"Tawag ka nang prof."

"Bakit daw?"

"Sagutin mo yung nasa board."

Nginuso ko pa ang board. Napatingin siya roon at tumayo na. Mabilis niya lang nasagutan iyon at umupo na sa tabi ko.

"Very Good, Ms. Co. Pero paki iwas lang ang pagiging tulala sa klase ko."

Tumango nalang si Keith.

"At oo nga pala, sino ang panlaban niyo sa couple singers?..."

"Sila Keith at Gerald po, Mam."

"Mag audition kayo mamayang 3pm. Dahil bukas na ang laban niyo by course. So, goodluck."

"Thanks."

Sabi ko. Ngumiti lang yung prof at pinagpatuloy niya na ang lesson niya. Napatingin ulit ako kay Keith. Ngayon naman ay nagsusulat ito nang kung ano ano.

Bakit kaya siya tulala? May nangyari ba na hindi ko nalalaman?


Keith Point of View:

Habang nagliligpit ako nang gamit ko ay lumabas na ako. Nakakailang hakbang palang ako nang may humila sakin.

"Ano ba?! Bitawan mo ako!"

Bakit ba kasi ako hinihila ni Gerald?! Hayss..

Pumasok kami sa isang room. At walang tao na rito. Kaming dalawa lang.

"Tell me, may nangyayari ba na hindi ko nalalaman?"

Napaka seryoso nang boses nito. Nakakatakot lang...

"W-ala naman.."

Napakagat ako sa labi. Ayoko mang magsinungaling pero kailangan. Baka kapag nalaman niya ay madamay pa siya..

"Wala? Pero kanina ko pa napapansin na tulala ka. Kaya wag kang magsinungaling, umamin ka sakin kung may nangyari ba sayo habang wala ako."

"W-ag ka ngang lumapit..."

Tinutulak ko pa ito palayo pero wala paring effect. Kaya patuloy ito sa paglapit sakin. Hanggang sa wala na akong maatrasan. Tungunu!

"Sasabihin mo sakin o sasabihin mo sakin?"

Napapikit ako nang maamoy ang hininga nito. Napakabango lang! Menthol men!

"Ah kasi----- diba, dapat wala ka nang alam sa mga nangyayari sakin... Kasi sabi mo--- mag di-divorce na tayo?"

Kahit labag man sa loob ko na maalala ang mga iyon, ay nagawa ko parin. Para lang hindi niya malaman ang mga nangyayari sakin.

Imbis na lumayo ito sakin ay mas inilapit niya parin ang mukha niya sa mukha ko. Shit!

"Actually, nagbago na isip ko tungkol diyan sa annulment. Kaya sa ayaw at sa gusto mo asawa mo parin ako..."

Bumilis ang tibok nang puso ko. Nakakapak sheyt!

Ibig sabihin lang nun, nasa tabi ko lang siya lagi. Kasama ko siya lagi, makikita ko siya lagi at mayayakap ko siya lagi! Damn it! Kinikilig ako!

"Hin-di kana galit sakin?"

Umiling ito.

"Kinalimutan ko na yun. Pero sana naman, sa pagkakataong ito.... Kahit na hindi natin gusto magkasama ay sana naman magpaka loyal at sweet ka naman sakin. Kasi ako ang pinapagalitan ni ninong eh."

Nakanguso nitong sabi. Kung may ihahaba pa ang nguso niya. Mag ki-kiss na kami! Pero takte, ang tipid niya ngumuso! Hmp.

"Bakit ka pinapagalitan ni ninong?"

"Malamang. May tao yun na palihim lang nakatingin satin para obserbahan ang kilos natin. Palagi pa naman tayong nag aaway nung mga nakaraang araw. Kaya yun, nagsumbong. Kaya sinermonan nanaman ako."

"Bakit ako hindi? Hindi nga niya ako tinatawagan eh."

"Aba! Malay ko roon. Kaya magpaka sweet at loyal ka na sakin. Para hindi na ako napapagalitan."

"Opo..."

Tumango pa ako. Umayos ito at naupo sa mesa. Samantalang ako nakasandal sa board at nakapikit.

Feeling ko, mawawalan na ako nang oxygen. Sa sobrang lapit niya kanina, parang mamatay na ako! Wooh!

"At yung kabit mo, iwan mo narin."

Agad akong napabaling sa kanya.

"Wala nga akong kabit!"

"Wag nang mag deny. Nakita ko na eh."

"Hindi ko kabit si Lance!"

Umirap lang ito na parang babae. Para talagang bata! Ugh.

"Oo nalang."

Pinagpagan na nito ang pantalon niya at lumapit sakin. Umakbay ito sakin at lumabas na kami sa kwartong iyon.

"Saan tayo pupunta?"

"Sa AVR, audition kaya natin."

Paglabas namin sa building ay marami na agad ang napapatingin samin.

"Anong kakantahin?"

"Bahay kubo."

Hinampas ko ito pero natawa lang siya.

"Yung seryoso kasi!"

Mag a-audition tapos ang kakantahin, bahay kubo? Ano to, gaguhan? Tsk.

"Wala akong alam eh. Ikaw? May naiisip ka ba?"

"Kung....."

Tumingkayad ako at lumapit sa tenga niya para ibulong ang kakantahin namin. Napatango naman ito.

"Alam mo yung kanta?"

Tanong ko sa kanya. Tumango naman ito at ngumiti.

Wag kang ganyan, Gerald! Mas lalo akong nai-inlove sayo eh.


*--------------------------

Guys! Hindi ko na ina-narrate ang nangyari sa audition. Ifo-focus ko nalang siya sa pinakacontest and then sa magiging epilogue nito.

Kaya bahala na si Keith or Gerald ang magsabi sa inyo. Kung anong kanta ba iyon.

Happy reading guys! Mwaaah :*

Vote and Comment Guys!

Even if I die, It's You (COMPLETED)Where stories live. Discover now