Chapter 17

494 19 1
                                    

-17-

Keith Point of View:

"Busog na busog ah?"

"Shut up, Alcera! Wala ako sa mood na makipagbiruan sayo."

Umirap ako rito. At kumain nalang ulit. Nandito kami sa canteen. Actually, hindi ko naman gusto silang makasama eh. Dahil gusto kong mapag isa.

Gusto ko kasing malaman kung ano bang nangyayari sakin.

Bakit sa tuwing ngingiti siya sakin, mas lalo siyang guma-gwapo sa paningin ko?

Bakit sa tuwing malapit siya sakin, na te-tense ako?

Bakit sa tuwing hinahawakan niya ako.. nagugustuhan ko. Tipong ayaw kong mawala ang kamay niya sakin.

Bakit tuwing nandyan siya nararamdaman kong secured ako?

At bakit bumibilis ang tibok nang puso ko kapag nakikita ko siya?

Napasabunot ako sa buhok ko nang maisip nanaman ang mga bagay na yan! Naguguluhan na akoooo!!!

"Kung gusto mo ako nalang ang sumabunot sayo?"

Suhestiyon ni Mikeala sakin. Pero hindi ko ito pinansin. Napayuko pa ako. Kainis namang buhay itoo!!

"Im willing too!!"

Napatingala ako kay Mikaela. Nakataas pa ang kamay nito na parang nag re-recite sa klase.

"Me too."

Bigla ring sabat ni Crizza. Marahas akong napabuntong hininga at napatayo nalang.

"Hoy! Saan ka nanaman pupunta? Dika pa tapos kumain?!"

Singhal sakin ni Janinr. I just wave my hand to them and i walked away. Kailangan ko nang fresh air..

Hindi ko alam kung bakit tinatahak ko ang garden, na ang sabi ni Rence ay teritoryo niya daw. Nang marating ko iyon ay naupo ako sa ilalim nang puno. Napasandal at napapikit ako.

Mag cu-cutting nalang ako. Wala ako sa mood mag aral. Dahil hindi kumpleto ang tulog ko--- no, cut that! Wala talaga akong tulog!

Nang i-tapped ni Gerald ang ulo ko ng at nang ngumiti siya sakin. Hindi na ako nakaakyat pa sa kwarto. Nanatili lang akong nakaupo sa hagdan, habang hawak ang ulo ko nun. Para talaga akong baliw nun!

Naglagay ako nang earphone at pumikit nang mariin. Hanggang sa makatulog na ako nang tuluyan.

Mikaela Point of View:

"Ano bang nangyayari sa kaibigan nating yun?"

Takang tanong ko sa kanila. Nang hinintay namin kasi siya sa parking lot para yayaing mag breakfast. Pero ang babaeng yun, ay hindi naimik at parang wala sa sarili. Tapos ang laki nang eyebags niya.

Eh yung babae pa naman yun, walang alam sa mga make up. Kaya yun, halata ang eyebag. Kung gumamit man lang sana siya nang conceiler, edi hindi gaanong halata.

Pero aaminin ko namang mas maganda siya kapag walang make up. Natural beauty.

"Samin mo tinatanong, eh clueless rin kami?"

Mataray na sagot sakin ni Mary Love. Kaya napairap nalang ako. Siya lang talaga ang hindi ko makausap nang matino. Parang baliw kasi.

"Hindi kaya, yung binanggit niyo si Lance?"

Biglang tanong ni Janine. Na ikinatahimik namin. Pagtingin ko kay Crizza ay hindi ito tulog. At nakatingin lang siya kay Janine.

Himala, hindi siya tulog ngayon? Hmm..

Even if I die, It's You (COMPLETED)Where stories live. Discover now