CHAPTER 41: The Ending

52K 1.6K 235
                                    

Chapter XLI

'Ending'

~*~


Agad na iniwan ni Rain ang mga Water Charmers ng maramdaman niya ang nakakatakot na enerhiya, mula sa kaharian ng kadiliman. Bago siya mawala ay nagawa pa niyang magpakawala ng ipo-ipo sa loob ng dagat. Ang ipo-ipo ng prinsipe ay nilagyan ni Prinsipe Gabrielle ng mga matutulis na tubig.

Lahat ng mga kalaban na napapasok sa ipo-ipo ay agad na nagkapirapriso. Itinaas niya ang kaniyang dalawang kamay, na sinabayan ng lahat ng water charmers maging ang Hari at sabay sabay na kinontrol ang tubig hanggang kumonti at wala ng matirang kalaban.

Agad na nagpakawala ng apat na palaso sina Rose, Lockette, Chie at Kim sa kalangitan, s autos ng orakulo. Nang pakawalan nila ito ay agad na umilaw ang palaso sa apat na kulay bago pumutok sa kalangitan.

Nang makita ito ng bawat kaharian ay agad nilang itinaas ang kanilang mga kamay. Lumutang naman ang Elementums Royal, habang umiilaw ang mga mata at kanilang mga marka sa katawan. ibinuka nila ang kanilang mga kamay at pinakawalan ang kanilang mga charm, upang makagawa ng isang elemental barrier.

"Hindi ito maari!" galit na sigaw ni Darkiya, ng makita ang pentagram na ginawa ng mga elemental. Nagpakawala siya ng itim na usok sa kaniyang mga kamay, upang umatake ngunit huli na ang lahat, dahil nakababa na ang pinakamatibay na harang ng Elementia.

Susugod na sana siya ng mapatigil siya, dahil may naramdaman siyang isang malamig na kapangyarihan. Napakunot-noo siya ng makita niya ang mga matutulis na yelo na tumubo sa lupa. Bumaba siya mula sa kaniyang pagkakalutang, upang matignan ng mabuti ang nangyayari.

"May nakapasok na mga peste!"


***


Napaayos ng tayo si Thunder, dahil kailangan niyang ipakita sa reyna ng kadiliman ang kaniyang lakas upang ibigay nito ang kaniyang kahilingan.

"Impressive! Nakita mo lang siya, na-motivate ka na. May gusto ka ba sa gurang na 'yan?" nakakalokong sabi ni Summer at may mapanuksong tingin at ngiti.

Napangiwi naman sina Victoria at Leah, ng marinig nila ang tinanong ng Prinsesa. Kanina pa dumating si Leah at nanunuod sa laban. Agad siyang bumalik rito pagkatapos niyang makapagpahinga at maibigay ang kaniyang mga kasama kanina sa mga Terra.

Nanlaki ang kaniyang mga mata ng balutan ng usok si Summer, kaya hindi ito natamaan ng kuryente ni Thunder. Napapaisip siya kong isa ba ito sa kakayahan ng charm ng dalaga.

"Lumabas ka!" Naiinis na sabi ni Thunder, habang nakahawak sa dumudugong braso niya. "Huwag kang tumakas duwag na Prinsesa!"

"Nawala lang, tumakas na agad?" nakakalokong tanong ni Summer. "Sino ba ang, mahina sa ating dalawa? Ako na bagong salta o ikaw na naghirap matuto?"

"Lumabas ka na lang at harapin ako!"

"Nagtatago ba ako?"

Naiinis na si Thunder dahil halatang pinaglalaruan siya ng prinsesa. Pinaikot niya ang kaniyang mga kamay at biglang pinagsiklop na nagsanhi ng malakas na tunog at malakas na hanging nagpataob sa mga punong nakapalibot sa kani


***


Nagpabuntong hininga ng malamig si Summer at walang emosyon na tinignan ang kaniyang kalaban.

Elementia Academy: The Long Lost GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon