Chapter 38

364 15 0
                                    

Luminga linga ako para hanapin si Lance. 

There...

I saw him, nakatiim bagang, his hands rolling into a fist. 

Naguluhan kaagad ako, why are you mad?

Tumalikod na siya at nag lakad papalabas. 

Sundan mo, Zea. My mind told me. 

Umiling ako, hindi maari.

Ugh, fuck it! 

Hinawakan ko ang balikat ni Ryan, napatingin naman kaagad siya sa'kin. 

"I'm just going outside, stay here. Saglit lang ako."Naguluhan man siya pero ngumiti naman at tumango bago ibinalik ang atensyon sa mga kaibigan ko. 

Mabilis ako lumabas para hanapin 'yung unggoy na 'yun.

Asan ba kasi 'yon?!

Nadala ako ng mga paa ko sa fountain.  There he is, staring at the beautiful fountain. 

Lumapit ako sakaniya at tinabihan siya. We both are now staring at the fountain. 

"Z-Zea." Pumiyok boses niya. 

Mabilis akong napatingin sakaniya and he was looking back at me. 

"Ano meron? Bakit ko nakikita na nasasaktan ka? May ginawa ba sa'yo si Analie? Okay ka lang ba? " ....

Ang mga tanong na gusto kong tanungin sakaniya.

But I can't hindi ko kaya. 

I just looked at him with a confused expression. Talaga kung ako sa'yo Lance, h'wag mo na ako paiyakin, pagod na ako umiyak nang dahil sayo.

Pumikit siya ng mariin at huminga, his hands balled into a fist. 

What are you trying to say, Lance? Sabihin mo na please! 

"Nasasaktan ako, Zea." A tear escaped his eyes. 

Another tear, another one, hanggang sa humikbi na siya. 

Oh no, Lance. Don't cry. No, no, no. 

"Bakit anong nangyare? Sinaktan ka ba ni Ana-" 

"Sinaktan kita, Zea!" Sumigaw siya. "Sinaktan kita, sinaktan kita, sinaktan kita." Ulit niyang bulong. 

Umiiling ako, ayoko umiyak. Nasasaktan ako, hindi ako iiyak. Compose yourself, Zea! 

Tumingin siya sa'kin, nanlalabo na paningin ko dahil sa mga luhang nagiipon sa mga mata ko. 

"I want you to move on, Zea. Gusto kong magalit ka sa'kin. Gustong gusto ko na kalimutan mo na ako! Hindi ako worth it. You deserve better. Zea, iniwan kita kasi..." Tumingin siya sa langit at pumikit. 

Bakit mo ako iniwan? Bakit? Hindi lang ba nang dahil kay Jane? Hindi lang ba dahil doon?

"Zea... 'Yung bumangga sa'yo... Daddy ni Analie." No! It can't be. 

A-Ano 'to?

"He blackmailed me. Plinano talaga iyon, pati sariling anak niya gagawin niyang patayin para lang tignan kung liligtasin mo anak niya. Sinadya niya iyon dahil mahal niya mommy mo, Zea!" I stumbled. 

This is not true, panaginip lang to. Panaginip lang to! 

"He did it para mawala ka at ipagbagsak ang ama mo. He did it para mag kasama na ulit sila ng mommy mo. H-Hindi ko alam pero I just knew about it when he approached me and blackmailed me about it. Sinasabi niya na itatangka ka niyang papatayin ulit, madadamay si Julianna, Zea! Kaya ako lagi nasa bahay niyo, para bantayan si Julianna. I can't accept it. Ganto pala nagagawa kapag naiwan ka sa ere ng mahal mo? Napupuno ng galit sistema mo. Hindi na mahal yun, obssession. Hindi ko kaya. Ginawa ko ang lahat para saktan ka, para mailayo mo na sarili mo sa'kin. I'll guard you from afar. 'Yun na lang ang naiisip ko. Saktan ka ng paulit ulit hanggang sa manhid ka na at galit na galit ka sakin." I can't process everything. 

I can't accept this, panaginip lang to. 

"Mas lumapit ako kay Analie para bantayan ang mga galaw ng daddy nito. Please be mad at me, push me away like you did!" Hinawakan niya ang magkabilang braso ko. 

Umiling ako, "A-Alam ba ni daddy 'to? ni Mommy? Tell me, para makapagplano na ako. Para mapaalis ko muna sila dito. I can't file a case to Analie's dad. May witness nga but not enough evidence." Now I'm talking to myself. 

Lance made me look at him, "I'm collecting evidences, Zea. Hintayin mo muna. Magiging okay na ang lahat. Alam ni tito. Alam niya. Shhh, stop crying." Niyakap niya ako. 

Doon na ako humagulgol, naguguluhan ako. Hindi ko alam ba't nangyayari 'to? Lance did this for the sake of my Family's safety. 

For my family's safety.

"Im sorry kung sinira ko birthday mo. I'm so sorry. I'm so sorry." Nanginginig niyang haplusin buhok ko. 

Umiling ako sa dibdib niya at nag patuloy sa pag iyak. 

"Nasasaktan ako... Hindi na ako sanay na ngumingiti ka sa iba. Hindi ako sanay na sobrang friendly mo sa ibang lalake. Nag seselos ako pero wala akong karapatan umepal sainyo, kasi doon kita nakikitang masaya e. Doon ko nakikita ang mga matatamis mong ngiti kaya pinabayaan ko na, pero nasasaktan ako kasi... ang iwan ka ang tanging unang plano para mag lie low ang daddy ni Analie, hindi naman kasi dapat ganto eh. Ayoko ng ganito." Humiwalay na ako sa yakap at pinahid mga luha ko. 

He cried once again. Parehas na kami nag iiyakan sa sakit ng nadarama namin.

"Hanggang ngayon mahal na mahal kita, hanggang ngayon andito ka pa din oh!"  Tinuro niya yung puso niya. 

Stop, please. Baka di ko na kayanin. 

"Zea, wait until things get right. Magiging okay na kayo ng pamilya niyo. H'wag kang mag alala." Umalis na siya sa harapan ko at nag simulang nag lakad papalayo.

Lance...



When We Held HandsWhere stories live. Discover now