Chapter 26 | Ang Sagradong Nilalang ng Tubig

1K 61 14
                                    

Steve/Sinag's POV

Nagpatuloy kami sa paglalakbay papasok sa malalim na lagusan. Dito na nakwento nina Prince at Sunny ang nangyari sa Owkward Academy at ang pag-aaklas na naganap sa Kristal na Palasyo. Itong si Prince nga pala ay literal na prinsipe at di na ako nagtaka sa ugali nitong mapagmataas at mayabang... Dati.
Oo, kinakainisan ko siya dati pero okay na naman kami. Nagbago na ako, nagbago na rin siya. At kapansin-pansin din na ibang-iba na ang kanyang pakikitungo kay Sunny na dati'y utusan lamang kung kanyang ituring. Napagtanto ko na marami nang pagbabagong nangyayari para sa ikakabuti ng lahat. Alam ko na ito na ang aming huling laban para tuluyan nang maging masaya at mabuhay ng normal ang buong Elemento Club. At ngayon pang nakilala ko na ang aking kapatid at nalamang may mga magulang pa, hindi na ako makapaghintay na matapos ang kaguluhang ito!

"Andrea, kapit lang paparating na kami!" bulong ko sa sarili ko.

"Andrea? Siya ang ililigtas natin, tama ba kakambal?" narinig ako ni Silao. "Siya ang babaeng iniibig mo?"

Tumango ako dahil hindi ko kinahihiya ang pag-ibig ko kay Andrea. Siya ang dahilan kaya di nagtagumpay si Anino na gawin akong hinirang. Si Andrea ang aking liwanag at pag-asa.

Napangiti si Silao. "Ang galing kapatid! Hindi ko akalaing makakatagpo ka pa rin ng mamahalin kahit napalayo ka samin. Akala ko naging miserable ang buhay mo pero hindi pala! Gusto makilala ang babaeng mahal mo! Tutulungan kita na iligtas siya. Maasahan mo ako."

"Salamat, Silao!" sagot ko.

Masarap ang pakiramdam na magkasundo kayo ng kapatid mo. Mas ginanahan akong iligtas si Andrea.

Biglang may pagyanig ng lupa. Lumilindol.

Nagawa ni Sunny, gamit ang kanyang tutubing pakpak, na makalipad papalayo sa ilang mga batong nahulog mula sa itaas na bahagi ng lagusan. Dali-dali namang ginamit ni Prince ang kanyang espadang Sagradong Armas at pinaghahati ang mga ilan pang bato na patuloy na nahuhulog. Nang bumigay ang isang bahagi ng lagusan kung saan nakalutang si Sunny sa ere, agad namang bumuga ng hanging may nyebe si Prince at pinatigas ng yelo ang bahaging mahuhulog sana. Nakalipad papalayo si Sunny, lubos ang kanyang pasasalamat.

"Handa kong protektahan ang magiging reyna ko." makahulugang sambit ni Prince na kinapula ng mukha ni Sunny.

"Kambal!"

KABOOOMM!!

Pinasabog ni Silao ang mga naglalakihang batong nahulog papunta sa akin. Naalala ko na sinabi nga pala niya na isa siyang dyos, ang dyos ng Pagliyab at Pagsabog.

Teka... Kung dyos si Silao at kakambal ko siya, eh di dapat isa rin akong dyos?!

Ngayon ko lang naisip ang posibilidad na ako'y isang dyos din. Si Arao ay isang dyos at si Sibol ay isang dyosa. Bilang anak nila, dapat katulad nila ako, di ba?

Pero wala akong espesyal na kapangyarihang nararamdaman nagmumula sa akin bukod lamang sa paggamit ng apoy. Sa tingin ko, hindi naman kagila-gilalas ang pag-control ng apoy. Normal lamang ito kung ikukumpara sa mga engkanto o diwatang may kapangyarihan ng elementong apoy. May kakaibang aura kasi si Silao na kapansin-pansin at nagbibigay ng impresyon na mas nakakalamang siya sa amin... Na di siya pangkaraniwang nilalang... Na isa siyang dyos!

Siguro sa susunod ko na lang tanungin si Silao o kapag nagkita na kami ng aking mga magulang, sa kanila ko na lang tatanungin. Wala din naman kaso sa akin kung normal na mortal lamang ako. Hindi ito mahalaga sa akin.

Focus, Steve! Focus, Sinag! giit ko sa aking isipan. Alam ko naman na lahat ng katanungan ko ay masasagot. Si Andrea muna bago ang lahat!

Elemento ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon