Ever After 71 - Falling

3.6K 81 13
                                    

Ever After 71

Nakabalik na kami sa villa this morning after camping with this troublemaker at syempre ang mahal na prinsesa, nakatunganga na naman sa harap ko habang naghihintay ng aalmusalin. Sige nga sabihin nya sakin kung anong mabuti sa pagkakastranded sa villang to?

"Matagal pa ba yan?"

"Try mo ikaw dito para mas masaya"

"Tatawa na ba ko? Wala na kong energy tumawa kasi gutom na talaga ko kaya mamaya na lang ha?" binato ko nga sya ng garlic cloves sa ulo. "Yuck ka naman, Jared!"

"Maka yuck ka naman samantalang may balat naman yang binato ko sayo"

"Meron ba? Kala ko yang nilalagay mo sa sinangag eh haha" tumayo sya sa high stool saka pinulot yung garlic cloves na binato ko. Akala ko isosoli nya ng maayos pero binato nya din sa mukha ko. Sa mukha ko talaga?!

"Argh! Wag kang kakain!"

"Eeehh! Joke lang yun! Gutom na ko eh. Penge ha? Pretty please??"

"Ang pangit mo kaya tigilan mo na yang itsurang ganyan" mag puppy eyes daw ba sa harap ko sabay pout. Seryoso? Tss.

Nilagay ko sa dining table yung niluto ko at talagang isang plato lang ang nilagay ko. Di ko talaga sya pakakainin. Susubo na sana ko pero di ko talaga napigilang matawa kasi may hawak syang plato habang hawak yung kutsara na pinaglalaruan nya sa bibig nya habang nakatingin sa pagkain sa mesa. Mukha syang batang hindi pinapalamon hahaha.

"Ang sama mo talaga. Di ka ba naaawa sa magandang babaeng nagugutom?" with matching pouty lips pa. Tsk paawa effect.

"Fine dig in. Pero di ka maganda" saka ko pinagpatuloy ang naudlot na pagsubo. Tuwang tuwa naman syang naupo sa harap ko kahit pa sinabihan ko syang di maganda. Mas ecstatic sya kasi makakakain na sya.

"Maraming salamat po sa pagkain!!!" parang bata nyang sabi bago sya sumubo. Aish. Weirdest woman ever. Mas isip bata pa sya kesa kay Jade eh.

Naalala ko tuloy bigla yung tungkol sa sinabi nya kagabi kaya napahinto ako sa pagsubo. Mas magiging masaya sya kung pakakasalan ko si Jade? Talagang kasal agad? Di ba pwedeng mahalin ko muna?

"Ui Jared? Why are you idling? Ayaw mo na ba? Akin na lang kung--"

"Monster ka talaga! Tsk"

"Psh kaya nga nagtatanong eh. Balik autistic ka na naman ah. Patingin ka na baka malala na yan"

"Stop eating!" sabay lapit sakin nung plato ng sinangag.

"Ano ba! Binibiro lang eh. Pikon mo talaga" hinablot nya ulit yung plato saka kumuha ng panibagong serving. Buti na lang talaga di to tumataba pero mamumulubi naman ang magiging asawa nya sa ginagawa nya. Siguro dragon ang nasa tyan neto.

"Wash the dishes" sabi ko pagtayo ko sa dining table habang umiinom ng tubig.

"Ha?? Hindi pa ko nakakahawak ng maruming plato sa buong buhay ko!"

"Problema ko pa ba yun? Gawan mo ng paraan"

Umakyat na ko sa kwarto ko para maligo. Ang dugyot ko na. Kahapon ng umaga pa ko nakaligo eh. Ang hassle kasi nung babaeng yun. Pagkaligo ko, bumaba na ko sa living room para manood sana ng tv pero nasa stairs palang ako ng magring ang phone ko.

"Prettybabe"

(Balita?)

"Ikaw ang dapat kong tinatanong nyan. How's the bridge?"

(Bukas ng hapon okay na daw)

"That's good news. Mawawala na rin ang sakit ng ulo ko dito"

Now Taming: Casanova - Book 2 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon