Ever After 21 - Glass House in the Woods

5.4K 97 18
                                    

Dedicated to MyAngelHeartbeats. Alam ko matagal ka na dapat nadedicate-an eh pero nakita kong hindi pa pala. Salamat sa suporta :)

Gustong gusto ko na talaga to matapos kaya habang hindi pa ko nabblock, continous ang updates sa mga stories ko. Pansin na pansin nyo naman siguro yun haha. Vote and comment at the end of the chapter ha? May gusto nga pala kong malaman kung meron bang kahit isa lang na makahula sa twist ng storyang to. Marami na kong hidden hints kaya sana lang kahit isa may isang tumama sa mga readers ko :) Malapit na malapit na kasi eh. Konting kembot na lang haha. Kapag walang nakaalam kahit isa baka gumawa na ko ng mystery novel hahahaha. Anyway eto na. Enjoy!

Ever After 21

Fia's

"Wifey, call me agad when you get to Paris ha? Ngayon pa lang namimiss na kita eh. Wag ka na kayang umalis?"

Pinatong ni Kit ang baba nya sa balikat ko habang naka back hug sakin. Parang ayoko na tuloy umalis haha. Ngayon kasi ang flight ko papuntang Paris para umattend ng fashion week ng isang napakasikat na Five Corners brand. Bago lang na clothing line yun pero napakasikat na sa fashion world kaya syempre bilang designer, hindi ko palalampasin ang panonood first time ng fashion show na yun. Two years na ang clothing line na yun pero ngayon lang sila nagorganize ng fashion week kaya excited talaga ko.

"Hubby naman. I need to see the show live. Wag mo naman ako itorture sa pag-alis ko"

"Sige na nga po. Teka kelan ba tayo ulit bibisita sa bestfriend mong Casanova? Baka magermitanyo na yun dun kakatayo sa Polaris haha"

"Pagbalik ko na lang next week hubby. Aba mukhang namimiss mo si Red ah haha"

"Ugh no way. That's so gay wifey! Halika na nga. Malalate ka na sa flight mo. Ilalagay ko lang tong bag sa kotse"

Tumango ako kay Kit saka kinuha ang cordless phone sa may living room. Sa sobrang busy ko sa boutiques ko, hindi ko na pala nakukumusta si Red and I somehow felt guilty na ang asawa ko pa ang nakaalala sa kanya. Matapos ang dalawang ring, may sumagot na rin sa kabilang linya.

"Hello?"

"Red! Kumusta na?!"

"Prettybabe? Oh napatawag ka?"

"Para namang hindi mo ko namiss samantalang ilang buwan na nung huli kaming pumunta jan. Kelan ba matatapos ang Polaris para makabalik ka na dito?"

"Next month pa ang launch, prettybabe. Pero pagkatapos naman, magsstay muna ko jan dahil sa school saka sa hotel. Sobrang busy talaga eh di ko na maasikaso at nagagalit na si Chairman haha. Ikaw? Kumusta ka na? Buti naalala mo pa ko haha"

"Ikaw talaga! Sorry ha? Inaasikaso ko kasi yung itatayong bagong branch ng boutique kaya hindi pa ko makadalaw jan. Isa pa, pupunta ko ng Paris ngayon. Actually papunta na kami ni Kit ng airport ngayon para ihatid ako. Sumaglit lang ako para tawagan ka"

Nakita kong pumasok na si Kit sa bahay galing sa garahe kaya sinenyasan kong maghintay sandali. Tumango lang sya bago umakyat muna sa kwarto namin.

Now Taming: Casanova - Book 2 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon