Chapter14: TUBIG AT LUPA

1.9K 95 35
                                    

May exclusive lunch out ang mga Elemento Club members. Pinayagan sila ng Owkward Academy main gate guard na si Alfie Magdugo na lumabas ng school premises dahil kasama naman nila ang kanilang club advisor na si Jun-Jun Sta. Maria.

"H-Hello po, Miss Guevara." bati ng school guard pagkakita kay Andrea Guevara.

Alam ng guard na ito ang anak ng Police Chief Inspector na si Rogelio Guevara na nagbilin sa kanya para sa kaligtasan ng mga anak sa loob ng school. Masigasig naman niyang ginagampanan dahil sa kilalang reputasyong pagiging malupit ng police chief at estrikto sa mga pinamumunuan. Kalat din sa mga kagaya niyang security guard at kapulisan sa buong San Nicolas ang usap-usapang tungkol sa sikretong death squad nito. Labis na natatakot si Alfie na kung hindi niya maprotektahan ang mga anak nito ay baka makasama siya sa mga magiging biktima ng grupo.

"Mag-ingat po kayo." paalala niya.

Napangiti naman si Andrea at tumango.

"Salamat po, Mang Alfie."

Kilala ni Andrea ang security guard dahil sa araw-araw na pagpasok at paglabas niya sa school ay lagi itong magalang na bumabati sa kanya. Sinabi din ng kanyang mga nakakabatang kapatid na parehong nasa grade six na sina Bonnie at Clyde Guevara na personal na sinasamahan pa sila ng guard papunta sa school service pauwi.

Labis namang natutuwa si Andrea at hindi niya kinakalimutang pagpasalamat dito.

"Umiwas din po sana kayo sa may hindi magandang impluwensya." dagdag ni Alfie dahil nakasunod kay Andrea si Steve Ynares na kilala niya bilang pasaway na estudyante at anak-anakan ng sikat na Drug Lord ng San Nicolas na si Isko Ynares.

Umiling siya dahil marahil hindi alam ng dalawa na ang humuli sa drug lord ay walang iba kundi ang Police Chief Inspector Guevara mismo!

Patay kang bata. bulong ni Alfie sa sarili habang iniisip ang magiging kumplikasyon ng sitwasyon kung magkamabutihan si Andrea at Steve.

"Opo." sagot ni Andrea at hindi pinansin ang sama ng tingin ng security guard kay Steve.

Mukha namang hindi apektado si Steve dahil saglit na ngumiti ito nang lumingon si Andrea sa kanya. Alam naman niyang sanay na ito sa mga mapanghusgang tingin ng mga tao.

Hay. How I wish na someday, makuha mo ang respeto mula sa ibang tao. You're a work in progress and... I'll be there.

Sinuklin ni Andrea ng ngiti si Steve. Di rin nagtagal ay muling humarap kay Bela Dela Rosa at tinuloy ang kanilang usapan. Pabulong at seryoso ang usapan ng dalawa.

Hindi naman napansin ni Andrea na namumula si Steve at kinatuwa ang pagngiti nito sa kanya.

Andrea, ikaw lang talaga ang may wagas na kabutihan sa akin... Habang tumatagal ay lalong lumalalim ang pagtingin ko sa iyo. Napaka-espesyal mo sa akin.

Muli na naman siyang napasimangot.

Pero... Alam kong hindi ako karapat-dapat sa'yo...

Napabuntong-hininga na lang si Steve.

Si Prince Salvanera naman ay tahimik at balot na balot ng makapal na coat na abot hanggang mga paa. Sa taas ang araw at tindi ng init ng panahon, nagawa niyang magsuot ng makakapal na kasuotan. Sinabi ng student council president na mayroon siyang ubo at siya ay nilalamig. Labis na nag-alala sina Bela at Andrea sa ubo pero may pagtataka sa sinabing nitong nilalamig dahil alam naman nila na prinsipe ito ng yelo at nyebe, hindi nila lumbos maisip na lalamigin ito!

Elemento ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon