Chapter 43

326 15 0
                                    

"Wait lang, bakit kami kami lang tas hindi ka sasama? Nag yaya ka pa kung di ka rin makakasama." Naiinis na komento sa'kin ni Justus habang tinutulak ko siya papasok ng kotse. 

"May biglaan na problema sa Romblon, I'm going back there." I lied. Damn, I hate lying. 

He looked convinced, "Hindi na lang din ako sasama, samahan na lang kita sa Romblon." 

Fuck, no! 

I frowned, "Sayang naman na nag book pa ko ng flight para sainyo." Gaya ko sa ginagawa nila na guilt trip. 

Ngumiwi naman siya, "Fine! Fine! Sasama na. Sayang naman pag impake ko diba?" He pinched my cheeks. 

"O sya! Basta mag iingat kayo! Enjoy din, ah?" I looked at him with teary eyes. 

"Oh! Oh! Ba't ka umiiyak?!" Nag aalalang tanong niya sa'kin. 

"Eh kasi naiinggit ako, pupunta kayong Maldives!" Natawa naman siya doon. 

At least, I still got to lie.

He hugged me, "Sunod ka na lang doon ha? Kung pwe-pwede." He patted my back and kissed my forehead. 

Napapikit ako doon at ngumiti, I'll be missing this one. 

Bigla na lang may tumulak sakaniya na ikinagulat namin. 

Napatingin ako sa tumulak, si Ryan lang pala. Leche din ito. 

Niyakap niya ako ng sobrang higpit at hinalikan pa ako ng ilang beses sa noo. 

"'Yan mas nakakalamang ako." He winked at me. 

Sinapak ko sa sobrang hangin, "H'wag kang mahangin." 

Natawa naman sila Ian at Nathan, niyakap na din nila ako at hinalikan sa ulo. 

Sunod naman sila Jane na nagyakapan kami ng mahigpit ng mga girls. 

"Paki-alagaan si Julianna ha?" I said to them while hugging my lovely little sister. 

Tumango naman sila, "And you, my precious one." Humiwalay ako sa yakap at hinawakan ang pisngi niya, "You behave, okay?" 

She smiled and nodded. Good girl! 

I looked at Lance's parents and they looked at me with worried eyes. They know what situation I am in, right now.

Tumakbo ako sakanila at niyakap ng mahigpit. 

"Mag iingat ka, anak." Tita whispered. 

Hindi ako iiyak, hindi ako iiyak, hindi ako iiyak. 

Humiwalay naman ako sa yakap at bigla akong hinalikan sa noo ni Tito. 

He smiled at me. I smiled back. 

Hinaplos niya ang buhok ko pati pisngi ko, "Be strong, okay?" 

I nodded. 

Ang sarap sa pakiramdam na ang daming nag mamahal sa'yo. Pero sa sobrang dami mong iniisip nakakalimutan mo na may nagmamahal sa'yo. 

They looked at me one more time before going inside the van. 

Tinignan ko ang driver na si Andrew, mas naging kampante ako. 

Pag talikod ko ay nakita ko si Lance na nakapamulsa. 

He turned his head asking me for following. 

Nag simula na siya mag lakad papasok ng bahay namin. 

Pag pasok namin sa kwarto ko. He spread his arms and all I did is dive in to his arms. 

Doon na ako umiyak. 

He patted my back, "Shhh, I know. Kakayanin natin 'to. Your plan will work. It has the best strategy." He said trying to encourage me that I can bring the bastard down. 

Humikbi ako, "It's going to happen tomorrow, Lance." I spoke in his chest. 

I felt him nodded, "Yup, and it's all set. Don't worry. " 

I will bring that bastard down and done. He doesn't deserve to have a good life. 


When We Held HandsWhere stories live. Discover now