Kaya nga nagtaka ako sa sinabi ni Lance kanina eh. Na nagselos daw si Gerald sa kanya. Doon palang magtataka kana... Kasi simula palang sinabi niya na sakin na kahit kailan hindi niya ako magugustuhan. Dahil nga masakit sa ego niya.

Iniisip ko palang na aamin ako sa kanya ay nasasaktan na ako.. Hindi ko na kasi kayang mag take risk when it comes to Love.

Sawa na ako mag sacrifice nang feelings. At sawa narin akong mababaliwala sa huli.

Napapunas ako nang luha nang maisip ko ang bagay na iyon...

*Vibrate*

Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung sino ang nag text.

From: Rence

Baby, nasaan kana?

Magta-type palang ako nang ire-reply ko ay nag vibrate ulit.

*Vibrate*

From: Rence

Wag ka nang bumalik rito sa hospital. Magpahinga kana lang. Alam kong pagod ka sa school. Don't worry, kumain na ako. Kaya magpahinga kana lang. And thank you dahil dinamayan mo ako kanina. Im lucky to have you. Take care, baby..

Nag reply nalang ako nang 'sorry' at binulsa na iyon. Dahil sa kakahanap ko kay Gerald nakalimutan kong bilhan si Rence nang pagkain niya. Hayss..

Napahikab ako nang makaramdam ako nang antok. Pinasadahan ko nang tingin ang mukha nito at napangiti nalang nang mapait.

"Sana dumating din ang araw na magustuhan mo rin ako... Tulad na lang nang pagkagusto ko sayo."

Hinalikan ko ang pisngi nito at natulog na habang hawak ang kamay niya.


Yurika POV:

"Sigurado kana ba talaga sa desisyon mo, bessy?"

Tumango ako sa kanya. Pinasadahan ko nang tingin silang lahat at lahat sila mga nakangiti sakin.

"Sigurado na ako, bessy. Titigilan ko na itong galit at pride na ito. At para rin sa mga anak namin. Ayokong mawalan sila nang ama. Kaya gagawin ko na ito."

"Baka naman napipilitan ka lang? O kaya naawa sa kanya?"

Tanong ni Dwayne sakin. Umiling ako sa kanya at tumingin sa bahay namin ni Jae. Nakabukas pa ang ilaw sa taas. Kung saan ang kwarto nang quadruplets namin.

"No. I just realized na tama na ang effort na pinapakita niya sakin. Sapat na iyon para patawarin siya. And i love him. Kaya tara na.. nang matapos na itong kaartehan na ito."

Nakangiti kong sabi at nauna nang pumasok sa loob. Tumingin ako sa likuran at mga nakasunod rin sila sakin. I let out a sighed.

Ewan ko ba, nakaramdam ako nang kaba sa gagawin ko.

Pagkapasok ko sa loob ay napapikit ako.

Namiss ko itong bahay namin!

Tumingin ako sa kwarto namin at dali daling umakyat para makita siya. Pagkabukas ko nang pinto ay na estatwa ako sa nakita ko.

"W-ife? What are you doing here?"

Nagtatakang tanong nito.

"Yurika?"

Gulat na tanong ni Janine sakin. Nakatakip sa kalahati niyang katawan yung kumot. Samantalang si Xyron naman ay walang pang itaas at nagsisinturon ito nang pants niya.

Yung itsura niya ngayon ay iba sa nakikita ko sa tuwing pumupunta siya sa hospital para bisitahin ako. Napakalinis niya na. Wala na siyang balbas o bigote. At ang buhok niya na humahaba na dati ay maayos na. Nagpagupit na siguro ito.

"Ikay! Nakausap----- What the hell?!"

Bulalas ni Jaycee nang makita nito ang dalawa. Napakagat ako sa labi at dali daling tumakbo palabas.

Sa kakamadali kong lumabas ay may nakabangga pa ako. Si Justin.

"Laine? Anong ginagawa mo dito?"

Umiling lang ako sa kanya at napangiti nang pilit.

"Wife!"

Rinig kong tawag nito sakin. Walang sabi sabi na tumakbo ako palabas nang bahay.

Kanina gustong gusto kong makita siya at para makipagbati na sa kanya. Tipong ayusin ang lahat. Pero wala.. Hindi nangyari ang gusto kong mangyari.

Kailan pa ba nila ginagawa ang bagay na iyon? At kay Janine pa talaga? Sa ex niya pa? What the hell?!

Huminto ako at inis na pinapahid ang luha ko. Masakit na makita ang asawa mo sa ganung scenario.

Nahuli ba kami nang dating? Kakatapos lang ba nila gawin ang bagay na iyon? Kung maaga ba kaming nakapunta roon ay makikita namin yun nang aktwal?! Tangina!

Napasandal ako sa puno at ipinatong ko ang mukha ko sa tuhod. At iniyak ko nang iniyak ang sakit na nararamdaman ko.

"Wife..."

I stiff when i heard his voice. Umayos ako nang upo at pinunasan ko ang luha ko nang parang bata.

Umupo ito sa harapan ko pero nanatili lang akong nakayuko.

Ayaw kong makita ang mukha niya .. Nakakasuklam lang.

"U-malis kana. Hindi kita kailangan."

Malamig kong sambit rito. At tumayo na. Nakakailan palang ako nang hakbang nang mapahinto ako nang yakapin ako nito sa likuran.

"Wife.. Kung ano man ang iniisip mo tungkol doon sa nakita mo kanina. Please let me explain."

"B-itawan mo ako.. Bitaw!"

Sunod sunod na nagsitulo ang luha ko. Nagpumiglas ako sa pagkakayakap nito pero hindi niya parin ako binibitawan. Mas lalo niya lang hinihigpitan ang yakap niya sakin.

"Kanina... Kung iniisip mo na may nangyari samin ni Janine. You are wrong. We didn't------"

"Bitaw sabi! Ayokong marinig ang explanation mo!"

Inipon ko ang buong lakas ko para matanggal ang pagkakayakap nito sakin perk hindi ko kaya...

Nanghihina ako sa yakap niya.. Nawawalan ako nang lakas..

"Si Janine... Kaya siya nakatakip sa kumot na iyon dahil tinataguan niya si Justin. At nakatube lang kasi siya kaya akala mo wala siyang damit. At ako------"

"Tama na please... Ay-oko na."

Masakit na. Sobrang sakit.

Naramdaman kong lumuluwag na ang pagkakayakap niya sakin. Pinunasan ko ang luha ko bago humarap sa kanya.

*----------------------

Author's Note:

May part two pa kanila Yurika.

Kaya para sa inyo...

May pag asa pa bang maibalik ang dati nilang pagsasama? O Lilimutin nalang ang mga bagay na parehas naman nilang pinagsaluhan?

Eh paano naman kaya kanila Gerald and Keith?

Aasa nalang ba si Keith na magkakagusto rin sa kanya si Gerald? O may PAG ASA talagang magustuhan rin siya nito?

Abangan!

Even if I die, It's You (COMPLETED)Where stories live. Discover now