Chapter 3 | Ang Sagradong Nilalang ng Kidlat

1.2K 77 15
                                    

Elemento Club: Ang mga Sagradong Nilalang

Chapter 3 | Ang Sagradong Nilalang ng Kidlat |  

Kanya-kanyang nagsitakbuhan ang mga estudyante ng Owkward Academy na nagkataong nasa Open field ng school. May ilang nagpra-practice para sa class presentation at may iba namang tumatambay lang pero ngayon, lahat sila ay nabulabog sa biglaang pagyanig at paghati sa dalawa ng lupa. 

Sa unti-unting pagbukas ng lupa sa walang hanggang kailaliman ay unti-unti ding paglabas ng kahindik-hindik na tambuhalang halimaw. Ang mga naglalakihang mga mata mula sa parisukat nitong ulo ay aktwal na mga milyon-milyong mga maliit na mga dyamanteng Emerald na makinang at nakaksilaw sa sinag ng araw. Purong ginto naman ang kabuoan nito, magmula sa payat at pahabang pang-itaas na parte ng katawan hanggang sa pang-ibabang parte kung saan nakatupi ang apat nitong pakpak na gawa din sa maninipis na hibla ng ginto at nakakabit ang apat nitong mga paa.  Isang magandang nilalang kung tutuusin kung hindi lang sa napakalaki nitong anyo at matatalas na mga pangawit na mga kamay! 

"ISANG TAMBUHALANG MANTIS!"

"IT'S THE END OF THE WORLD!"

"MONSTER! I WANT MY MOMMY!"

"AAAHHHHHHH!! WE'RE BEING ATTACKED BY ALIENS!"  Kanya-kanyang sigaw ng mga natatarantang estudyante. 

"OTRO MUNDO!" sabay-sabay na sigaw ng buong Elemento club habang kanya-kanyang hawak sa kamay ang Orasyon card. Inihagis nila ito sa ere na agad namang naglaho at humalo sa hangin. Mas higit ang taas ng halimaw sa lahat ng gusali sa buong Owkward Academy na maaaring higit pa sa dalawanpung palapag kaya naman para sa malawakang pagkalat ng dimensyong nakatigil ang oras, kailangang mas maraming Orasyong card ang gamitin.

Sa isang iglap ay nag-iba ang kulay ng kapaligiran at kahit tanghaling tapat, ang langit ay nagkulay dapit-hapon. Tumigil ang paggalaw ng mga estudynate na anino'y mga estatwa na may kanya-kanyang takot at gulat na ekspresyon sa mukha.

"Ze-Us!" tawag ni Andrea Guevara na gulat na gulat pa rin at hindi makapaniwala. Kani-kanina lang ay pinag-uusapan nila ang mga Sagradong Nilalang, ngayon, nasa harapan na nila ang isa sa mga ito!

Sinubukang lapitan ito ni Andrea pero may tumulak sa kanya papalayo. 

"Anak ka ng tokwa! Alam mo na ngang mapanganib lalapit ka pa!" galit na sigaw ni Steve Ynares. 

Sa biglaang pagtulak ni Steve at natumba paupo si Andrea. Nainis siya sa mataas na tono ng boses nito at tingin na para bang siya ang pinakabobong tao sa buong mundo.  

"Naku, maraming salamat!" sarkastikong sagot ni Andrea habang patayo pero wala na si Steve dahil nauna na itong sumugod sa Sagardong Nilalang. 

Hmp! Nakakainis! Ano ba ang problema 'nun!? I'm not that stupid! Kaya ko naman ang sarili ko. Anong tingin nya sa akin, mahina?! Hindi ako Taekwondo champion for nothing! 

Nagsimula na ding umatake ang iba miyembro ng Elemento Club. Si Bela Dela Rosa ay tinawag ang lahat ng kanyang mga anyong-tao; si Amiro Singh ay ginamit ang kanyang tubig na dragon sa pag-atake; si Sunny Montes ay nakalutang sa ere at tumatawag ng sunod-sunod na ipo-ipo; At si Prince Salvanera naman ay lumikha ng napakalaking espada na gawa sa yelo.  

Susugod na rin sana si Andrea upang makipagsabayan at magpakitang gilas nang matigilan siya saglit. Dinako niya ang tingin kay Steve na bumubuga ng apoy at naghahagis ng mga bolang apoy kay Ze-Us. Nawala ang kanyang pagkainis at nalungkot bigla. Sa wakas... Pagkatapos ng ilang linggo, ngayon lang muli akong kinausap ni Steve... Nami-miss na niya ito. Lagi man silang nagkikita sa school, hindi naman siya pinapansin nito. Minsan siya na ang gumagawa ng paraan para mag-usap sila sa Elemento Club room o sa klase pero animo'y wala itong naririnig. 

Elemento ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon