Chapter 7 | Ang Kapatawaran

1.1K 57 7
                                    

Elemento Club: Ang mga Sagradong Nilalang

Chapter 7 | Ang Kapatawaran |

Hindi mapakali si Sunny Montes. Nag-aalala siya para sa kanyang pinsan na si Dianara. Hindi na kasi normal ang ikinikilos nito o baka hindi lang siya sanay sa pagbabago nito. Kung dati lagi na lang pinupuna ni Dianara si Sunny at inaaway, ngayon umiiwas ito at gagawin ang lahat para hindi sila magharap o mag-usap man lang.

Sa totoo lang okay naman ito kay Sunny tahimik na ang kanyang buhay. Simula din nang manalo siya bilang Miss Owkward Academy Student of the Year at nalaman ng nanay ni Dianara na siya ay sikat din sa Youtube bilang si Enchantress , nagbago ang pakikitungo nito - medyo bumait.

Pero hindi mawala kay Sunny ang pagkabahala. Kahit di maganda ang pakikitungo ni Dianara sa kanya simula pagkabata, ninais pa rin niya na sila ay magkaayos, maging malapit sa isa't-isa at maging magkaibigan.
Ilang beses na tinangka ni Sunny na lumapit kay Dianara at makipag-usap sa school o sa bahay pero lagi itong nakakahanap ng dahilan para lumayo.

"Bakit ba ang kilit-kulit mo! You're so annoying! LEAVE ME ALONE!" sigaw ni Dianara sabay sarado ng pintuan ng kanyang kwarto.

Pero hindi umalis si Sunny sa harap ng nakasarang pintuan at kumatok.
"Dianara, please, mag-usap tayo." sambit ni Sunny.

"NO! I DON'T WANT TO SPEAK WITH YOU!" pagmamatigas ni Dianara.

Hindi magpapatalo si Sunny, kung matigas ang ulo ng pinsan, magmamatigas din siya at muling kumatok.

Ilang minuto ding hindi pinansin ni Dianara ang mga pagkatok ni Sunny pero sa huli'y napuno na siya at padabog na binuksan ang pintuan.
"WHAT?!" inis na inis na bungad ni Dianara.

Ngumiti si Sunny at nilahad ang kanang kamay.

"Dianara, gusto kong maging magkaibigan tayo. Pinapatawad na kita sa lahat-lahat ng ginawa mo dati. Let's start all over?"

"A big N and O, NO!" agad na sagot ng pinsan.

Sa pagtangkang pagsara ng pinto ni Dianara, mabilis na pumasok si Sunny. Salamat sa bilis na bigay ng kanyang elementong-hanging taglay.

"What the-?! GET OUT OF MY ROOM!"

"Dianara, bakit ayaw mong maging magkaibigan tayo?" seryosong tanong ni Sunny, nais niyang maintindihan ang pinsan.

Hindi makatingin ng diretsyo si Dianara. "Basta. I don't want to!"

"Bakit ba?" giit ni Sunny. "Please? Nais kong malaman. Ikaw lang ang tanging pinsan ko kaya naman pangarap ko na magkaayos tayo, dati pa."

"D-Dati pa?" pag-ulit ni Dianara, hindi pa rin tumitingin kay Sunny. "K-Kahit na lagi kitang inaaway?"

"Dianara, oo!" taos-pusong sagot ni Sunny. Hinawakan niya ang magkabilang braso ng pinsan at iniharap ito sa kanya. "Sana maniwala ka. Oo, hindi mawawala ang tampo at masama ng loob pero handa kong kalimutan lahat basta magkaayos tayo!"

Unti-unting inangat ni Dianara ang kanyang mukha, ang dating mukha na puno ng make-up na ngayon ay simple at labas ang natural na ganda. Tumutubo na rin ang orihinal na itim na buhok at ang pagka-blonde na kulay ay nawawala na.

Hinanap ni Dianara ang pagpapangap sa maluha-luhang mga mata ni Sunny.

Wala.

Wala siyang nakitang kasinungalingan, isang gawaing pamilyar sa kanya.

Napapikit si Dianara, huminga ng malalim at umiling.
"No." kanyang sambit at itinulak papalayo si Sunny.

"Dianara, bakit?!"

"Naiinis ako sa iyo!" sa wakas tumulo na ang luha sa mga mata ni Dianara. "Bakit ba ang bait-bait mo? Kaya ka nabu-bully! Kaya lagi kang napagtri-tripan! Abnormal ka!"

"Abnormal na kung abnormal! Sa ganito ako. Basta alam ko na nasa tama ako, hinding-hindi ako magbabago." sagot ni Sunny. "Dianara, ganun bang kahirap na buksan mo ang puso mo para sa akin? Simpleng pagkakaibigan lang naman ang nais ko."

"Bakit mo ba akong gustong maging kaibigan?! Di ba ang sama-sama ko sa iyo? Dapat magalit ka sa akin! Yan ang dapat! Magalit ka! Magalit ka!"

Umiling si Sunny at walang sabi-sabi ay mahigpit na niyakap ang kanyang pinsan. Hindi na nagawa ni Dianara na itulak ito dahil nanghina ang kanyang buong katawan at humagulgol sa iyak.

"Kahit anong sabihin mo ngayon, hindi ako magagalit. Gusto kong malaman mo na mahalaga ka sa akin."

"Pero... I don't deserve to be your friend. Napakasama ko sa iyo. Wala akong karapatan na maging kaibigan mo..." sambit ni Dianara habang umiiyak sa balikat ni Sunny.

"Sino bang nagsabi sa iyo na hindi mo deserve maging kaibigan ko? Inuulit ko, pinapatawad na kita sa lahat-lahat. Malinaw ba? Let's be friends."

Animo'y bata na tumango si Dianara at sinuklian ang mahigpit na yakap ng kanyang pinsan.

"Sorry. Sorry sa lahat. Sorry. Sorry. Huhu-sorry. Sorry... Sorry..." paulit-ulit na paghingi ng tawad ni Dianara kay Sunny.

Dahil sa napuno ng emosyon, wala nang lakas na tumayo pa si Dianara. Dahan-dahan na inupo ni Sunny ang pinsan sa malapit na kama. Hindi pa rin bumitaw ito sa pagkakayakap. Hinayaan lang ito ni Sunny hanggang sa tuluyan na itong makatulog.

Nang matiwasay na sa pagkakahiga si Dianara at mahimbing nang natutulog, si Sunny naman ang inantok.

Pagkabukas niya ng pinto sa kanyang kwarto, bumungad ang dalawang dilaw at makinang na mga mata sa gitna ng kadiliman.

"Kanina pa kitang hinihintay." sambit nito.

===October 27, 2017 =============

Hello awesome people! Thanks for reading. Share some love by giving this chapter a vote! Kamusta naman ang chapter na ito? I would love to see your comments!

Follow and say hi!

Official FB Page: GilLandicho

Youtube: GilVlogs

Instagram: @gillandicho | @wondersofgil

Twitter: @gillandicho

Wattpad: @GilLandicho

Elemento ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon