Ever After 27 - Hindrances

5.2K 78 8
                                    

Dedicated to jay-el-ae-bee. Thank you for supporting NTC.

 

Hello Tamers! Alam kong marami ng confused sa storyang to at gustong gusto kong binabasa ang comments nyo. Be patient. Malapit na ang revelations ng mga twists sa NTC kaya sana keep on commenting para alam ko ang side nyo. Enjoy Tamers! ;)

 

Ever After 27

 

"Prettybabe!"

 

"Hey Red, napatawag ka?--Ah sige pakilagay na lang jan sa couch yung dress, Nina--ah sorry ano nga yun? Mejo busy kase ko up until next week. So? Hindi ka pa ba uuwi dito?"

 

"Ah mejo magsstay pa ko dito sa may Polaris. May inaasikaso lang"

 

"Ganun ba?" I heard on the background yung boses nung manager ni Fia sa boutique nya na si Nina asking for Fia. Napabuntong hininga na lang ako. "Something wrong, Red? Nag-away ba kayo ni Starr?"

 

"No no. We're doing great actually. Tumawag lang ako para sana itanong kung pwede ka bang umuwi dito sa Polaris kahit isang araw lang but looks like you're too busy these days"

 

"Inaantay lang kitang umuwi dito sana and I'm sorry that I'm not able to make it there. Isa pa kakagaling lang namin jan days ago diba? Ano bang meron? Why ask suddenly? Is it about Shen?" she sounded worried on the other line.

 

"Hmm no need to worry. Okay lang. Not about Shen but something else sana. I can handle it na siguro. Just need a hand sana but I can understand. Hindi lang naman to ten minutes away haha"

 

"Bawi na lang ako next time, Red. Hindi kasi kakayanin ni Nina mag-isa dito ngayon eh"

 

"I understand. Punta ko na lang ako sa bahay nyo pagbalik ko"

 

"Sure. Asahan ko yan. But for now, I really gotta go. See you soon, Red"

 

"Bye prettybabe" napabuntong hininga na lang ako pagkababa ng telepono.

 

Three days na ang nakakaraan at nakauwi na nga pala ang natitira kong bisita sa villa na sila Brea, Lucio at Third, maging si Mariko at boyfriend nyang si Harry. Ang naiwan na lang dito ay ang Offbeat and Shen. How am I going to prepare the best proposal? Plano ko sana, pagluwas ko na lang gagawin ang proposal kay Starr para present lahat ng malalapit sa kanya pero kahapon lang nung sabihin kong kailangan kong bumalik sa syudad dahil sa mga naiwan kong businesses, I asked Starr to come with me pero tumanggi sya. Hindi nya daw kasi maiiwan ang Sanctuary ng matagal and even the Polaris na ginawa ko para sa kanya. Hindi pa alam ng press na buhay pala ang may-ari ng Polaris kaya tumanggi din syang tumira dun kahit pa sinuggest ko na sa kanya na manatili dun.

 

Tinawagan ko na sila Uno at Zach kanina pero tulad ni Fia, hindi pa rin sila makakabalik dito. Uno is so busy right now with his hospital residency habang si Third naman ay nagsimula ng hawakan ang firm na pag-aari ng pamilya nila. Third is also a family man now kaya lalong malabong makapunta yun dito ng ganun ganun lang. Now I'm having problems to deal with dahil kailangan ko ng tulong sa preparations without Starr knowing it. I'm left with Offbeat and Shen. Till now, iniiwasan pa rin ako ni Shen kahit pa nasa iisang bahay lang kami nakatira. Si Starr naman, umuwi sa Sanctuary kaninang umaga para icheck ang mga bulaklak dun. She'll be staying there for three days kaya bago sana sya bumalik, magawa ko na ang plano. Hay pano na to?

Now Taming: Casanova - Book 2 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon