Chapter 15 | Ang Sagradong Nilalang ng Lupa

1.1K 55 7
                                    

Sadyang kagila-kagilas ang Sagardong Nilalang ng Lupa na si An-Theia dahil sa kinang at ganda ng mga tambuhalang pakpak nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sadyang kagila-kagilas ang Sagardong Nilalang ng Lupa na si An-Theia dahil sa kinang at ganda ng mga tambuhalang pakpak nito. Sa lahat ng mga nilalang na pinagpala ng Inang Kalikasan, si An-Theia ang bukod tanging nagbibigay halaga sa panlabas na anyo at kagandahan. Ito rin ang dahilan kaya si Bela Dela Rosa ang kanyang piniling tagapangalagang diwa.

Si An-Theia din ay kilala bilang emosyonal at dahil nakasanib dito ang isa sa mga mata ni Ha-Des, ang Sagradong Nilalang ng Dilim, naimpluwensyahan nito ang isa sa mga anyong-tao ni Bela na si Clayton na magkaroon ng damdaming hindi nararapat.

"I have to destroy it!" sambit ni Bela sa sarili at naka-focus sa mata ni Ha-Des na nakadikit sa pagitan ng mga naglalakihang antena ni An-Theia.
Nakalutang si Bela sa ere gamit ang sariling makikinang na mga pakpak ng paru-paru.

Lumingon si Bela sa ibaba at tumango kay Treestan, ang taong-puno. Sila'y nagkaintindihan at walang sabi-sabi ay sumuntok si Treestan sa lupa at ibinaon ang mga kahoy na kamao pailalim. Tinubuan ng mga ugat ang mga ito katulad ng kanyang mga paa at sa kanyang likod ay umusbong ng pagkabilis ang isang napakalaking puno. Tuloy-tuloy ang pagtaas nito habang palawak ng palawak ang sakop ng mga sangang patuloy din sa pagdami.

Halos ilang minuto lang ay naabutan na ni Treestan si An-Theia sa himpapawid. Upang hindi nakagalaw ang Sagradong Nilalang, ang ilang mga sanga ay tinubuan ng mga matitibay na baging at pinuluputan ang katawan nito.

Nagpumiglas si An-Theia at ginalaw ang kanyang mga tambuhalang pakpak upang lumipad papalayo at makatakas sa baging.

Gamit si Treestan na naging aktwal na malaking puno, naka-akyat sina Lando, Rocko at Sandjo sa likuran ni An-Theia. Nagtulong ang tatlo at pinuno ng lupa, bato at buhangin ang mga pakpak ng Sagradong Nilalang upang bumigat ang mga ito at mahirapang makalipad papalayo.

"Thank you, boys!" masayang sabi ni Bela at lumipad papalapit sa mata ni Ha-Des na nakabaon sa ulo ni An-Theia.

Inihanda ni Bela ang kanyang gintong scepter. Nabalutan ito ng mga rosas at malalaking tinik.

Handa na si Bela na basagin ang mata ni Ha-Des pero hindi agad-agad papayag si An-Theia na nasa ilalim ng impluwensya nito. Umungol ng pagkalakas ang Sagradong Nilalang at mabilis na gumalaw ang isang tambuhalang baging mula sa lupa upang hampasin si Bela papalayo.

Dali-daling tumakbo si Rocko, naging solidong pader na bato at sinalubong ang hampas ng baging. Sa lakas ng pagkakatama ay nahati sa dalawa ang pader at nahulog sa lupa.

"Rocko!" sigaw ni Bela pero wala na siyang oras upang tingnan pa kung anong nangyari sa taong-bato dahil bumalik ang tambuhalang baging upang tamaan siya.

"Lando!"

Ang taong-lupa naman ang sumalo sa atake. Kagaya ni Rocko nahati at nagkadurog-durog si Lando na naging lupang pader.

Si Sandjo na ang nagkusang gumalaw at binalot ng buhangin ang magkabilang mga mata ni An-Theia. Nagtagumpay siyang guluhin ang Sagradong Nilalang at sumablay ang sunod na hampas ng tambuhalang baging.

Elemento ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon