Chapter 16

83 4 0
                                    

Chapter 16


Two days after staying at the hospital, in good condition na rin naman daw ako simula nang malinis nila ang sugat ko sa braso ko pero ang mga magulang ko naman ang nagdesisyon na magstay muna ako ng ilang araw for few tests. Hindi ko alam kung anong test 'yong mga ginawa sa akin, they even send a specialist para kausapin ako, hindi ko naman pinapansin iyong doctor kaya naman sumuko na lang din sila sa akin.

Hindi naman ako lumalabas ng kwarto ko, dinadalhan na lang ako ng maids—kung hindi man ang maids ay sila ate or mommy ang magdadala ng pagkain sa akin. They try to convince to eat something dahil kahit no'ng sa hospital, hindi ako kumakain. Wala akong gana, panay tubig lang din naman ako, tikim ng kahit kaunti pero agad naman akong mawawalan ng gana.

Gusto pa nilang ilayo sa akin ang gadgets ko, hindi naman ako pumayag na gawin iyon dahil iyon na nga lang ang libangan na nagagawa ko. Niyaya din nila akong sumama sa mga social activities pero ano nga bang gagawin ko doon? Just like before. It always gonna be the same.

Panay din naman ang text messages ni Harvin sa akin at mga co-workers ko. They were worried and wanted to see me pero ayoko naman silang makita. Mas gusto ko pang mag-isa, sometimes a person doesn't need anyone or a company to provide something that can complete her, sometimes people who wants to be around that person, eventually trying to break that person.

Mayamaya ay bigla namang pumasok si ate Loira, agad ko naman siyang iniwasan ng tingin. May hawak siyang tray saka niya nilapag iyon sa bedside table. Umupo naman si ate sa kama ko.

"I made this graham cake, alam kong paborito mo 'to..." pilit naman niyang inaabot sa akin iyon pero hindi ko naman tinanggap kaya naman ibinalik na lang niya ulit iyon sa tray. "Hindi naman sa nag-aalala Ley pero hindi na kasi namin alam kung anong gagawin. Hindi mo kami kinakausap, ginagawa mong multo ang sarili pero kahit anong gawin mo, hindi ka naman magiging invisible sa mata namin. Ley..." inabot niya ang daliri ko, "you can talk to us—to me, hindi naman kita iisipan ng masama. Kapatid mo ako, remember the time na naglalaro tayo—"

"Stop it ate, reminiscing won't change the fact na lumaki akong ganito."

"Wala namang mali sayo, Ley, alam mo 'yan."

Umiling naman ako sa sinabi niya, "ni hindi ko nga kilala sarili ko ate, paano mo nasasabi 'yan sa akin?"

"Kasi kapatid kita..." napabuntong hininga na lang din naman siya, "alam mo, sa totoo lang matapos namin maghiwalay ni Farzem, hindi ko na alam kung paano ulit magtiwala sa mga tao—more likely sa mga lalaki na nanliligaw sa akin... nakahanap lang ng iba, iniwan na ako."

Napangisi naman ako, "ang galing nga ate, bigla bigla na lang din dumadating 'yang ex-boyfriend mo at ginamit mo pa talaga para utuin ako. Your plan failed. Tapos ano ngayon, magtitiwala ka na ulit sa kanya kasi gusto niyang patunayan na paninindigan niya ang pagiging ama ng anak mo."

"Ley, hindi ko intensyon na gawin 'yon, wala na akong naisip na ibang paraan para kitain muli kami, sakto namang kinausap ako ni Farzem, at iyon lang din ang nakita ko para maging maayos ang lahat."

"Naging maayos nga ba ate?" tanong ko pa. "Hindi ko nakikitang magiging maayos ang buhay ko—ang pamilyang 'to. Can't you see? We're all a failure! Kuya Larrione started it, kung hindi sana siya nalulong sa droga, hindi naman siya makukulong. You followed his footsteps, jumowa ka nang taong iiwan ka lang din pala and worse, ayaw mong tanggapin na nasira na ang buhay mo. And Lexus, a total failure of this family, wala nang ginawa kundi ang sirain ang buhay niya and me, the one who gives the family a sickness. A mess. I'm worse than anyone of you, I'm nothing without my name."

Once We Were RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon