Chapter 31

449 18 0
                                    

-31-

Keith Point of View:

Maaga ako nagising. Kaya ngayon, nakakilos na ako. Naka uniform na ako lahat lahat. Ang kulang nalang ay makakain ako.

Gising na kaya si Gerald? O nakauwi na kaya yun?

Hindi ako sigurado kung nakauwi ba yun. Kasi mahimbing din ako nakatulog. Ang balak ko sana ay hintayin siya, pero hindi ko na kinaya dahil dinalaw ako nang antok.

Pagka ponytail ko ay naglagay ako nang pulbos at lipgloss na pink. Dinala ko na ang bag ko at lumabas na nang kwarto. Napatingin ako sa katabi kong kwarto.

Hindi naman siguro masamang silipin ang kwarto niya diba?

Dahan dahan akong lumapit sa kwarto nito. Kumatok muna ako.

"Gerald..."

Tawag ko rito. Pero hindi parin ito sumasagot. Dahan dahan kong pinihit ang doorknob nito at sumilip muna kung may tao ba roon sa loob. Pero wala...

Hindi pa ba siya nakakauwi? Doon na naman ba siya natulog?

Napalibot ko ang tingin sa kwartong ito. Kung pagku-kumparahin ay mas malinis pa ang kwarto niya kaysa sakin. Grabe!

Lumapit ako sa mini table nito at hinawakan ang picture frame roon.

Family picture nila. And kasama si Rence. At grabe lang, magkamukhang magkamukha sila. Para silang twin.

At dahil masyadong hate ni Gerald si Rence ay nakabusangot ito habang nakatingin kay Rence na nakakamot sa ulo. Samantalang ang mommy at Daddy nila ay todo ngiti.

"Oh? Anong ginagawa mo diyan?"

"Ay cute! Aish! Bakit ka ba nanggugulat?"

Parang tumalbog pa ang puso ko nang marinig itong magsalita sa likuran ko. Ang OA but it's true..

"Eh kasi nagulat lang ako na nandito ka. At anong tinitignan mo diyan?"

Sinisilip nito kung anong hawak hawak ko. Agad ko namang pintaong ang frame nang family picture nila sa mini table nito at umalis sa harapan nito.

"Aaah---- Ano lang, na curious lang ako sa mukha mo rito, oh?"

Turo ko sa mukha niya. Pero iba naman itong picture. Kasi sa picture na iyon. Magkakasama silang magkakabarkada. At lahat talaga sila mga artistahin at mga gwapo. Ang pinagtataka ko nga, bakit dalawa lang ang babae eh. Kilala ko yung isa, pero yung isa hindi na. But she's familiar to me. Parang nakita ko na siya eh. Pero hindi ko lang matandaan kung saan at kailan..

"That time, kinurot kasi ako sa tagiliran ni Paul. Kaya nakatagilid ako diyan. Napasigaw pa ako, kaya nakanganga ako diyan."

Nakanguso nitong sabi habang diretso ang tingin nito sa picture na iyon. Napatingin ako sa buhok nito na tumutulo tulo pa. Halatang basang basa pa.

Bumaba ang tingin ko, and damn!

Six packs abs! So hot!

Agad akong napatakip sa mata at tumalikod sa kanya.

"Magdamit ka lang, please!"

"Ha?"

"Magbihis kana! Wag mong ibalandra ang katawan mo sakin!"

Baka maging rapist na ako!! Ugh!

"Hahahaha okay. Sorry kung naiilang ka."

Alam kong nakangisi nanaman itong baliw na ito.

"Hindi ako naiilang no!"

Humarap ako rito. But wrong move, di ko sinasadyang mapasubsob sa matitipunong dibdib nito. What the hell?! Ang bangoo!

Even if I die, It's You (COMPLETED)Where stories live. Discover now