Diyos ko! Nasaan kana ba, Aaron? Mangiyak-ngiyak kong naitanong sa sarili.

Wala akong ideya kung nasaan na ito. Lalo na't hindi pamilyar sa kapatid ko ang lugar na to. Minsan lang kasi nakakalabas ng bahay ang kapatid kong yon pwera lang sa skwelahan nito at kung minsan ay dinadala ni Inay sa pagtitinda ng mga gulay sa palengke. Sigurado akong nagugutom na yon. Baka naliligo na sa pawis ang batang yon. Aaron! Mas lalo akong nangamba.

"Ale, magtatanong lang po. May nakita ho ba kayong bata ganito po siya kaliit, kulay blue ang tshirt at may maitim at medyo singkit ang mga mata."  Naitanong ko sa isang ale na nagtitinda ng palamig at ilang street food.

"Wala kabang picture, Neng?"

Napailing ako. Nakalimutan kong dalhin kahit ang cellphone ko man lang.

"Pasensya kana, ineng. Di kita matutulungan." Sabay balik sa ginagawa nito ang atensyon.

Nanlulumong napapahid ako ng mga luha. Hindi ko rin maiwasang wag sisihin ang aking sarili. Siguro kung di ko lang isinama ito. Hindi sana mangyayari ito.  

Pasado alas-kwatro na at unti-unti na ring lumulubog ang araw. Pagod ang katawan at matinding gutom na rin ang aking nadarama. Gayunpama'y wala akong balak na tumigil. Dahil mas nananaig ang kagustuhan kong mahanap ang kapatid ko.   

Bumalik ako sa munisipyo, hindi ko alam kung bakit pero dito ako dinala ng mga paa ko pabalik sa lugar kung saan nawala ang kapatid ko.

Sinalubong ako ni Kuya Tomas. Isa siya sa mga watchman dito. Pinaka-close ko ito at para na rin siyang nakakatandang kapatid ko. Anak siya ni Manang Berta sa unang asawa at magkapatid sa ina ito at si Kino. "Kanina kapa pinapahanap ni Miss Ry sa'kin."

"B-Bakit ho daw?" Biglang kinabahan ako.

"Nahanap na raw ang kapatid mo." Ika nito. Parang nabunutan ng tinik ang puso ko at sa sobrang tuwa ko ay napayakap ako sa kanya.

"Sige na, Cale. Magpahinga kana." Batid sa kanya ang pag-aalala. Agad kong pinunasan ang mga luha at tumango. Nagpaalam ako dito.

Naalala ko yong nangyari kay Mei. Kaya walang pag-aalinlangan na pumunta muna akong Guinadao Hospital. Kailangan kong malaman kung ano na ang kalagayan ng kapatid nito. Madali ko rin nalaman kung aling silid mahahanap si Mei. Ayon sa nurse na napagtanungan ko. Ligtas na raw ang bata at kasalukuyang nagpapahinga.

Natagpuan ko ang aking sarili na nakatayo sa isa sa mga pribadong silid. Kumatok muna ako bago ko binuksan ang pinto.

Si Mrs. Margaret ang nakita kong nakaupo sa sofa. Kasama nito si Manang Ising, isa sa pinagkakatiwalaan na katulong ng mga Isagani.

"M-Magandang hapon po."

Kahit ganoon na lamang ang kaba sa puso ko nang makita ang panunumbat at galit sa mga mata niya. Ayoko namang maging bastos sa mga ito. Tumango ngunit may pagkabahala sa mga mata ni Manang Ising.

"How dare you? Ang kapal pala talaga ng mukha mo at nagawa mo pang magpakita dito?" Ramdam na ramdam ko ang malamig niyang pakikitungo sa'kin. Noon pa man, ramdam ko na ang pagkadisgusto niya sa'kin bilang isa sa mga kaibigan ng anak nito. Hindi man niya direktahang sinabi sa'kin noon. Ngunit, kitang-kita ko naman ang mga yon sa mga mata nito.

Loving Mayor Isagani's Daughter (Girl×Girl)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant