Chapter 15

75 4 0
                                    

Chapter 15

Some people wouldn't understand how much a person suffers inside when they all see a smile. Some says, why can't we just get over with it, that we're just making things up, that were trying to get everyone's attention but they wouldn't understand how much we wanted to be alone. My head's already full of everyone's voices, that's enough.

There's always a story to be told to a person like me, but I don't wanna be like them, I want to stand on my own. My head's struggling from all the questions and I couldn't even find some answers.

Pagkadating ko naman sa apartment, parang nagulat naman si Eria at Dexter nang makita nila akong pumasok ng kwarto.

"Nandito na siya, ibaba ko na..." ani Eria saka binaba ang kanyang phone. That must be Harvin. Kailan pa sila nagkaroon ng contact? Wow, hindi ko inakala na may communication pala sila and so I thought. Eria's friendly, no doubt.

Tuloy tuloy ako sa kwarto ko nang tawagin niya ako. Hindi ko naman siya nilingon, nakatayo lang ako habang hinihintay ko iyong sasabihin niya.

"Kung nagtataka ka, si Harvin iyon. Tinanong niya lang kung dito ka tumuloy. Nag-aalala siya sayo..."

Hindi ko na naman siya sinagot, tumuloy ako sa loob at sinarado ang pinto. Wala akong gana para magpaliwanag pa. Siguro alam na rin ni Eria na sa bahay ni Harvin ako natulog. Mas updated pa siguro siya sa nangyayari sa akin. Hindi na lang niya pakelaman buhay niya.

Mayamaya lang din naman ay kumatok muli si Eria, "Ley, hindi ka papasok ngayon? Totoo ba 'yong sinabi ni Harvin na nag-resign ka na daw?"

Nanatili naman akong tahimik.

"Bakit naman? Sayang naman kung gano'n."

Mga ilang minuto pa bago siya manahimik saka ako tuluyang nakatulog ng mahimbing.

"Stop, Harvin, I don't wanna hear any more from you, we ended what we have when you stop believing in us. You know atleast—" I tried not to crack my voice, I shouldn't. I am strong without him... wow, strong. "once, we became real..."

"What? No, what we have is real, Leanne..."

"No, Harvin, we became real when you left m-me." fuck. I took a deep breath and keeping myself to cry like a baby but my chest tightening that might burst out in any seconds, I tried to compose myself, "go away, Harvin..."

"I need you Leanne..."

Nagising na lang din ako sa panaginip ko. Parang totoo pero imposible mangyari ang lahat ng iyon. Naramdaman ko naman ang pagsikip ng dibdib ko. Agad ko namang hinanap ang inhaler ko, nang makita ko naman ay agad kong ginamit saka tuluyang pinakalma ang sarili ko.

All of it feels like real. Hindi ka talaga makakawala kapag ang utak mo na ang gumagawa ng mga senaryo na makakasakit sayo. Pilit na akong lumalayo, ayoko nang kumapit sa mga posibilidad na magiging okay ang lahat pero kahit anong pagpursigi ko naman, hindi naman ako nagiging okay, sa katunayan, lumalala lang ang lahat.

Ang sabi ni Lexus, magandang way daw ito para matulungan ko ang sarili ko at ma-overcome ko ang fear of social engagement pero anong nangyari, hindi ko na nga natulungan ang sarili ko. Mas gumulo pa ang mga nangyayari.

Napatingin naman ako sa paligid ng kwarto ko. Ano pa nga bang ginagawa ko dito? Bakit ba naglalakas lakasan ako ng loob na makakaya ko ang lahat ng 'to? Bakit ba hindi na lang ako sumuko at kailangan ko pang patunayan sa kanila na kung anong nangyayari sa akin, hindi nakakaapekto 'yon sa kung anong mangyayari. Nakakasawa na kung tutuusin.

Kinuha ko naman ang maleta ko at nagsimula akong nag-ayos ng gamit ko. Iniisa isa ko namang iligpit lahat ng damit, mga bagay na hindi ko na kailangan ay pinagtatapon ko na. Saglit lamang ay biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko, pumasok si Eria na may hawak na susi. Mabilis namang nagpalipat lipat ang tingin nito sa mga tinapon kong kalat, sa maleta ko at sa kabuuan ng kwarto ko.

Once We Were RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon