Nahihiyang napababa ang mga mata ko. Tinatanggap ko ang ganitong pakikitungo niya lalo na sa mga nangyari.

"Ma'am Margaret. G-Gusto ko lang pong malaman kung anong kalagayan ni Mei. Sobrang nag-aalala lang po ako--" Sukat sa sinabi, matatalas na tingin ang ibinigay ni Mrs. Isagani sa'kin. Napalunok naman ako at pilit pinatatagan ang aking sarili.

"May gana ka pang pumunta dito at tanungin kung anong naging kalagayan ng anak ko?" Tumayo ito at hinarap niya ako. "Hindi ko alam kung ano ang nakita ng anak ko sayo--" anitong pilit pinapakalma ang sarili.

Ramdam ko ang panunumbat sa bawat salitang binitawan nito. Nanginginig ang mga tuhod na pinilit kong wag magpakita ng kahinaan sa mga oras na yon.

"H-Hindi ko po sinasadya--" isang malakas na pagsampal ang natanggap ko mula sa kanya.

"Dahil sa kapabayaan mo dyan sa kapatid mo kaya nangyari to sa anak ko!" Mariin nitong sabi.        

Hindi ko rin mapigilan ang wag mapaiyak. Lamang ang paninikip sa dibdib ko at parang nilamukos at hinihiwa ng kutsilyo ang puso ko kesa ang makatanggap ng pagsampal mula dito. Naglikha iyon ng init sa kabilang pisngi ko.

"Nang dahil sayo napahamak ang anak ko!" Galit pa rin ang maririnig sa mga salitang binigkas nito. "Lumayas ka sa harapan ko kung ayaw mong ipakaladkad kita palabas ng kwartong to!" Naging hysterical nitong sabi.

Nababahalang tiningnan naman ako ni Manang Ising. Panay ang pagsamo niyang sundin ko ang inutos ng amo nito.

"Ma'am Margaret... patawarin nyo po ako. H-Hindi ko po ginusto ang malagay sa kapahamakan ang anak nyo." Alam kong kasalan ko lahat ng to. Naging pabaya akong kapatid.

Nanlilisik sa galit ang mga mata niyang sinalubong ko ang mga yon. I could see how she despised me. 

Galit.

Pagkamuhi.

Nakailang ulit ito sa pagbuntong-hininga bago muli niya akong hinarap.

At sa isang iglap lang ay agad naglaho ang emosyon sa mga mata nito. Napalitan iyon ng blankong ekspresyon. Matamang tiningnan ako ni Mrs. Isagani sa mga mata.

"Kung gusto mo talagang makuha ang kapatawaran ko dahil sa ginawa mong to."
Naging mahinahon na rin ang boses nitong sinabi. "Lumayo ka sa mga anak ko. Lalong-lalo na kay Jhea." Ika ni Ma'am Margaret bago niya ako iniwan at lumabas ng silid na iyon.

Nanlaki ang mga matang natigilan ako sa huling sinabi nito.

***

Walang patutunguhan ang mga paang naglalakad. Kung titingnan para na kong baliw dahil kanina pa lumilipad ang aking utak at tila wala sa sarili. Pabalik-balik at walang katapusang naririnig ko pa rin ang mga sinabi ni Mrs. Isagani kanina lamang.

May pait sa'king labi at nagawa ko pa ring pagtawanan ang aking sarili. Lagi nalang...

Ipinanganak nga talaga akong malas sa mundong ito. Walang duda, baka ako ang dahilan kung bakit naghihirap kami ng ganito. Lahat nalang ng mga taong mahalaga sa buhay ko napapahamak ng dahil kapabayaan ko.

                    

Sumalubong sa'kin ang nakakasilaw na liwanag at nakakabinging busina ng isang sasakyan. Sumagitsit ang mga gulong nito sa aspalto.

Loving Mayor Isagani's Daughter (Girl×Girl)Where stories live. Discover now