Ever After 72 - Loosing Chance

3.4K 66 6
                                    

Ever After 72

Gawa na yung bridge. Tanaw ko na nga si Fia at Kitsuki sa kabilang side. Nakabalik na pala yung magaling nyang asawa. Humanda talaga sya sakin pagtawid namin. Oh right. Andun din pala si Shen sa tabi ni Fia with all smiles. Ano namang kinasaya nya sa sitwasyon? Ah oo nga pala. She's the worst matchmaker ever.

Tiningnan ko yung pinto ng villa kasi wala pa ang makupad na prinsesa. Maliit na backpack lang naman ang dala nun nagtatagal pa? Tsk. Sa sobrang inip ko, pumasok na muna ko sa villa at nakita ko naman syang may hinahanap sa bag.

"Mukha bang runway ang bridge para magayos ka pa ng ganyan? Tsk"

"Pakelam mo ba?"

"At yang shorts mo. May tinatago pa ba yan sa sobrang ikli?? Magpalit ka nga!"

"This is fashion! Wala ka naman kasing alam sa fashion!"

"Sinasabi mo bang out of fashion ako manamit??"

"Kaw ang nagsabi nyan" sagot nya habang naglalagay ng red lipstick. Yun lang pala pinagtatagal dito sa loob tss.

"You look like a btch with that red lipstick" napataas naman ang kilay nya saka padabog na kumuha ng tissue at pinahid sa labi. Ayan much better.

"Lahat na lang napapansin mo! Bwisit!"

"Kasi nga may mata ko tsk" tiningnan ko kasi sya from head to toe.

"O ano na naman kapuna puna sa paningin mo?!"

"Mag jeans ka"

"Ano?! Ayoko!"

"Isa! Umakyat ka na at magpalit!"

"Ayoko sabi eh!"

"Ayaw mo talaga?"

"Ayoko nga!!"

"Fine" tumayo ako at nagtungo sa pinto ng villa.

"Hay buti naman" narinig ko pang sagot nya habang sinusukbit sa balikat ang strap ng backpack. Derederecho akong lumabas saka nilock ang pinto leaving her inside. Sumilip ako sa bintana.

"Hanggat di ka nagpapalit, maiiwan ka sa villang to mag-isa"

"Jared ano ba!!! Open this door!"

"Take it or leave it" saka ako sumandal sa nakasarang pinto kahit pa halos maalog ang utak ko kakasipa nya mula sa loob. Tsk. Ten minutes later saka ko lang sya narinig na kalampagin nya ulit ang pinto. Magpapalit lang ng jeans inabot pa ng ten minutes? Saksakan talaga ng kupad. Sinilip ko muna sya sa bintana just to make sure.

"Satisfied?!" lukot ang mukha habang nakapamewang nyang sabi pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto.

"Pwede na" saka ako bumaba ng three-step stairs. Nakasunod naman na sya agad na di parin maipinta ang itsura. Tumawid na kami ng bridge. Pagkatawid namin, niyakap agad ako ni Fia tapos kinutusan ko talaga si Kitsuki.

"Brad naman! Gandang bati naman nun!"

"Buti nga di kita sinuntok eh. Yun talaga ang plano ko"

"You're too harsh to my hubby, Red! Does it hurt hubby?"

"Aish. Tigilan nyo nga akong mag-asawa"

Napatingin naman ako sa kanan ko kasi nakakaumay tong mga nasa harap ko at nakita kong nagyakap din yung mag bestfriend.

"Si Lan, babe?"

"Ha? Ah eh...may recording kasi babe kaya hindi ka nya masusundo. Ako naman ang magddrive sayo pauwi"

"Ganun ba"

"Okay lang yun. Madami pa namang araw. Busy lang sila talaga babe"

Pilit syang ngumiti kay Shen pero halata namang disappointed sya. Inakbayan sya ni Shen to cheer her up.

Now Taming: Casanova - Book 2 (FIN)Where stories live. Discover now