Ever After 35 - Red's Doubts

5K 82 30
                                    

Dedicated to labyrinth09. Thank you for supporting at nagustuhan mo ang kwentong to. Because of that kahit silent reader ka, naipaabot mo sakin kahit isang beses na naabot kita :) Continue inspiring!

Tamers, eto na! Matagal nyo na tong inaabangan kaya sana malaman ko ang comments nyo and what do you think.  Vote at the end of the chapter kasi mahaba to promise. I like the conversation of Shen and Third. Sino excited sa mga revalations? :)

Ever After 36

"Red?"

"Huh? Ah yeah ano nga yun?"

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo. Something wrong?"

Nung Monday ko pa napaniginipan ang wedding na yun pero Thursday na ngayon at hindi parin sya mawala sa isip ko. Three days na yun but it keeps running into my mind.

"Wala naman, Shen. Okay lang ako haha" ilang segundo pa kong tinitigan ni Shen na parang di naniniwala kaya binaling ko na lang sa iba ang paningin ko. How can I possibly tell her kung anong gumugulo sakin kung close friends sila ni Lantis?

"O sige. Hindi na ko magtatagal. Dumaan lang talaga ko dito para icheck ang site"

"Alright. Take care, Shen"

"You too" nakangiti nyang sagot bago sumakay sa kotse nya. Napabuntong hininga na lang ako ng makaalis sya. Naging busy na din ako sa construction ng Rocketeer the rest of the day kaya kahit papano, nawala sa isip ko ang tungkol sa bad dream na yun.

--------

Shen's

Pagdating ko sa office ko galing sa site ng Rocketeer, hindi ko inaasahan ang naghihintay sakin.

"Third?" hindi nya ata ako napansin ng dumaan ako sa harap nya dahil sa binabasang magazine. Siguro kanina pa sya dito. Nasan na naman ba ang magaling kong secretary at iniwan sa waiting area si Third?

"Shen. Buti dumating ka na" tumayo sya saka nilapag sa glass table yung hawak nya kaninang magazine.

"Where's Joanna?"

"Ah your secretary ba? Nagexcuse na magrestroom. Sabi ko naman okay lang ako maghintay dito"

"Dito tayo sa office ko" I said saka naunang pumasok. Sumunod naman sya agad then sinara ko ang pinto. "Do you want coffee or anything?"

"No thanks. Okay lang ako"

"Okay. Have a seat" I motioned for him to sit on one of the couch saka ako komportableng naupo sa kaharap nyang upuan. "So what brought you here? Hindi ko yata natatandaan na naging close tayo eversince para bisitahin mo ko"

"It's about Starr" walang paligoy ligoy nyang tanong saka seryosong nakatingin sakin that made me creased my forehead. I was kinda expecting Brea pa siguro para pag-usapan namin si Starr pero Third? Wala akong maisip na dahilan para pag-usapan namin sya.

Now Taming: Casanova - Book 2 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon