Chapter 3

169 4 0
                                    

Chapter 3

A lot of things made me realize that every person had different perspective towards the people revolves around them, or whatever that keep them doing what they are seeing to make things as it is because that's what they believe.

I informed my afternoon appointment to cancel my interview, iyon 'yong private company kaya no chance of winning na doon dahil mas mataas ang standards nila. Some people usually say, hindi na talaga ako papasa sa company's dahil minsan, hinahanap nila ang experience, but I believe, skills and abilities are far more needed to become an asset in a company. Hindi ko lang makita kung bakit gano'n.

On my disappointment, or out of luck, napunta na lang ako sa isang fast food chain.

Nagdadalawang isip pa ako na pumila sa counter, may mga nakapila din naman, nag-aalangan lang din ako, hindi ako sanay. Nakigaya na lang din naman ako, pumila ako, tumingin tingin naman ako sa menu board.

Nang turn ko naman na kunin ang order ko ay nakipagtitigan lang ako sa staff na kaharap ko.

"Good day Ma'am, what's your order?" panimula naman nito.

"Ahm..." tinuro ko naman iyong order ko, saka inuulit naman niya iyon.

"Wala na po ba Ma'am?" tanong ulit nito sa akin. I shook my head, and then she repeated my order. "Dine in po diba?"

Napakunot noo naman ako, "'pag sinabing dine in, dito kakainin diba?"

Tumango naman ito sa akin, "yes, ma'am." I give her a nod at pinaglalagay naman niya sa tray ang mga inorder ko. "Enjoy your meal, Ma'am!"

Pagka-angat ko naman ng tray ay naghanap ako ng mauupuan ko pero wala namang akong makitang bakante. Lahat okupado. Mayamaya lamang ay biglang may sumanggi sa akin dahilan para mabitawan ko iyong hawak kong tray. Mabilis naman akong napaupo para linisin iyong kumalat sa sahig. Yung softdrinks at rice meal ko. Napatingin naman ako sa lalaking bumangga sa akin pero tuloy tuloy lang din siyang lumabas ng store.

Agad namang may lumapit na cleaning crew para linisin iyong kalat na ginawa ko. Napansin ko naman ang tingin ng mga tao sa akin. Sa mga tingin pa lang nila, nakukuha ko na kaagad iyong gusto nilang sabihin. Mga pangungutya, 'yong iba nga natatawa pa. Deep inside, durog na durog na ako sa sobrang hiya.

Sinabi ng crew na papalitan nila iyong order ko, hindi ko alam kung babayaran ko ba ulit pero hindi na daw. Ipina-take out ko na lamang iyong order ko saka dali daling lumabas ng store. Napabuntong hininga na lamang ako. Pinagpawisan din ako ng todo. Hindi ko naman akalain na may mangyayaring gano'n.

Kaya ayokong lumabas ng bahay eh, something will always happen, good or bad. Yung iba, hinahayaan na lang pero hindi ko kayang gawin iyon eh. Super stress ang araw na 'to. Bakit ba naisipan kong lumabas ng bahay ngayon at maghanap ng trabaho?

Eria suggested that I could take home based jobs pero ang paano ma-e-enhance ang social engagement ko kung kaharap ko lamang ang computer? Ayokong mabuhay ng gano'n. This anxiety were slowly killing me and I don't know what would be the turn out of it at the end.

I search my phone on my purse but the one that makes me panic was my wallet. Hinalughog ko na ang laman ng purse ko pero wala na doon ang wallet ko. Hindi ako pwedeng magkamali dahil doon ako kumuha ng pambayad sa cashier. How did that happen...

Shit.

Ang galing nga naman oh, iyong lalaking bumunggo sa akin kanina. It is intended and he stole my wallet. Mabuti na lang ay wala doon ang important cards ko at mga points card lang ang laman no'n but the bills, wala na akong budget at pamasahe ko? I got nothing.

Once We Were RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon