Chapter12: TUBIG AT LUPA

1.6K 92 15
                                    

Isang pambihirang tagpo ang nasilayan ni Bela Dela Rosa nang pumasok siya sa sikretong silid sa may Elemento Club room.

Sina Amiro Singh, Prince Salvanera at... Steve Ynares ay naglalaro ng basketball!

"Impossible!" manghang sambit ni Bela.

"Ang galing, noh." nakangiting sagot ni Andrea na naka-upo sa kalapit na bench, nanunuod.

Lubos ang hiwaga ng sikretong silid na kasya ang kahit ano, kahit isang buong building pwede, kaya ano pa ang isang basketball court!

Tumabi si Bela sa kaibigan.

"How this happened?!" kanyang tanong.

Tutol si Prince sa naging desisyon ng kanilang club advisor na si Jun-Jun Sta, Maria na maging magka-buddy sila ni Steve. Ang katwiran ng guro ay para mas magkakilala ang dalawa at mas maintindihan ng student council president ang napagdaanan ni Steve.

Ang nasa isip ni Prince, ito ay isang parusa sa kanyang pagbibintang. Wala na siyang laban at talo sa akala dahil kahit nawala na ang presensya ni Nanang ay may mga Himaw pa rin na paminsan-pinsang umaatake. Taliwas din sa kanyang inisip na kung nasaan si Steve ay may Himaw dahil ngayon, may mga umaatake kahit wala ito sa lugar. Alam nito ni Prince dahil sinisigurado ni Jun-Jun na magkasama silang dalawa hangga't may pagkakataon at hindi siya busy sa Student Council.

Wala namang imik si Steve na kahit naka-simangot pa rin sa lahat ng pagkakataon ay may mga sandaling napapangiti kapag kasama si Andrea.

"Kahit ilang araw na silang laging magkasama, may invisible wall pa rin sa pagitan nilang dalawa. Pero bigla na lang out of the blue, niyaya sila ni Amiro ng baskteball." sabi ni Andrea na natutuwa sa ginawa ng basketball captain.

Masaya siya dahil alam niyang unti-unti nang matututo si Steve makipagsalamuha sa mga ka-club member. Sabay man tumutol sina Prince at Steve, siya ang pumilit sa dalawa, lalo na kay Steve na sumali. Alam niyang darating ang panahon na magiging matalik na magkakaibigan ang tatlo.

Napangiti si Bela.

Napansin naman ni Andrea ang kinang sa mga mata nito at titig na titig kay Amiro.

Oh... hindi kaya...? napaisip bigla si Andrea.

"Bela?" tawag niya.

"Hmm? W-What...?" sagot nito pero nakatingin pa rin kay Amiro. Nilabas niya ang cellphone at kumuha ng litrato.

"Patingin ng picture!" walang sabi-sabing kinuha ni Andrea ang cellphone at tiningnan ang litrato para mapatunayan ang kanyang hinala.

"Andrea!" nataranta bigla si Bela at namula.

"Are you taking Amiro's picture?" malisyosong tanong ni Andrea.

"Me? What?! Of course not!" pagtanggi nito. "I'm just saving a picture of this rare moment that the boys are playing basketball together. That's all... And I think It can be a good Instagram post... Ah, wait!" dali-daling niyang kinuha ang cellphone kay Andrea. "SELFIE TIME!"

Inakbayan ni Bela ang kaibigan at nag-picture habang nasa likod nila ang tatlong naglalaro ng basketball.

"Hashtag basketball. Hashtag the boys are playing. Hashtag rare moment." malakas na sabi ni Bela habang nag-uupdate sa kanyang Instagram.

Hindi alam ni Andrea kung paano siya magre-react sa kaibigan. Natatawa siya dahil kitang-kita sa mukha nito ang taranta at pamumula pero nagtataka siya kasi ang buong akala niya ayaw na ayaw nito kay Amiro.

Naku Bela, palusot ka pa! Taking this rare moment ka pang nalalaman, eh naka-focus ang picture niya kay Amiro. Oh my friend! Anyare?!

Elemento ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon