Chapter30: HANGIN AT YELO

1.2K 68 7
                                    

Natapos na ang Triathlon at ang nanalo ay walang iba kundi si Sunny Montes. Bilang Miss Student of Brains at Miss Student of Sports, siya na naman ang nanguna sa kumpetisyon para maging Miss Owkward Academy Student of the Year.

Dahil sa hangin, mas naging mabilis ang paggalaw ni Sunny na para bang sa bawat hakbang ay nakalutang siya sa ere. Ang magaan na paggalaw ay naging natural na, kaya naman hindi mabigat sa kanyang loob na tanggapin ang pagkapanalo.

"How can a dwarf WIN?!!" malakas na reklamo ni Dianara Montes pero walang pumansin sa kanya dahil nasaksihan ng lahat ang kahangang-hangang bilis sa pagtakbo ni Sunny. Malinaw sa lahat kung sinong nanalo.

Sinuklian ni Sunny ng ngiti ang masamang tingin ng pinsan at para wala nang maging dagdag na gulo ay mabilis niyang sinalubong sina Bela Dela Rosa at Andrea Guevara na masayang-masaya sa kanyang pagkapanalo.

Ngunit hindi napigilan ni Sunny na lumingon at mapuno ng pagkahinayang. Kung hindi lang binura ang alaala mo kanina, siguro naging matalik na tayong magkaibigan. Malinaw sa isip ni Sunny ang nakangiting mukha ni Dianara na lubos pang nagpapasalamat dahil sa pagkakaligtas mula sa umatakeng Himaw. Humingi pa nga ito ng patawad sa pangbu-bully at nangakong magbabago.

Napakasaya ni Sunny. Matagal na niyang nais maging kaibigan si Dianara ngunit hanggang 'sana' na lang ito dahil kailangang burahin ang alaala ng kanyang pinsan kasama ang iba pang tao na nakakita sa halimaw. Ito ay para sa kanilang ikatatahimik at kaligtasan. Ang lahat ng nangyari ay isang malabong memorya na lamang na mabilis makalimutan. Pero kahit papano... kahit saglit lamang ay naranasan ko na maging kaibigan mo, Dianara. Iyon ay patunay na maaari tayong maging malapit sa isa't-isa...

Napansin nina Bela at Andrea ang lungkot sa mga mata ni Sunny. Alam nila ang dahilan nito.

"It's for their safety." sambit ni Bela. "It's for the better."

Mabilis na niyakap ni Andrea ang kaibigan. "Huwag kang mag-alala. Malay mo, kahit papano manatili sa isip ni Dianara ang kabutihang pinamalas mo at magsilbing siga para tuluyang lumambot ang puso niya para sa iyo."

******

At dumating na nga ang gabing pinakahihitay ng lahat, ang huling gabi ng paligsahan upang tuluyan ang malaman kung sino ang magiging Miss Owkward Academy Student of the Year!

Puno muli ang gymnasium ng eskwelahan ng mga estudyante, mga guro, mga magulang at kamag-anak at mga bisita upang masaksihan ang mangyayaring koronasyon. Animo'y isang 'Beauty Pageant' na nga ang buong paligsahan. Ang susunod na kaganapan ay ang 'talent portion.' Dito na nila ipapamalas ang kani-kanilang talento para makuha ang titulo bilang Miss Student of Arts na dagdag isang daang puntos para sa mananalo.

Mahaba ang gabi dahil pagkatapos ng tagisan ng talento, dito na rin ihahayag ang mananalo sa paligsahan. Lahat ay nananabik. Lahat ay hindi na makapaghintay malaman kung sino ang magwawagi!

"I swear, talaga, ako ang mananalo!" sambit ni Dianara sa back stage sabay kembot na may pagtaas pa ng kamay. Pinakita niya ang ilang paborito niyang hakbang sa sayaw na gagawin niya mamaya sa entablado.

Marami na naman ang iritable sa kayabangan ni Dianara kaya lubos ang saya nila nang barahin siya ni Bela.

"If I were you, I better shut up!" sagot ni Bela. "Have a little humility sometimes. It's healthy for you body and from the looks of it, you badly need it!"

Hindi natinag si Dianara. "Well, whatever! Basta ako ang mananalo! You better wipe off the dust from that crown you're wearing because it's going to be mine!" sabay muling kendeng at sinadyang masagi si Bela ng mga mahahabang balahibo ng ibon ng kanyang pang-ethnic na costume.

Elemento ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon