Chapter17: TUBIG AT LUPA

1.5K 81 11
                                    

May kaba sa dibdib pero buong pag-iingat na binuksan ni Bela Dela Rosa ang pintuang gawa sa matibay na kahoy.

Hindi siya papaloko. Alam niyang ilusyon lang ang lahat: ang biglang pagpalit ng kanyang damit at ang bumungad sa kanyang kasiyahan sa ballroom ng mansyon. Malakas ang kanyang kutob na kagagawan ito ng itim na diwatang tubig. At kagaya sa kanyang panaginip, hindi niya maaninag ang mga mukha ng ibang bisitang sumasayaw at nagtatawanan. Ang tanging malinaw lang ay ang mukha ng lalaking hindi niya malaman ang kanyang nararadaman para dito, kung pagkainis ba o pagmamahal...

Ang mukha ni Amiro Singh.

Buong kisig itong lumapit. Naka-suot ito ng puting tuxedo na may pulang vest at necktie. Magkaterno sila ng damit.

"My one and only love." sambit nito pagkatapos ng saglit na paghalik sa kanang kamay ni Bela.

Nakipagtitigan si Bela dito. Nakuha man nito ang gwapong mukha ng basketball captain, wala ang kinang at buhay sa mga mata nito.

May pandidiring hinila ni Bela kanyang kamay mula sa pagkakahawak ng impostor.

"You can't fool me! Where's the real Amiro?!" kanyang sigaw dito na bigla namang naglaho na parang bula.

Dahil tapos na ang palabas at nabisto agad, tumayo ang babaeng nakaupo sa may dulo ng ballroom at sumugod kung nasaan si Bela. Nawala ang magandang itsura, ang magarbo kasuotan at pinakita ang tunay nitong anyo.

"AKIN LANG SI AMIRO!" giit ng diwatang tubig habang harap-harapan niyang nilapit ang kanyang mukhang kulay berde na puno ng malagkit na lumot. Nanlalaki ang kanyang bilog na bilog na mga mata. Walang ilong, itim ang makakapal niyang mga labi at may ngiping patusok-tusok.

Nais manindak ng diwata pero hindi natinag si Bela. Nakaya ng kanyang sikmura ang anyo nito. Tiniis niya at hindi naduwal sa pambihirang katawan ng diwata na halos lahat ay may galamay ng pugita! Galamay lahat, simula sa mga hibla ng buhok nito na animo'y mga maliit na ahas na kagaya ng sa isang Greek monster na si Medusa; mga galamay din ang mga daliri ng magkabilang kamay at walong matataba at naglalakihang mga galamay naman para sa mga paa nito!

Napangiti bigla si Bela. Sumagi sa kanyang isip kung ano ang naging reaksyon ni Amiro pagkakita sa totoong anyo ng diwata.

Nandiri? Nasuka?

I bet he vomited in disgust! kanyang naisip. Alam niyang may pagkapintasero din kasi itong si Amiro.

Nainis ang diwata. Hindi ito ang kanyang inaasahang reaksyon.

Bumukas ang pintuan.

Biglang nandilim ang buong ballroom pagkapasok ng ibang miyembro ng Elemento Club. Bumalik sa dati ang lahat. Naging school uniform muli ang suot ni Bela. Nawala ang ilusyon ng isang kasiyahan sa buong mansyon at muli itong naging magulo at puno ng alikabok dahil sa tagal na di pagkakagamit.

Tumawag ng bolang apoy si Steve Ynares upang magsilbing liwanag pero may kinapa lang si Prince Salvanera sa pader at nabuhay ang mga ilaw sa buong ballroom.

Napatingin si Steve.

"What? Sa tingin ko naman, di pa napuputulan ng kuryente ang bahay nina Amiro." sabi ni Prince.

"HINDI NYO MAKUKUHA SI AMIRO! AKIN SIYA! AKIN SIYA!" sigaw ng diwata na dumagundong sa apat na sulok ng malawak na silid at nawala.

"Ugh! She disappeared!" dismayadong sambit ni Bela. Hindi pa niya nalalaman kung saan matatagpuan si Amiro.

"GGGGRRRRRRRRRRR!"

"BELA!" tawag ni Andrea Guevara at dali-daling ginamit ang orasyon card na 'Otro Mundo' dahil batid niya ang magiging sira at gulo sa bahay nina Amiro sa gagawin niyang pag-atake sa isang Himaw ng tubig na katabi lang ni Bela!

Elemento ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon