Sa mini park nang hospital nalang kami tumambay. Ito lang kasi ang alam niya na refreshing na lugar na malapit lang naman dito.

"So, kamusta ka na?"

Bigla nitong tanong. Napatingala ako sa langit at napapikit nang maramdaman ang hangin na yumayakap sakin. Refreshing....

"Ayos lang naman."

"Ah. Eh si Gerald? Ayos na ba siya?"

Nagmulat ako nang mata at tinignan ito.

"Ayos na siya. Pero paano mo nalaman na nabugbog siya?"

Nang sabihin nila Janine kanina na nalaman nila kay Lance ang nangyari kay Gerald ay nagtaka na ako. Kasi hindi ko naman siya nakita nang mangyari iyon. Nakakapagtaka lang.

"Oh, that? Nang pinahabol ko sayo si Gerald ay uuwi na talaga sana ako. Pero napabalik din ako kasi nakalimutan ko yung gamot na pinapainom sakin nang doctor ko. And then, saktong nakita kita na nakasunod sa stretcher at nakita ko si Gerald na walang malay at puno nang galos."

Napatango nalang ako. At dinamdam ang hangin. Ang sarap talaga sa feeling...

"Keith?"

"Hmm?"

"Matagal ko nang gustong sabihin sayo ang paliwanag ko kung bakit si Michelle ang pinili ko kaysa sayo. Can you let me explain now?"

Agad akong natigilan sa sinabi nito.

"Para saan pa? Eh naka move on naman na ako sayo eh."

Napangiti ito nang pilit. At napahingang malalim.

"I know. And don't worry, hindi ako umaasa na bumalik ka pa sakin. Because i know that.... you love someone."

Seryoso ito. Kaya hindi ko magawang makaimik.

"Hmm, s-ige! Say it. And i will listen."

Napabuntong hininga muna ito bago magsalita. Samantalang ako, nakaramdam nang kaba na hindi ko naman maipaliwanag.

Bakit ba ako kinakabahan?

"Naalala mo bang against si mom sa relationship natin? Dahil ang gusto niya para sakin ay si Michelle."

"I know... Continue.."

Ganun talaga ang mommy niya sakin. Kapag kaming dalawa lang ay puno panglalait at puro masasamang salita lang ang mga sinasabi niya sakin. Pero kapag kasama ko si Lance ay puro papuri. Napaka plastikada lang. Tsk.

"Mahal na mahal kita kaya naisip ko na... Wag na kaya kitang pakawalan? Gawin ko nalang kaya ay pakasalan ka? Actually, mangyayari iyon nang anniversary natin. Pero hindi ko nagawa kasi nalaman ni mommy ang plano ko, kaya yun. Tinakot niya ako na papatayin niya raw ang buong pamilya mo kapag ginawa ko iyon."

"Sh-e told that?"

Napakawalang hiya talaga nang nanay niya! Napakahayop!

"Yes. Pero kahit sinabi niya iyon sakin ay hindi ako nagpapigil na gawin ang plano ko. Papunta na sana ako sa park na lagi nating pinagtatambayan nang maramdaman kong may sumusunod sakin. And i know na mga tauhan iyon ni mommy kaya naalarma ako. And then, nakatanggap ako nang text kay mommy na... once na ituloy ko ang balak ko ay totohanin nito ang sinabi niya. Narinig ko pa ang pagkasa nito nang baril na kinabahala ko. Kaya imbis na tumuloy ako sa tagpuan natin ay bumalik ako sa bahay para sabihin kay mommy na hindi ko na itutuloy ang plano ko, wag lang niyang pakialaman ang pamilya mo."

Napakuyom ako nang kamao nang marinig iyon. Mas lalo lang akong nagagalit sa nanay niya. Kung dati kay Lance ako nagagalit.... Ngayon, sa nanay niyang walang modo! Damn it!

I will send her to hell!

"And then?"

Damn her!

"Hindi siya naniwala sa sinabi ko sa kanya, kaya sinabi niya sakin na ligawan ko si Michelle at kung sakaling lumabas kami nang magkasama ay yung makikita mo. Wala akong nagawa para ipagtanggol ang relasyon natin, dahil buhay nang pamilya mo ang nakataya. I chose your family than my happiness.... Im sorry."

Hinawakan ko ang kamay nito at iniharap sa akin. Nakita ko pa na tumulo ang luha nito. I wiped it.

"Sssh, no need to say sorry. Wala kang kasalanan. Naipit ka lang kaya mo nagawa iyon. Sa totoo lang nang malaman ko yan ay sobra na sa galit ang nararamdaman ko diyan sa mommy mo. She's devil. Buti nalang at hindi ka nagmana sa mommy mo."

He chuckled.

"Pero sorry pa rin kasi hindi ka masasaktan kung hindi dahil sakin."

Hinawakan ko ang dalawang pisngi nito at tinitigan ang mata nito.

"Lance, ang mahalaga ngayon ay wala na ang sakit na binigay mo sakin. I moved on. Kaya salamat talaga. Kung hindi mo siguro ginawa yun, were still together but sigurado ako na nagluluksa parin ako hanggang ngayon kung sakaling tinotoo nang mommy mo ang death threat niya. Kaya thank you talaga..."

Hindi ko mapigilang yakapin ito.

Hindi ko alam na mas masakit pa pala ang naramdaman niya sakin. Hindi ko alam...

Nagawa ko pang husgahan siya na manloloko o paasa na hindi naman niya talaga deserve.

"You are always welcome, Keith.."

Niyakap din ako nito pabalik.

Wala na yung awkwardness kapag kausap mo siya. Parang na komportable nalang ako bigla?

"So, your friend is your EX boyfriend, ha? At advice lang, higpitan niyo pa kaya ang pagkakayakap niyo nang maramdaman ninyo na miss na miss niyo talaga ang isa't isa."

Agad akong napahiwalay sa pagkakayakap kay Lance at napatingin sa harap.

Seryosong nakatingin lang ito samin at walang emosyon na makikita. Nakaramdam agad ako nang takot.

Damn it!

*---------------------

Sino ang nakapanood nang SINGULARITY nang asawa ko? Hehehe

He so fucking hot and sexy when he dance! Shit!

Vote and Comment Guys!

Even if I die, It's You (COMPLETED)Where stories live. Discover now