ELEMETIA 32: What if. . .

69K 2.2K 448
                                    

Chapter XXXII

'What if. . .'

~*~


Habang nagpapahinga si Darkiya sa kaniyang hardin ay limang walang malay na estudyante ang dinala sa kaniya ng bago niyang alagad.

"Kamahalan, ito ang limang buhay na aking alay sa pagtanggap mo saakin," nakaluhod na sabi ng bagong dating sa kaniyang hardin.

Matiim niya itong pinagmasdan. Hindi niya akalain na kayang isakripisyo ng elemental na ito ang buhay ng mga kapwa niya elemental. Ibinuka niya ang kaniyang kaliwang kamay at ang limang katawang nasa kaniyang harapan ay nagliwanag hanggang may limang puting ilaw na lumabas sa bibig ng mga ito at lumutang papunta sa kaniyang kamay.

Nagulat ang bagong saping alagad sa nangyari, hindi niya akalain na ang kaluluwa ng limang elemental na dinala niya ay kinain ng reyna ng kadiliman.

Napangisi si Darkiya sa nakitang dumaan na takot sa mukha ng kaharap.

"Natatakot ka ba?" walang buhay na tanong ng reyna.

"H-Hindi, kamahalan. Nabigla lang ako sa aking nakita," tarantang sagot nito.

"Hindi ka ba nagsisisi sa ginawa mo sa kanila?"

Hindi nakaimik ang kaharap ni Darkiya. Naglakad siya palapit sa kaniyang mga itim na rosas habang hinihintay ang sagot ng bago niyang alagad.

"H-Hindi," hindi siguradong tanong nito.

Natawa ng pagak ang reyna habang nakatalikod siya rito. Ang hardin ni Darkiya ay napapaligiran ng mga itim na rosas at ilang angels trumpet na bulaklak. Marami ring nagkalat na crocuta na isa sa kaniyang mga alaga.

Ang pagpunta sa reyna ng kadiliman ay wala sa isipan niya. Ngunit dahil hindi niya matanggap ang nangyari sa kaniya sa panig ng mga elemental ay walang pagdadalawang isip na umanib siya sa kadiliman. Habang pinagmamasdan niya ang reynang nakatalikod sa kaniya ay hindi niya maiwasang hindi pagpawisan dahil sa mabigat na presensyang nararadaman niya sa darkland.

"Siguraduhin mo lang na hindi mo pagsisisihan ang pagiging traydor sa sarili mong kaharian, dahil kaluluwa mo ang magiging kapalit kapag tinalikuran mo ang kadiliman."

"Hindi ko tatalikuran ang kadiliman, mahal na reyna. Hanggat pinapanigan nila ang mahinang prinsesa na iyon ay hindi ko nais na lumaban sa tabi nila."

Muling nagulat ang elemental ng tumawa ng pagak ang reyna ng kadiliman.

"Ang sinasabi mong mahina ay kabilang ngayon sa mga nilalang na napili upang pigilan ako. Sino sainyo ngayon ang mahina? Ikaw na umanib saakin o siya na handang kalabanin ako?"

Kitang-kita ni Darkiya ang pagtigas ng mukha ng kaharap at pagkuyom nito ng kamao.

"Ang sinasabihan mong mahina, alam mo ba kong ano ang dugong nananalaytay sa kaniya? Makakaya mo kaya siyang talunin sa oras na magkaharap kayo? May katuturan ba ang pagtalikod mo sa kanila?" seryosong tanong nito. Gusto niyang makita kong may pagsisi ba ang elemental na nasa kaniyang harapan sa pagsanib nito sa kadiliman. "Ang mga guardians, napili sila upang protektahan ang mga nilalang rito sa elementia at pinili upang pigilan ang kadilaman. Alam mo ba na, ang pagiging guardian ay napapasa lang dugo ng mga naunang napili? Hindi ka ba nagtataka kong bakit walang napipili sa maharlika kahit mas malakas sila sayo?"

Elementia Academy: The Long Lost GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon