain. Kaya------"

I cut her off.

"Stop that bullshit, Keith! Wala akong pakialam sa mga paliwanag mo!"

Sinamaan ko pa ito nang tingin. Natigilan naman ito at may tumulong luha sa mata niya. Agad akong nag iwas nang tingin sa kanya at fi-nocus ko nalang sa cellphone ko.

"Pero kailangan mo parin malaman ang paliwanag ko..."

Pumipiyok pa ito. Napapikit ako nang mariin para pigilin ang inis na nararamdaman ko.

"Ilang beses ko bang uulit ulitin sayo na wala akong pakialam sa ipapaliwanag mo! At kung hindi mo matiis na maging asawa mo ang tulad ko------"

"No, i don't--------"

"Shut up!"

Napaatras naman ito nang sumigaw ulit ako sa kanya. Tumayo ako at lumapit rito.

"Ipapadala ko nalang ang annulment papers sa bahay niyo. Para maging malaya kana sa puder ko. Now, get out to my room! I don't need you. Get out!"

Tuloy tuloy na nagsibagsakan ang luha nito. At patakbong lumabas nang kwarto ko. Wala sa sariling napasuntok ako sa pader.

"Susundan ko lang siya.."

Rinig kong sabi ni Cherish. At nakarinig na lamang ako nang pagbukas at pagsarado nang pinto.

Hindi ko pa naman siya totally gusto pero bakit ganito kasakit ang nararamdaman ko?! Bakit ganito!

"Dude, kung ano man ang pinag awayan niyo. Dapat hinayaan mo munang magpaliwanag si Keith."

Hinawakan pa ni Kenneth ang balikat ko. Agad kong tinanggal iyon at tinalikuran sila.

"Gusto kong mapag isa. Iwan niyo muna ako, please..."

"Tawagin mo nalang kami, kung ayos ka na... Sige, alis na muna kami."

Nang makalabas ang mga ito ay agad kong hinagis ang mga gamit rito.

Nakakapang galit! Nakakainis!


Keith Point of View:

"Ipapadala ko nalang ang annulment papers sa bahay niyo. Para maging malaya kana sa puder ko. Now, get out to my room! I don't need you. Get out!"

Pinunasan ko ang luha ko nang maalala ang sinabi nito. Simula nang malaman kong gusto----- ay mali... Mahal ko na siya.

Hindi ko na ginustong mawalay sa kanya o kahit na mawala sa puder niya. Walang sumasagi sa isip ko na ganun. Dahil ang gusto ko makasama siya.

Agad kong sinubsob ang mukha ko sa aking tuhod at doon umiyak nang umiyak.

"Keith..."

Nag angat ako nang tingin. Agad akong napaayos nang sarili nang makita ang kaibigan ni Gerald. Si Cherish...

Napapunas ako nang luha nang tumabi ito sakin.

"B-akit ka pala nandito? Dapat nandoon ka kasama nang iba niyo-------"

"Tell me your reason. I want to hear it."

Bigla nitong sabi. Napahingang malalim ako nang sabihin niya iyon.

"Para saan pa? Eh kung kay Gerald nga ayaw pakinggan ang paliwanag ko."

"Im different to him. And I want to know every single detail. So, tell me, what happen?"

Napasandal ako sa puno at nagsimula nang ikwento sa kanya ang lahat nang nangyari. Simula nang lumabas ako sa kwarto ni Gerald hanggang doon sa magkayakap kami ni Lance.

"He concluded that you are cheating in him?"

Tumango ako.

"Ilang beses niya na akong nakikita na kasama si Lance. And worst, kapag magkalapit pa kami nang mukha at magkayakap pa."

Hindi ko mapigilang mapaluha ulit. Inihiga naman ako nito sa balikat niya at mahinang tina tap pa nito.

"Kung ako nasa pwesto ni Gerald ay ganun din ang iisipin ko. Kasi una palang, asawa mo siya tapos ang makikita niya pa ay may kasama kang ibang lalaki at may ginawa pa kayo na hindi niya nagustuhan. Tulad nang magkayakap kayo."

"Nagawa ko lang naman yun dahil natuwa ako sa kanya. I didn't expect that he can do that just for me."

Humiwalay ako sa pagkakayakap nito at napatingala nalang sa langit. Marami nang mga bituin sa langit. At ang ganda lang tignan.

Parehas lang kaming nakatingin sa langit.

"You know what, si Gerald kasi yung tipo na hindi mabilis magalit saming magbabarkada. Kaya nga nagulat kami nang sumigaw siya and worst sa isang babae. Like you. Kaya nga, nakakapagtaka bakit ganun nalang ang naging reaksyon niya. Kaya nang malaman ko ang dahilan mo..... selos lang talaga ang naramdaman nun."

Bumilis ang tibok nang puso ko nang marinig iyon.

"S-elos? Eh wala ngang gusto yun sakin."

Napahampas naman ito sa balikat ko na ikinagiwi ko. Ang sakit naman nitong manghampas!

"Ano ka ba! It's obvious naman na may gusto siya sayo. Kahit kaming magkakabarkada ay ramdam namin yun."

Masaya niya pang sabi sakin.

"Lalaki ako sa paningin niya, kaya imposibleng magkakagusto siya sakin..."

Yun ang mga katagang hindi ko makakalimutan...

"Problema ba yun? Edi magpakababae ka. Simple problem, Keith. Just a simple problem."

"Im not comfortable in girly stuff..."

Ayoko sa lahat ang mga astahang babae. Ewan ko ba, kung bakit...

"Well, make it comfortable."

Iniharap ako nito sa kanya.

"P-aano?"

Ngumiti ito nang pagkalaki laki. Na nagparamdam nang kaba sakin.

"Leave it to me, girl. I will make you a gorgeous woman."

Pagkasabi niya nun ay nagka kwentuhan pa kami nang kung ano ano.

She's talkative and a naughty girl. Mas makulit pa siya kay Mary Love and Mikaela.

Pero nang dahil sa kakulitan at kadaldalan niya ay nawala ang lungkot at sakit nararamdaman ko kanina.

Im so thankful to this girl...

Kung hindi siya siguro dumating, siguro hanggang ngayon ay umiiyak parin ako.

*-----------------------

Vote and Comment Guys!

Even if I die, It's You (COMPLETED)Where stories live. Discover now