Ever After 70 - Finding the Troublemaker

3.5K 70 25
                                    

Dedicated to unicornforyoureyes. Kahit di ka madalas magcomment, minsan natutuwa din ako sa dalang dala moments mo :)

Ever After 70

Shar's

Sa sobrang inis ko kay Jared, nagcamping talaga kong mag-isa. Hah! Sinong tinakot nya? Kagabi gustong gusto nyang magcamping tapos paggising ko nung hapon biglang ayaw na nya? Anong klaseng pag-iisip ang meron sya? Autistic yata talaga yung lalaking yun eh.

Hindi naman as in sobrang layo sa villa yung pinuntahan ko pero napagod din ako sa paglalakad papunta dito. Nasa may bukana na sya nung parang gubat I think pero dahil nga nature lover talaga ko, hindi naman ako natakot or ano. Ang peaceful nga eh. Walang Jared na masungit na mapang-asar at solo ko ang lugar. Malawak naman sya na parang open grass garden. Ang weird pero ganun ko talaga madedescribe. Tapos kitang kita ko pa yung langit. Ang ganda magstargazing kaya buti na lang din nagcamping ako. Kahit ako lang nuh.

Dahil mejo stingy pa yung sa burn ko sa kamay, di ko naman maassemble yung dala kong maliit na tent kaya naman nilatag ko na lang yung cloth sa damuhan tapos gumawa ng apoy para di ako masyadong lamigin. May lighter ako nuh. As if naman gagawa ako ng apoy gamit ang kahoy. 21st century na ano ba naman. Actually ninenok ko to kay Jared kasi naiwan nya sa dining room kagabi haha. Nakita ko yun nung bumaba ako nung midnight.

(grrooowwwll)

Napahawak ako sa tyan ko. Hay gutom na ko. Huling kain ko pala is nung breakfast pa. Dapat kasi paggising ko kakain muna ko bago umalis kaso sa sobrang inis ko kay Jared, umalis na ko bigla. Saka sya lang naman talaga dapat ang maghahanda ng kakainin dito sa camping na to kasi hindi naman ako marunong magluto. Ganun ata talaga pag careerwoman.

Nahiga na lang ako sa cloth saka pinagmasdan ang langit. Sana andito si Jade. For sure magugustuhan nya to. Nakakantok tuloy kasi puro tunog ng crickets lang ang naririnig ko sa paligid. Bat ganun? Pag dun sa villa, hindi talaga ko makatulog unless talagang antok na antok na ko samantalang dito, kakahiga ko pa lang inaantok na ko. Di kaya may sumpa yung villa na yun? Haha.

I was already about to close my eyes when I heard a faint scream. A scream who only calls my name. That name I want to forget for the rest of my life.

"STARR!"

Baka guni guni ko lang yun. Ayaw na ayaw nya kayang binabanggit yung pangalan ko. Kung hindi hey, she, her ang tawag nya sakin, isang tumataginting na troublemaker. Tsaka as if naman hahanapin nya ko. Wait. Baka naman naisip nyang gusto na nyang magcamping? Sabi na eh. Hindi rin nya matitiis na hindi magcamping kasi isip bata yun.

"STARR!!!" this time mas malakas na yung pagtawag kaya sure na ko na hindi nga guni guni yun. Tumayo na ko sa pagkakahiga. Sisigaw na sana ko para malaman nyang andito ko kaso sakto ayun na sya sa harap ko habang nakatingin sakin.

"Oi Jared. Gusto mo ng magcamping noh?"

Binigyan ko sya ng mapang-asar na ngiti. Unti unti syang naglakad palapit sakin not breaking that eye contact.

"Haha. Sabi na eh di mo rin matitiis na ako lang ang magcamping mag-isa kasi nga im--" napahinto na lang ako sa monologue ko kasi naman...

"--mature ka" halos bulong na lang yung pagtatapos ko sa sinasabi ko kasi nga...bigla na lang nya kong niyakap ng makalapit sya sakin.

"J-Jared..."

"You really are such a troublemaker alam mo yun?!" sabi nya ng hindi pa rin ako binibitawan. Basta lang akong nakatayo habang nakayakap sya sakin. My body really don't know how to respond.

"O-Oi, g-galit ka ba?" mas kinagulat ko na hinigpitan nya ang yakap sakin. Bakit ba? Ano bang nangyayari sa autistic na to? "Huy Jared...ano bang problema?" humiwalay sya sakin saka ako hinawakan sa magkabilang balikat.

Now Taming: Casanova - Book 2 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon