Chapter2: APOY AT KIDLAT

3K 132 12
                                    


Hindi nakagalaw si Andrea Guevara at natulala sa nakitang black lady sa likod ni Steve Ynares.

"S-Sa likod mo!"

Napalingon si Steve ngunit walang nakita. Lalong naging masama ang balik nitong tingin.

"Andrea!" tawag ni Bela Dela Rosa.

Dito na dali-daling tumakbo si Andrea papunta sa kaibigan at hindi tinangkang lumingon pa.

"Sino yon?" sa wakas ay nagawa na niyang makapagsalita. Medyo gulat pa at hindi pa rin maiwaksi sa isip ang itsura ng black lady.

"He's Steve Ynares." bulong ni Bela. "You don't need to know him. He's bad news. As much as possible ay iwasan mo siya." babala nito.

"Nakita mo ba - um... never mind." itatanong sana ni Andrea kung nakita din ba nito ang black lady pero nagbago ang isip. Ayaw na niyang pag-usapan pa ito. Siguro ay guni-guni nya lang ang nakita niya.

Ang pagkakaalam niya ay sarado ang kanyang third eye kaya nagulat siya nang may makitang multo. Oo, nakakaramdam siya ng presensya ngunit hanggang doon lang iyon dati. First time niya ito at ayaw na niyang maulit.

Wala siyang takot sa mga taong buhay at nakikita niya, hindi lang siya sigurado sa mga espiritung hindi niya mahawakan at walang pisikal na katawan. Kung ang mga ito ang sumugod paano kaya niya maipagtatanggol ang sarili?

Inihatid ni Bela si Andrea sa kanyang classroom. Hindi pala sila magkaklase na lubos na ikinalungkot ni Bela pero dahil pareho naman sila ng kinuhang program sa senior highschool kaya magkakasama pa rin sila sa mga specialized subjects. Magkaiba sila ng section para sa kanilang core subjects: Section A si Bela, Section B naman si Andrea.

"Ninong kayo na po bahala kay bestie!" habilin ni Bela.

"Sige. Halika, iha. Anong pangalan mo?"

"Andrea Guevara po."

"Ah, ang anak ni Police Chief Inspector Guevara! Tama ba?"

Tumango si Andrea.

"Ako nga pala si Junior Sta. Maria, ang advisor ng Section B at teacher nyo sa General Mathematics at Statistics and Probability" pakilala ng guro. "Tawagin mo na lang akong Sir Jun-Jun."

Magaan naman ang loob ni Andrea kay Jun-Jun.

Siya ang tipikal na nerdy looking na teacher na magaling magturo at mabait sa lahat. Makapal ang frame ng kanyang itim na salamin pero makikita pa rin ang kanyang gwapong mukha na mapagkakamalang nasa early twenties pa rin kahit lagpas na ng kalendaryo ang edad. Bagay na bagay sa kanya ang plain navy blue na long sleeved na shirt, light brown na khaki pants at matching na brown leather belt at shoes. Para kay Andrea kahawig ng teacher nya si Clark Kent dahil sa isang nakalawit na kulot na bangs sa buhok nito.

Nagpaalam na si Bela dahil nagsisimula na ang first subject nya.

Dahil marami na ang nakakita kay Andrea simula sa gate pa lang - salamat sa Instagram post ni Bela, hindi na siya nahirapang magpakilala.

At dahil kalat na agad ang nagawa niya kay Amiro at marami na rin ang nakabasa ng Taekwando article na tinawag siyang 'Electric Princess,' ito na ang kanyang opisyal na title sa school.

Kalat na din ang tatay niya ay isang police chief inspector kaya marami ang maingat sa pakikisalamuha sa kanya.

Grabe talaga ang technology, wala pang 24 hours alam na ng buong campus ang tungkol sa 'yo. sabi ni Andrea sa sarili.

Tatlong oras ang tagal ng first subject nila. Natigil bigla ang klase dahil 30 minutes na lang ay tsaka pa lang pumasok ang isang estudyante na dire-diretsyo lang na umupo sa likod na upuan at hindi man lang bumati sa nagtuturo sa harap.

Elemento ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon