Ever After 68 - Troublemaker

3.4K 68 9
                                    

Dedicated to yannie17. Not sure if you already reached this part but I still wanna thank you for supporting all the way here. Thanks babe :)

Ever After 68

Hindi ko naman on purpose syang iniiwasan kahit sinabi ko sa kanya na don't disturb me. Mas sya pa nga tong umiiwas sakin. During lunch kanina, hindi sya sumabay sakin at nagkulong lang sa kwarto nya somewhere the whole day. Actually di ko talaga alam kung san sa malaking villa na to ang kwarto nya kasi nga nauna akong umakyat. Oh well kahit naman alam ko ang kwarto nya, wala rin naman akong balak katukin sya para sabihing kumain sya. Lalabas din naman yan pag nagutom sya.

Kahit naman ata mastranded kami dito sa villa ng isang linggo, mabubuhay naman kami kasi kumpleto ang stocks sa cupboard at fridge. Malamang pinaasikaso na yun ni Fia beforehand kasi nga magsstay sana kami dito. Yun nga lang hindi pala sila makakarating. Bugbugin ko talaga yung Hapon na yun eh.

After kong magdinner, mind you nagluto pa ko ah, lumabas ako ng villa at naupo sa isa sa three-step stairs sa labas para magsmoke. Funny to think na yung taong hindi ko inexpect na makakasama ko dito ngayon, sya pa tong naiwan dito with me. Kinuha ko yung phone ko saka napatitig dun sa contact info ni Jade. Sabi nga nya diba one week? Ano ba Red konting pride naman jan. Babae ang naghahabol sayo. Pero kung si Jade ang kasama kong nastranded dito sa malayong villa na to, for sure by the time na maayos na yung bridge hindi ko na yun mapapansin kasi yun pa, malamang mageenjoy pa yun na iexplore ang lugar. Kaso ang kasama ko eh isang screaming monster. Literally. Napabuntong hininga na lang ako saka binalik ang phone sa bulsa ko.

I lit another cigarette ng maubos yung isa. Wala naman akong gagawin sa loob kaya mas mabuti pang magpalipas ng gabi dito sa labas.

"Waaaahh!!"

Nagulat ako sa sigaw sa loob ng bahay kaya naman pinitik ko agad ang hawak kong bagong sinding sigarilyo saka pumasok sa loob. Sino pa ba naman ang sisigaw dito kundi sya lang. Hindi ko sya nakita sa living room so I guess nasa kitchen sya. Naglakad ako patungo dun at nakita ko syang hawak yung kamay nya.

"What happened?" nakapamulsa kong tanong habang nakalean sa door frame ng kitchen and dining room.

"Ah ano..." looks like she's hesitating to tell me kaya naman umalis ako sa door frame at lumapit sa kanya. Hinila ko yung kamay nya para makita ko.

"Tsk. Ano ba kasing ginagawa mo?" yung kamay nya kasi ang pula which obviously got from burns. Pero wala namang nakahilerang ingredients sa kitchen top kaya alam kong wala syang balak magluto. San naman nya nakuha to?

"Eh ano kasi...iinitin ko sana yung nakita kong pagkain sa ref kaso wala naman palang microwave dito kaya..." tiningnan ko yung stove na may nakasalang na pan with the leftover food na niluto ko for dinner. Ayun nanikit na sa pan kaya hindi na mapapakinabangan.

"Mag-iinit ka lang ng pagkain, napaso ka pa. Mukha bang pot holder yang kamay mo? San mo ba nilalagay yang utak mo? Sa paa?" marahas nyang binawi yung kamay nya sa pagkakahawak ko. Hawak ko pa pala yun? Wala kase kong naramdaman kaya nakalimutan ko.

"Kung wala kang sasabihing maganda, manahimik ka na lang!" saka sya padabog na lumabas ng kitchen habang hawak pa rin yung napaso nyang kamay. Sinundan ko na lang sya ng tingin habang napapailing. Tinapon ko sa trashbin yung niluto kong sinunog nya lang saka binabaran sa sink yung pan. Grabe, sinayang nya lang yung pinaghirapan kong iluto. Di kaya nasa talampakan nya talaga yung utak nya? Aish.

Lumabas ako ng kitchen pero wala naman sya sa living room. Umakyat ako sa kwarto ko at dumerecho sa cr para kunin yung medicine cabinet. I'm not worried okay? Baka lang ikamatay nya yun, hindi ko alam kung san sya ililibing tsk. Lumabas ako ng kwarto ko pero napatampal na lang ako sa noo ko ng maalalang hindi ko nga pala alam kung san sa pesteng villa na to ang kwarto nya.

Now Taming: Casanova - Book 2 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon