Chapter 9 | Iisa Lang ang Kailangan

1.2K 57 2
                                    

Elemento Club: Ang mga Sagradong Nilalang

Chapter 9 | Iisa Lang ang Kailangan |

Di pangkaraniwan ang lakas ng hangin sa buong Owkward Academy. Walang makalabas sa kani-kanilang mga silid-aralan dahil tiyak na tatangayin ng hangin ang kahit ano mang mang bagay na magaan o magkamaling bitawan. Ang hangin, animo'y galit na kumakatok sa mga nakasarang bintana at pintuan, nagpupumilit na makapasok at makapanggulo.  Nagdudulot na naman ito ng takot at pangamba sa mga estudyante.

Kung titingnan mula sa labas, tanging sa buong eskwelahan lamang umiikot ang hangin na isa palang aktwal na ipo-ipo!

Hindi ito natural.

Batid ito ng Elemento Club kaya naman bago pa tuluyan makapagpinsala ang tambuhalang ipo-ipo ay agad-agad nilang ginamit ang Orasyon card na 'Otro Mundo' upang patigilin ang oras at malayang makapag-imbestiga.

"Ola!" bungad ni Wallflower. Nakaupo siya sa balikat ng isa sa lima niyang kasamang mga Himaw. Nasa gitna siya ng umiikot na tambuhalang ipo-ipo.

Sobrang nadismaya sina Prince Salvanera at Amiro Singh. Hindi na nag-aksaya ng panahon ang dalawa at sumugod. Sinalubong sila ng dalawang Himaw.

"Ikaw!" galit na sigaw ni Sunny Montes. " Hindi kami papayag na manggulo ka na naman!"

"You good for nothing piece of garbage!" dagdag ni Bela Dela Rosa.
"Kung ano mang binabalak mo, pipigilan ka namin!" sambit ni Andrea Guevara.

Saglit na lumingon si Andrea sa kanyang kanan at siniguradong si Steve Ynares ay kasama nila. Noong huling nanggulo si Wallflower at nagpakilala bilang isa sa mga mata ng Sagradong nilalang ng Dilim na si Ha-Des, wala ito. Ayaw ni Andrea na kung ano na naman ang isipin ng iba pang miyembro ng club kaya pinayuhan niya si Steve na makisama. Napanatag naman siya dahil nakinig ito.

Pero may kapalit ay ang sikreto na ayaw ipaalam ni Steve. Kung si Andrea ang tatanungin, hindi dapat ikahiya ni Steve ang talento sa pagsasayaw ngunit iba ang nasa isip nito. Sa huli ay ayaw na ni Andrea makipagtalo, ang mahalaga, kahit mukhang napilitan lang, ay muli silang nagkausap.

Kanya-kanya nang umatake ang buong Elemento Club, lahat ay nakasentro ang atensyon sa tumatawa at aliw na aliw na si Wallflower na pinoprotektahan ng limang Himaw.

Madali namang natalo ng grupo ang mga Himaw na pawang mga apoy ang kapangyarihan. Isa-isa nilang napasabog ang walang lamang mga katawan nito na hindi normal dahil tipikal sa mga halimaw na may bihag na engkanto o diwata na syang pinagkukunan nila ng elementong kapangyarihan. Marahil mas mainam na ito upang wala nang iba pang madamay na mga espiritung pangkalikasan.

Ngunit hindi man lang nabahala si Wallflower. "Hindi talaga matatawaran ang galing nyo, Elemento Club!" komento niya sabay tawa. "But wait - there's more!" At muli siyang tumawag ng mga Himaw.

"Ano bang pinaplano mo!" nawalan na ng pasensya si Prince. Bumuga siya ng yelo na agad na nagpatigas sa mga bagong Himaw na lumabas at gamit ang kanyang yelong espada ay maliksi niyang pinaghahati sa dalawa ang mga katawan ng limang Himaw ng sunod-sunod.

Napahanga ang lahat lalo si Sunny na lubos ang tiwala sa kakayanan ng student council president.

"Prince!" nagulat si Sunny nang biglang napaluhod si Prince at  umubo ng pagkalakas. Mabilis siyang lumipad papunta dito. "Prince, okay ka – Ahh!" nagulat siya dahil sa bawat pag-ubo nito ay may kasamang dugo. "PRINCE!" nataranta siya.

"Umayos ka nga, Sunny!" naiinis na sambit ni Prince. "Wala lang 'to." Pinilit na tumayo at binura ang dugo na nasa lupa. "Normal lang 'to!"

"Normal?" hindi na napigilan ni Sunny na sumagot dahil sa labis na pag-aalala. Batid niyang parang tauhan lang ang tingin ni Prince sa kanya at kahit alam nito na may espesyal siyang nararamdaman ay binabalewala lamang. Masakit man at sampal sa kanya, hindi niya mapigilang mag-alala at isipin ang kapakanan nito. "Hindi na iyan normal, Prince! Hindi mo man sabihin pero malala na ang sakit mo!"

Elemento ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon