Ever After 37 - Revelations (Pretender's Side)

5.5K 115 39
                                    

Dedicated to AileenLinethMartinez. Ayan dedicated agad sayo kasi nakuha mo ang atensyon ko :) Revelations to kaya gusto ko na may taong mapag-alayan ng update na to. Continue inspiring! :)

 

Hello Tamers! Sobrang haba nito at di ko na hinati sa two parts. Sayang ang emotions eh haha. Mas maraming sagot ang matatanong ng dakilang pretender sa storyang to. Are you still gonna hate this pretender after this long update? :) Let me know ha? Starr's revelation is coming kaya vote and comment :) Enjoy!

 

Ever After 37

 

Wala akong pinagsabihan kahit sino about my doubts. Not even Shen na araw araw kong kasama sa construction site. Para bang normal lang na dumadaan ang mga araw na hindi ko pinahahalata na ang dami daming gumugulo sa isip ko. Hindi ako umuwi sa Polaris that weekend na nakaschedule akong umuwi, then the week after that. Two weeks na rin akong hindi mapalagay. Hindi rin ako nag-abalang sagutin ang mga tawag ni Starr. Hindi pa naman ako sigurado eh. Actually, I stayed here sa city kasi baka sakaling magkrus ulit ang landas namin ng babaeng yun kaso wala eh. Hindi ko na sya nakita pa. I need more time to think. Kaso pakiramdam ko, masisiraan na ko ng ulo kakaisip sa lahat ng to.

 

"Hindi mo ba sasagutin yang phone mo?" hindi ko pinansin ang sinabi ni Shen at pinagpatuloy lang ang pag-iinspect sa progress ng site. "Teka nga sandali, Red" sabay hawak sa braso ko at kunot noong tumingin sakin. "Nag-away ba kayo ni Starr?"

 

"Shen please, I need space"

 

"Hindi mo ko girlfriend para humingi ng space sakin" naparoll eyes naman sya bigla ng kunot noo ko syang tingnan. "Look. Ikakasal na kayo. Kung ano man yang petty arguments nyo, ayusin nyo na agad. Hindi ka na teenager para umiwas at umastang walang pakialam. Kelan ka pa naging duwag, Red?"

 

Gusto kong matawa sa sinasabi ni Shen pero nanatiling blanko ang mukha ko. Petty arguments? Buhay ko na ang pinag-uusapan dito. Hindi lang to isang simpleng misunderstandings tsk.

 

"I'll talk to you some other time. Siguro nga, hindi ako dapat maduwag. Hindi ako dapat umiwas sa kanya kaya ikaw na ang bahala sa site. Uuwi ako ng Polaris ngayon din"

 

"Ako na munang bahala dito. Sana lang pagbalik mo, magandang balita na ang isasalubong mo sakin. Alam mo naman na ayokong...nakikitang nasasaktan ka, Red"

 

Hindi ko alam ang isasagot ko kay Shen kaya naman isang maikling tango na lang ang nagawa ko saka sumakay sa kotse ko. Umuwi muna ko sa bahay para kunin ang La Ferrari. Mas mabilis akong makakarating dun kung sportscar ang gamit ko. On the way na ko sa Polaris at habang nagddrive, hindi ko maiwasang isipin na sana mali ang lahat ng kutob ko. Na sana sya parin si Starr. Pero isang bahagi ng isip ko ang nagsasabing sana hindi nga sya kasi gusto kong makita ulit ang babaeng yun para masiguro kong hindi nga nagkakamali ang puso.

 

-------------

 

Hininto ko ang La Ferrari dun mismo sa gate ng Polaris. Ilang minuto ko ring tinitigan ang mansion saka ako naglakad patungo sa karugtong na lake. Dahil nga hindi nya naman alam na darating ako ngayon, nagpasya akong dito na maghintay sa kanya. Tinext ko na lang sya na maghihintay ako sa lake ng Polaris. Sabi nya pupuntahan daw nya ko agad.

Now Taming: Casanova - Book 2 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon