Ever After 56 - Red Umbrella

3.6K 71 11
                                    

Ever After 56

Nilapag ni Fia ang dalawang tasa ng tea sa table saka naupo sa kaharap kong upuan. Nandito kami sa garden ng bahay nya. Tinawagan nya ko dahil may importante daw syang sasabihin.

"What is it, prettybabe?"

"Starr is back"

Kung pwede lang mambatok ng buntis, kanina ko pa ginawa. As if namang hindi ko malalaman yun. I'm not stalking kung yun ang iniisip nyo. Lahat naman halos alam ang balitang yun. Her ambush interview by that same reporters na sumalubong din sakin sa airport that time are all over the news till now. Nakakapikon sa totoo lang making a big fuss about it. Daig pa namin ang mga artistang nasa love triangle sa isang pelikula kung gawan kami ng issue.

"I know. Nasa news diba?" I took a sip of tea na parang wala lang. Besides, nagpaunang sabi na rin si Shen sakin about that kaya mas lalong di na ko nagulat. The only thing that surprised me was that she answered those questions that seems a bit too much. As much as possible, ayoko ng madamay ang pangalan ko sa kanilang dalawa. I'm a certified Casanova alright. I admit it. Pero ni minsan hindi ako pumatol sa babaeng committed na. It's a no no.

"Starr's here to spend time with Lantis so she's currently on a three month vacation. Alam mo na, busy kasi ang Offbeat sa LD Media search kaya di pa makaalis dito. Actually dapat two weeks pa lang after mong makabalik dito, uuwi na rin si Starr but something came up on Five Corners kaya inabot pa sya ng two months to get here. Nadelay pa nga daw sya ng two weeks pa kasi tinapos nya pa ang huling designs ng FC"

"Since when did you become her spokesperson, Fia?"

"Come on, Red! I tried so hard to grab some news from Shen para sayo, tapos iinsultuhin mo lang pala ko"

"Wow kelan pa kayo naging close friends ni Shen? As far as I know hindi pa rin kayo nag-uusap then all of a sudden biglang friends na kayo? That's nice"

"Red ano ba! Will you stop? Hindi kami ang issue dito kundi kayo ni Starr!"

"Prettybabe, I'm not interested so why are you still telling me those things? Kung gusto nyang umuwi dito, its up to her. Hindi mo naman kailangang papuntahin ako sa bahay mo just to tell me that"

"Red! Si Starr ang pinag-uusapan dito! Don't act as if you don't care dahil alam kong hindi yun totoo" kung kanina, balewala lang sakin lahat ng sabihin nya, right now seryoso akong tinitigan sya.

"I really don't care at all, Fia. Really" pinakadiinan ko pa ang word na 'really' to point out na hindi na ko interesado pero pinakatitigan nya lang ako as if wanting to see the truth in my eyes.

"Hindi ka magaling magsinungaling, Red"

"Go ahead. Believe what you want to believe. Fine with me. But Fia, can you stop this nonsense? I know you're worried about me but I can no longer take this. Hindi ka si cupid at bata si cupid, hindi preggy. Kaya tigilan mo na to"

"Tinutulungan lang naman kita eh!" she even stompped her feet na parang bata.

"Then you're not helping!" I saw hurt in her eyes kaya naman hinawakan ko sya sa magkabilang balikat and look at her softly. Sensitive nga pala ang mga buntis so even if I'm pissed off, hindi ko sya dapat sigawan.

"I appreciate what you're doing pero wala ng maibabalik kahit gawin mo to. Do you understand? Walang outside party na makakatulong sa sitwasyon namin kundi kami lang. As much as you want to see an ever after between us, sad to say pero hindi na mangyayari yun. Bawal bang mag move on? Hindi ba pwede yun ha? We both decided to let go kaya enough of this, Fia. Naka move on na ko kaya sana ikaw din. Kayo din"

Now Taming: Casanova - Book 2 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon